ELI'S POV
"Ang problema kasi sayo ay binigyan ka lang ng konting atensyon akala mo gusto ka na! akala mo mahal ka na! uto-uto ka rin kasi, nakakainis ka. Di ka ba naawa sa sarili mo? tignan mo nagpapakatanga ka sa taong hindi makita yung halaga mo. Ba't ba ang kulit kulit mo? Di ka mahalaga ok? Wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa kanya kasi masaya na siya sa iba. Hindi siya sayo at lalong-lalo hindi mo siya pagmamay-ari."
"LOSER."
"LOSER."
"LOSER."
"LOSER."
"LOSER."
A terrifying scream escaped me, shattering my sleep. My parched throat led me to the kitchen, where the clock reads 2:40 a.m. My life unraveled since then. School became a blur, with absences piling up. My parents intervened, concerned, and chose to send me away to the province for a semester break.
Pagkatapos kong kumuha ng tubig ay umupo ako sa labas kung saan may papag, binuksan ko ang aking facebook at tiningnan ang pinag-gagawa ng aking mga kaibigan, si Gail at ang kanyang pamilya ay nasa Boracay ngayon, si Matthew naman ay nasa kanilang farm, si Noah ay suma-sideline sa kanilang resto, at si Cole? wala siyang masyadong post sa facebook, tumingala ako sa kalangitan at tinanong ang aking sarili, ba't ko ba hinahanap ang taong naging dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon? humiga ako at pinagmasdan ang buwan, naagaw ng aking atensyon ang bituin na naka-kubli sa kulay abong ulap, hindi mo talaga makikita ang halaga ng isang bagay kung hindi mo ito bibigyan ng atensyon at halaga, tulad sa pag-ibig kahit anong gawin mo para mapansin ka ng taong mahal mo ay iba pa rin ang magugustuhan nito.
Ramdam ko ang kamay na tumatapik sa aking braso, minulat ko ang aking mga mata at bumungad sakin ang pinakamaganda kong lola, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Umupo siya sa aking tabi.
"Kamusta ang tulog mo apo?" tanong niya.
"Ok lang po la, ba't niyo po naitanong?" sabi ko.
"Wala, masama bang magtanong?" sabi niya, natawa naman ako dahil sa reaksyon niya, kaya pala loka-loka si mama may pinagmanahan rin pala. Pansin ko lang kanina pa nakangiti si lola sakin, nakakatawa ba ang mukha ko? O di kaya ay may tuyong laway ako sa mukha kaya siya nakangiti sakin, kinakabahan na ako sa ngiti niya, sabi kasi ni mama kapag nakangiti ng di oras si lola ay may binabalak itong masama. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang aking kamay at bigla niya itong binali kaya napahiyaw ako ng malakas dahil sa sakit, sinipa niya ako sa sikmura kaya natumba ako, kinuha niya ang itak na nakaipit sa kanyang baywang at tinaga niya ako sa leeg.
"Ahhhhhhhhh." napasigaw ako bigla at napahawak saking leeg dahil sa mga iniisip ko, nagulat naman si lola sa nangyari.
"Napano ka?" tanong nito, umusog ako ng konti at inihanda ang aking sarili.
"Alam kong may pinaplano kang masama sakin lola, dahil iba ang ngiti mo." sabi ko.
"Ha? anong pinagsasabi mo jan apo?" sabi nito, sinusundan ko ang bawat galaw nito, baka anong oras ay hugutin niya ang itak na naka-ipit sa kanyang bewang at saksakin ako bigla.
"Sabi kasi ni mama kapag raw iba ang ngiti mo ay may pinaplano kang masama, siguro serial killer ka no." sabi ko sa kanya.
"Ngayong alam mo na ang totoo kong pagkatao, kailangan mo nang mawala sa mundong ito," sabi nito
"Ahhhhhhhhhh." at bigla niya akong sinaksak sa tiyan gamit ang saging, sandali saging? Tama ba saging? paano naman ako mamamatay sa saging? tinignan ko ang matanda habang tawang-tawa ito sa kanyang inuupu-an.
"Ayan kainin mo, kung ano-anong iniisip mo." sabay tawa.
"Eli!" she suddenly exclaimed. My eyes widened in shock, disbelieving what I saw. Was this real, or just a cruel trick of my mind? Frozen in place, I couldn't move or hear anything around me. My gaze was fixed solely on him.
BINABASA MO ANG
Just A Friend To You (BOYSLOVE) COMPLETED
RomanceFalling in love to a person who is your f*ck b*ddy is hard 'cause you'll never know if it's love or just a lust. Kailangan ba talagang sumugal pagdating sa pag-ibig? Parehong sawi sa pag-ibig ang magbestfriend na sina Eli at Cole, dahil sa kapangyar...