LL Chapter 1 Part 1 - Kidnapped

23 3 0
                                    

LOVING LANCE Chapter 1 Part 1
ZedJhustin

"What the hell? Pakawalan niyo ako! Saan niyo ba ako dadalhin?", malakas kong sigaw at pagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa akin ng tatlong lalaki. Isinakay nila ako sa isang sasakyang puti ngunit nakakapagtaka na hindi nila ako piniringan o binusalan man lang.

"Pakawalan niyo na ako! Bibili lang naman ako ng pink milk sa kanto!", sigaw ko sa lalaking nasa kanan ko.

"Sir, you better shut your mouth or we will really hurt you.", natakot naman ako sa banta nila kaya medyo kumalma ako. Nag-isip ako ng paraan kung paano makakatakas sa mga lalaki na ito.

Well, bibili lang naman talaga ako ng pink milk sa kanto. Nasa Thailand ako kasama ng ilang kaibigan para magbakasyon. We had just graduated a week ago and gusto muna naming magbakasyon bago tumuntong sa panibagong yugto ng buhay. Sa katunayan ay excited din talaga ako makapunta sa Thailand dahil matagal na kami nagpaplano na pumunta dito magkakaibigan, at sa halos sa ilang araw ko pa lang na nandito ay aliw na aliw na ako. Hindi naman umabot at pumasok sa isipan ko na may kikidnap sa akin. From a happy vacation, mukhang magiging farewell vacation pala ito.

Napatigil ako ng biglang tumunog ang hawak na telepono ng lalaking nasa kaliwa ko.

"Reā dị̂ lạkphā tạw khır bāng khn pị læ̂w tām thī̀ khuṇ s̄ạ̀ng (We have kidnapped someone as you command) ", sabi niya. Parang mauubusan yata ako ng dugo. Kaya minabuti ko na lamang na hindi siya pakinggan.

"Where will you take me? Please let me go! I'm going to report you to the police! Or to Duterte!", pagmamakaawa ko sa lalaking nasa kanan ko. Pansin ko lang na hindi man lang natatakpan ang mga mukha nila, hindi tulad ng mga napapanood ko sa tv na ang mga kidnappers ay puro takip ang mukha. And in all fairness, ang popogi din nila.

"Please shut your mouth, Sir. Or we will be forced to hurt you. Reā ca t̂xng cex kạb pạỵh̄ā h̄ıỵ̀ t̄ĥā reā mị̀ phā khuṇ pị h̄ā bxs̄ (We'll have a big problem if we don't bring you to the boss.)", Nanahimik nalang ako ng tuluyan dahil wala naman ako maintindihan sa sinasabi nila. Hindi rin naman ako nakatali or nakapiring so wala akong maireklamo.

Ilang minuto rin siguro kaming nasa byahe. Marami kaming nadaanang establishment na hindi pamilyar sa akin. Hanggang sa pansin ko na medyo lumalayo na kami dahil wala na rin ako masyadong makitang building.

"Hoy! Nasaan na ba tayo?", tanong ko sa lalaking nasa kanan ko. Tiningnan lang niya ako. Oo nga pala, hindi sila nakakaintindi ng Filipino.

"I mean, where are we now? And please tell me where are you going to take me. Do you need ransom money? Do you need house and lot? I can give it to you. But please, let me go", masungit kong sabi dito. Hindi ako nito sinagot at muling nagfocus sa nasa labas.

Hindi ko na rin siya kinulit at hindi nalang pinansin. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Pano ba naman, lagi akong puyat. Nagising na lang ako ng gisingin ako nung mga kumidnap sa akin.

So ito na. Mukhang dito na matatapos ang lahat. Yung inaakala kong bakasyon, ay parang naging farewell party ko pa.

Pinagbukasan ako ng pintuan ng isang lalaki at pinababa.

"We're here, Sir. Welcome to Rayavadee", sabi ng isang lalaki. Wow ha. Nasaan ba ako? Raya.. ano daw? Anong lugar ba ito?

"Ngān tæ̀ngngān ca reìm xīk mị̀ kī̀ nāthī khuṇ t̂xng tæ̀ngtạw (The wedding will start in a few minutes. You need to get dressed)", sabi ng isa. Hindi ba nila naiintindihan na hindi ako nakakaintindi ng salita nila?

Inescortan nila ako papasok sa isang hotel. Walang masyadong tao, na nakakapagtaka. Hinatid nila ako papasok sa isang kwarto na nasa ikatlong palapag ng hotel.

"Sir, please do prepare and wear the clothes on the bed. Ngān tæ̀ngngān kảlạng ca reìm k̄hụ̂n (The wedding is about to begin)", akalain mo, ibinili pa nila ako ng isusuot sa burol. Sinara nila ang pinto ng kwarto, at kahit hindi ko iyon icheck, alam kong hindi ko iyon mabubuksan.

Syempre, mamamatay nalang din ako, gusto ko na ring maganda ang isusuot ko. Mabilisan akong nagbihis ang isinuot ang inihanda nilang pang formal attire na napapatungan ng puting tuxedo.

Maya maya pa ay kumatok na sila mula sa labas. Heto na. Handa na ba akong mamatay? Paano kaya nila ako papatayin?

Lulunurin sa dagat? Lalo at nasa resort yata kami na malapit sa dagat. Hindi pa naman ako marunong lumangoy.

Ipapakain sa tigre? Well pwede din. Kaso mukhang walang tigre dito.

Papasagasaan sa malaking sasakyan?

Kung anu-ano na ang naiisip ko kaya nahiga nalang ako sa malambot na kama, at ginaya ang pusisyon ng mga taong nasa kabaong. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa cellphone ko at nagpicture. Ang pogi ko naman. Mamamatay na agad ako, ang bata ko pa.

Wait, nasa akin pala yung cellphone ko. Hindi nila kinuha, which is nakakapagtaka. Mabilis kong tinawagan si Carl, isa sa mga kaibigan ko na narito din sa Thailand.

"Carl, sagutin mo!" Ilang segundo pa ay sinagot na niya.

"Huy ano na? Nasaan ka ba? Sabi mo bibili ka lang?", bungad sa akin ng aking kaibigan.

"Carl, tulungan mo ako. Kinidnap ako ng tatlong.. poging lalaki na naka-black tuxedo. Nandito ako sa.. sa.. basta hindi ko alam kung nasaan ako. Tulungan mo ako Carl!" dere-deretso kong sabi. Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

"Teka nga, teka nga. Nakadrugs ka ba?"

"Hindi! Totoo ang sinasabi ko! Bilisan mo na at papatayin nila ako!"

"Calvin, wala akong panahon sa mga ganyan. Bilisan mo bumalik ka na dito sa hotel. Magpaparty tayo. Bye!" huli niyang sinabi bago inend ang tawag. Sisigaw na sana ako pero biglang bumukas ang pintuan.

"Ngān tæ̀ngngān kảlạng ca reìm k̄hụ̂n, (the wedding is about to begin) let's go, Sir", sabi nila at hinawakan ako sa braso. Ito na. Ito na talaga. Akala ko pa naman ay maililigtas na ako ng kaibigan ko.

Akala ko ay babarilin nila ako pagkalabas, pero wala silang ginawa. Nakabantay lang sila sa akin at pansin ko na papalabas kami sa hotel. Oo nga naman, kung papatay ka ng tao, bakit sa ganoong lugar mo gagawin?

Naglakad kami papunta sa beach. Medyo padilim na din kasi pagabi na. Eto na talaga. Mukhang papatayin nila ako sa dilim. Medyo nahihirapan akong maglakad dahil nagpalit ako ng sapatos, syempre sinuot ko yung bigay nilang damit. In fairness, ang effort nila pumatay ng tao. Binihisan pa nila para magmukhang sosyal at mayaman bago nila patayin.

Loving Lance (BL) - ONHOLDWhere stories live. Discover now