LL Chapter 2 Part 1 - Welcome Home!

6 2 0
                                    

LOVING LANCE Chapter 2 Part 1
ZedJhustin

"Welcome to our new home", masayang bati ni Lance pagtapat namin sa isang malaking gold na gate. Isang napakalaking bahay, hindi ko maimagine na titira ako sa ganito. Well, malaki rin naman ang bahay namin, pero hindi ganito kalaki.

Automatic na bumukas ang gate kahit walang nagbukas nito. Pagkapasok ay wala ring sumalubong na maids, inexpect ko kasi na may mga maid dito kasi sobrang laki ng bahay.

"Yup, there's no other people here. Just the two of us." napansin niya yatang nakatingin ako sa pinto kung may lalabas na tao. Pinagbuksan niya ako ng pinto, na sana ay hindi niya ginawa, hindi naman ako baldado.

"Are you hungry? Do you want something to eat? Lemme know so I can order it for you." dagdag pa niya habang ibinababa ang mga gamit namin sa kotse. Sumagot lamang ako gamit ang pag-iling.

Nakapasok na kami sa loob ng mansion niya at tama nga ako, sobrang laki ng bahay. Naupo siya agad sa mukhang mamahaling couch siguro ay dahil sa pagod.

"Sorry, I didn't hire too many maids so we will be free in the way we act and move inside this home. And I also don't want you to be uncomfortable if there someone else here." pagpapaliwanag niya. Tama nga naman, if may mga ibang tao dito sa loob, kailangan rin naming magpanggap na mag-asawa talaga, which is hindi nga komportable.

"But don't worry, there's a trusted caretaker who will visit the house everyday. Also, there will be guards outside for safety. Wala pa lang sila ngayon because they're in the final screening, nauna kasi tayo." dagdag pa niya. Napatango lang ako. Tumitig siya sa akin at napansin niyang nakatitig din ako sa kanya. At gaya kanina ay hindi pa rin ako nagsasalita.

Medyo nagulat ako nang bigla siyang tumayo ay lumapit sa akin. Walang sabi-sabi ay bigla siyang yumakap sa akin.

"I know you're still in a process of accepting everything. I know na may mga bagay na ngayon pa lang nagsisink-in sayo. I know that you also have many questions in your mind right now. But I want you to know, that whatever happens, I'm always here. I will be here. And just like what I've promised, they will not gonna hurt you as long as you're with me." mahaba niyang paliwanag habang nakayakap sa akin.

Gusto ko sana siyang tanungin. Parte pa ba ito ng pagpapanggap namin? Wala namang tao sa paligid. Ako yung nahihirapan eh hahaha.

"Don't worry, okay lang ako. Siguro naooverwhelm lang ako sa bilis ng pangyayari." sagot ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Nararamdaman ko din ang paghinga niya sa leeg ko, na nakakakiliti, pero hindi ko pinahalata.

"Ummm... sorry to disturb you, Sir Lance. I'm here na po with the guards." sabay kaming napatingin sa nagsalita. He's kinda familiar. Nakita ko siya sa resort sa Thailand kung saan ako dinala.

Kita ko naman ang pagkayamot ni Lance nang humarap sa kanila. I don't know why.

"France, this is DJ. He's the caretaker na binanggit ko sayo kanina." pagpapakilala ni Lance.

"Hi, nice to meet you." bati nito habang nakangiti.

Tiningnan ko si DJ mula ulo hanggang paa. Seryoso ba 'to? Siya yung caretaker? Eh ang pogi-pogi nito. Para siyang artista, napakaputi. And parang ang bata. And take note, English speaking.

Ngumiti nalang ako bilang pagtugon. Hindi ko na rin kinwestiyon si Lance. Napatingin ako sa relo ko. Alas-9 na ng gabi, maaga pa pero inaantok na ako. Nakakapagod din kaya bumyahe.

Napansin yata iyon ni Lance kaya muli niyang hinarap ang mga taong dumating.

"I think we should take a rest by now. France is tired and so I am. Kayo na ang bahala dito, we're gonna go upstairs to change and rest." bilin ni Lance sa mga ito, pagkatapos ay humarap siya sa akin.

"Baby you should go upstairs first. I have some things to settle here. Mauna ka na magpalit, sunod ako." sabi niya at ngumiti. Nanginig naman ang buo kong katawan sa pagtawag niya ng "baby" sa akin. Oo nga pala, may ibang tao na sa loob ng bahay. So I guess, start na ito ng pagpapanggap.

"Okay baby." sagot ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. Akala ko ay magagalit siya pero hindi. Hindi ko alam kung namamalikmata ako o nakita ko talaga siyang namula dahil sa ginawa ko. Hay ewan!

Tumalikod na ako mula sa kanila at umakyat na sa kwarto namin. Wait, saan nga pala yung kwarto namin sa taas? Hays bahala na!








Meanwhile pagkaalis ni Calvin:

"Yow! What is that!"

"I don't know, man. But I'm loving it! What just happened? Hinalikan niya ako?"

"Kilig ka naman hahaha. Pero may kasalanan ka sa akin, buti hindi ako na-off sa pag acting kanina. Seriously? Caretaker bro? Hahhaha"

"I'm sorry okay? May kasalanan ka din naman. Hindi ka kumakatok. Istorbo ka."

"Hahahaha you should be thanful that Calvin didn't noticed that you got pissed off dahil naistorbo kita."

"Whatever. Istorbo ka. Kayo na bahala dito, akyat na ako."

"Make me proud bro hahahahah"

Loving Lance (BL) - ONHOLDWhere stories live. Discover now