LL Chapter 1 Part 3 - Husband

9 2 0
                                    

LOVING LANCE Chapter 1 Part 3
ZedJhustin

"Okay mukhang di mo ako kilala. Let me do it again. My full name is Lanrick Cedi Emmanuel M. Verdillo. In the business field, they called me Lance. I'm Lance Verdillo, the only son of Samuel Ricardo Verdillo. Siguro naman kilala mo si dad?", pagpapakilala niya na nakapagpanganga sa akin.

"Ikaw? Anak ka ng isa sa mga pinakamayayamang businessman sa Pilipinas? Wag mo nga akong pinaglololoko" dinuduro ko pa siya. Nakakainis.

"Yes, and I'm telling you the truth. Here." Inabot niya sa akin ang cellphone niya at pinakita ang family picture nila. Nagsasabi siya ng totoo.

"So, bakit ka nandito? At bakit mo ako pinadukot? Bakit ako ang napili mong ikasal sa iyo? Bat hindi babae? Andami kong tanong, pasensya na", sunod-sunod kong tanong. Natawa lang siya at ngumiti.

"First of all, hindi ako ang namili sayo. I ordered my bodyguards, and nagkataon na ikaw yung nakuha nila. Now regarding sa kung bakit lalaki ang pinadukot ko, I don't want to have burden kung mabubuntis ko yung babae na kukuhanin nila. And...", bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.

"I already had sex with a guy before, and I find it more heavenly and sensational", bulong niya sa akin sabay hawak sa likod ko. Tinulak ko naman siya ng malakas na tinawanan lang niya.

"Hindi ako bakla!", sigaw ko sa kanya.

"Well, hindi ganoon ang nakikita ko. And you never know hahahahaha", sabi niya at tumawa lang. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Ilang minuto rin namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng muli akong magtanong.

"So ano na ang mangyayari? Pwede na ba akong umuwi? Hinahanap na ako ng mga kaibigan ko."

"We're going home tomorrow. Magpaalam ka sa kanila. Pack your things up. We'll going back in the Philippines. Ipapakilala kita sa mga parents ko", nakangiti niyang sabi. Napanganga naman ako.

"Ipapakilala? Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit mo ako ipapakilala sa kanila?"

"Because you're my husband", nagpintig ang mga tenga ko sa sinabi niya.

"What if hindi ako sumama?", naiinis kong sabi.

"Edi ipapakuha ulit kita sa mga tauhan ko" natatawa niyang sabi. Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Akala niya siguro nakikipagbiruan ako sa kanya. Nakita ko naman na sumeryoso ang mukha niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Napaatras naman ako.

"Wag kang lalapit. Sumasakit ang ulo ko. Gulong gulo ako, okay?", nakayuko kong sabi. Naramdaman ko siyang lumapit at hinawakan ako sa balikat.

"Calvin, I need you. I need you in this one. Please. I'm willing to explain everything, just let me. Please", nakatingin siya sa mga mata ko at somewhat, nakaramdam ako ng sincerity. So pumayag ako.

Naupo kami sa kama at nagsimula siyang magkwento.

"My father will arrange a marriage for me. Ipakakasal niya ako sa anak ng family friend, na hindi ko gusto. Once kasi na maikasal kami, her family wants me to live with her sa kanila, which is weird kase di'ba dapat yung babae ang titira sa bahay ng lalaki. And most of all, ayokong matali sa kanya. I still want to be free, to do all the things I want. And to mention na rin, She's living here sa Thailand."

Loving Lance (BL) - ONHOLDWhere stories live. Discover now