Chapter 28

14.4K 578 211
                                    

A/N: Good morning!

---

Lou

Dalawang taon na ang nakakalipas magmula noong umalis kami ng Pinas. Sa loob ng dalawang taon ang daming nagbago. Katulad nalang ng; una, walang nagbago kasi kakadating lang talaga namin sa tutuluyan naming apartment dito sa Bangkok kahapon. HAHAHAHA pasensya na, kakagising lang.

"Good morning." Pupungas pungas na bati ni Ink matapos pumasok dito sa kusina.

Kakaluto ko lang ng bacons and pancakes at iniwan ko siyang mahimbing ang tulog sa kama kanina.

"Good morning, wife." Masiglang bati ko bago lumapit sa kanya at walang pasabing hinalikan siya. sa labi.

Start your day with a kiss! Pag walang kiss, walang energy!

"Tsk. Ang aga aga ang lalandi niyo." Sabay kaming napatingin ni Ink sa mga bagong dating. Sino pa ba? Edi ang dalawang sabog.

"Kamusta naman ang pagtatabi niyo sa kama, AC?" Himig ang pang aasar sa turan ni Ink bago kami sabay sabay na umupo sa hapag.

Nakahain ang mga niluto ko at may kape na din para kay Ink. Si AC at Pearl hindi ko alam ang iinumin kaya bahala na sila.

"Iyang si Pearlyshell! Ilang beses akong sinipa paalis ng kama!" Nakabusangot na saad ni AC habang binubuhos ang strawberry syrup sa pancake niya. Nahiya pa siyang laklakin na din yon.

"Hoy! Hindi kita sinisipa, yung katawan mo kusang lumalapit sa paa ko." Pagtatanggol ni Pearl sa sarili niya pero wala namang kwenta yung sinabi niya. Anong logic non?

"Tama na nga kayo. Ang aga aga eh. Bilisan niyo nalang kumain para makapag sky dive na tayo!" Pumapalakpak pang saad ni Ink matapos humigop sa kape niya.

Tama kayo ng narinig. Kahapon kasi sa plane ay todo parinig si Pearl na gusto niya lumipad. Noong magland tuloy kami ay nagsearch agad si Ink about skydiving. Then it turns out na dito yung pinakamataas na skydiving site.

Pati kami ni AC na nananahimik ay nadamay sa kabuangan ni Ink at Pearl.

"Oo nga pala! Makakalipad na ako!" Malapit ko na talaga tangungin ang parents ni Pearl kung kulang ba sa bakuna si Pearl o sa vitamins.

"Wifey. Tatalon ka ah!" Ramdam ko pa ang pagkalabit ni Ink sakin pero binigyan ko lang siya ng isang irap.

"Ang lakas mg loob mo mag skydiving eh may fear of heights kang gluta ka." Saad ko bago sumubo ng bacon.

Rinig ko mag mahinang pagtawa ni AC na hindi pa din tapos sa paglalagay ng syrup.

"Face your fears daw, Abunjing." Natatawang saad niya pero putla na naman yung kulay ng labi.

Ang yabang yabang kanina pero ngayon kinakabahan na.

"Ah kaya pala lagi akong humaharap sayo." Lihim akong napangisi ng makita ang panlalaki ng mata niya bago lumingon sakin.

"So anong ibig mong sabihin?" Tinaasan niya pa ako ng isang kilay matapos tanungin yon.

Pero dahil mas attitude ako, inirapan ko siya bago taasan din ng kilay.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon