LL Chapter 2 Part 3 - Meeting The De Leons

11 2 0
                                    

LOVING LANCE Chapter 2 Part 3
ZedJhustin

Kasalukuyan kaming nakahinto sa tapat ng bahay ko. Nasa loob pa rin kami ng kotse. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaction nila sa sasabihin ko mamaya. Sana ay hindi sila masyado mag-usisa.

Nakakaramdam ako ng kaba sa totoo lang. Gaya ng nabanggit ko nung nakaraan, matagal ko na ring kinukwestiyon ang aking sekswalidad, ngunit salamat kay Lance, nakumpirma ko ito. Hindi ko nga alam kung dapat ko ba talagang ipagpasalamat sa kanya iyon, pero natatakot ako, natatakot dahil hindi alam ng pamilya ko kung ano ako.

Napansin yata ni Lance na kinakabahan ako kaya hinawakan niya ako sa kamay. Ngumiti siya at ginulo ng bahagya ang buhok ko.

"Hey baby, everything's gonna be fine. I'm with you." sabi niya ng nakangiti. Aaminin ko, nakakakilig naman talaga yung ginawa niya. Pero may biglang pumasok sa isip ko. Napaka-incharacter naman niya agad. Nasa loob pa naman kami ng kotse.

"Kinakabahan ako." mahina kong sabi.

"I know." sagot niya at niyakap ako. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Here, a goodluck kiss from me"

"Tumigil ka nga, baka may makakita." kunwari ay inis ko iyong pinunasan, pero syempre joke lang yon.

"That's our plan naman di'ba? For others to know that we're together. So there's nothing wrong with that." sagot niya hindi nalang ako nagreact at bumaba na ng kotse. Hinabol pa niya ako dahil dapat daw ay siya ang magbubukas non para sa akin.

Mabuti na lamang at wala kami kapitbahay. Medyo layu-layo kasi ang mga bahay dito. Iwas chismis, iwas marites.

Bubuksan ko na sana ang medyo may kataasan naming gate nang bigla iyong bumukas.

"Hi Kuya" kita ko ang pagkagulat at confusion sa mukha niya nang makita niya ako.

"Vin? Nakauwi ka na?" naguguluhan man ay niyakap niya ako. " 'Ma, Dad, Kuya Rence, andito na si Calvin!" sigaw niya sa loob. Inaya niya akong pumasok, ofcourse bahay namin yon. Tiningnan ko si Lance at tumango lang siya sa akin. Nasa likod namin siya habang pumapasok sa loob. Hindi yata siya napansin ni Kuya Alex.

"Calvin? Anak? Bat ang aga ng uwi mo? Diba next month pa kayo uuwi ng mga kaibigan mo?" tanong ni Mama. Yumakap sa akin si Mama, tapos si Papa. Sakto namang kakababa lang ni Kuya Rence.

"Maupo ka muna, anak! Hindi mo naman sinabi sa amin na uuwi na kayo, edi sana nakapaghanda kami. Alexander, order ka nga ng pagkain. Ginugulat tayo ng bunsong kapatid niyo" utos ni Mama na sinunod naman ni Kuya Alex.

"Kamusta naman ang bakasyon mo? Asan pasalubong ko?" biro ni Kuya Rence.

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko maimagine ang magiging reaction nila sa sasabihin ko. Masayang-masaya sila na makita ako ngayon pero natatakot akong magalit sila sa akin, lalo na kay Lance.

" 'Ma, Dad, Kuya Rence, Kuya Alex, gusto kong makinig kayong mabuti sa sasabihin namin sa inyo. Sana ay huwag kayong magalit." pagsisimula ko.

" 'Namin' ?" tanong ni Kuya Alex. Lumingon ako sa likod at doon ko lang napansin na wala si Lance. Ay sh*t! Nakalimutan ko siya sa labas!

"Wait lang, dito lang kayo." sabi ko sa kanila at sinundo si Lance sa labas. Nakakaloka na hindi pala siya sumunod sa loob. Nakita ko siyang nakatayo sa may labas at tinitingnan ang bike ko na ginagamit ko tuwing weekends. Ginamit siguro ni Kuya Alex.

"Lance! Bat hindi ka sumunod sa loob?" tanong ko sa kanya.

"I just saw how happy your older brother was when he saw you outside. I don't want to ruin the moment." nakangiti niyang sabi. Parang tanga nagpapakilig pa, kabang kaba na nga ako.

"Tara na sa loob" hinawakan ko siya sa kamay, opo magkaholding hands kami, at pumasok kami sa loob. Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay kita ko na ang gulat sa mga mata nila. Kayo ba naman ang makakita na ang bunso niyong anak at kapatid na lalaki ay may kaholding hands na lalaki.

" 'Ma, ayan na." bulong ni Kuya Alex kay Mama. Naupo kami sa harap nila. Kinakabahan ako ng sobra.

" 'Ma, Dad, Kuya Rence, Kuya Alex, si Lance pala, asaw - " hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita sila.

"Tama ako! Sabi sayo tama ako" sigaw ni Kuya Alex.

"Wag ka ngang maingay, Alex." saway ni Kuya Rence.

"Actually anak, matagal ka na naming ramdam. Alam namin kung ano ka, alam naming natatakot ka lang i-discover ang sarili mo kasi natatakot sa sasabihin namin. But don't worry anak, tanggap ka namin." pagsisimula ni Mama.

"Ang totoo niyan, nagsimula ko yang mapansin noong college ka, ako mismo ang nagsabi kay Mama at Dad, sabi ko observe ka namin." nakangiting pagpapaliwanag ni Kuya Rence. Pero kakaiba ang tingin niya kay Lance. Parang kinikilatis niya ito. Napakaoverprotective kasi ni Kuya Rence. Kilala ko yan. Lagot ka, Lance hahahaha.

"Kung iniisip mo na galit kami sayo, nagkakamali ka. Masaya kami na finally ay nagawa mo na sabihin sa amin, hinintay lang namin na sa inyo manggaling, baka kasi mapressure ka pag tinanong ka namin. Pero masaya kami para sa iyo, basta masaya ka. Sana ay hindi ka saktan nitong boyfriend mo." sabi ni Dad. Tama nga ako, akala nila magboyfriend kami ni Lance.

Hinawakan kong muli ang kamay ni Lance. Alam kong naramdaman niya ang panginginig ng kamay ko.

"Hindi po kami magboyfriend." sabi ko sa kanila. Mukha naman silang naguluhan ng sobra.

"Mag-asawa na po kami. Kasal na kami."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving Lance (BL) - ONHOLDWhere stories live. Discover now