Chapter 1

193 13 0
                                    


2 years later...

Humikab ako habang nasa loob ng kotse ni Kuya. Grabe, ang bilis ng panahon. I was just 17 last year, tapos mag-18 na ako in the next three months! And also, last year ko na rin as a senior high student.

"What time did you sleep?" Kuya asked while driving.

"Mga 11 pm na yata," sagot ko.

"Damn sis, I told you to sleep early since today's your first day on your new school."

Sumimangot na lamang ako.

Right.

New life, new school.

Apparently, my parents sold our old house, kaya ngayon sa bagong bahay na namin kami nakatira.

It's been a month since the day we moved to our new house. At walang araw na hindi ako naninibago.

"Malapit na ba tayo?" tanong ko kay Kuya.

"Yeah."

Muli akong humikab at saka ko pinagmasdan ang aming dinadaanan. May nakikita rin akong mga estudyante na naglalakad at nagku-kuwentuhan.

Not gonna lie, but i'm really nervous right now.

Westward Senior High School is well known for having popular and intelligent students. I'm not popular, nor intelligent. Normal na estudyante lang ako.

When we arrived, I text my friend to notify her that i'm already here.

To: Eva
I'm here na gaga.

Eva is my bestfriend since elementary, pero nagka-hiwalay kami noong pumasok siya sa ibang school noong high school. And luckily, sa Westward din siya nag-aaral ngayon kaya magkakasama ulit kami.

From: Eva
Omg true ba diz?! Charot! I'll wait for you sa cafeteria!

Nagtipa ako ng mensahe.

To: Eva
Gaga, idk where the cafeteria is.

"Claire, nandito na tayo. Bumaba ka na," Kuya told me.

Saglit akong lumingon sa kaniya. "Wait lang. I'm texting my friend."

From: Eva
I sent you a map duh!

Nagusot ang mukha ko at saka ako bumaba. Nagpaalam na ako kay Kuya at kinakabahang pumasok sa loob ng school. Pakiramdam ko kasi lahat ng tingin nila ay nasa akin.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang map na sinend sa akin ni Eva.

Habang hinahanap ang cafeteria ay napapasulyap ako sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Halos lahat sila ay magkaka-kilala na.

Naka-ilang ikot na ako pero hindi ko pa rin makita ang cafeteria.

Nilakasan ko na ang aking loob at nagtanong sa lalaking nakasalubong ko.

"Uhm hi? Saan ang cafeteria dito?"

Inayos niya ang kaniyang suot na salamin at ngumiti ng kaunti sa akin.

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon