"He was really immature! That's why I hate him! Mygosh! Imagine? Sinabihan niya ako dati na walang nagtatagal sa akin! Eh siya lang naman ang naging boyfriend ko!" pagra-rant ko kay Eva habang magka-video call kami."Girl, calm down," aniya mula sa kabilang linya.
I took a deep breath to calm myself down.
"He's still annoying! It's been 2 years already and he did not even changed," I scoffed.
"Maybe he did change, Claire. And you know what? Dalawang taon na rin yata siyang walang girlfriend. "
"Don't be so sure about that, Eva. Malamang ay may nililigawan na 'yon."
"Edi sana kumalat na 'yon sa campus since he's popular?"
"You don't know him that well," I bitterly said.
"Heh! Affected ka pa rin sa kaniya? I thought, naka-moved on ka na?"
My eyebrows furrowed. "It's not that kind of affection that i feel towards him, it's anger and annoyance. 'Yang mukha niya na 'yan, sarap suntukin."
"Hahaha!" she laughed. "Nararamdaman ko talaga ang galit at inis mo. Pero bakit ka ba kasi naiinis sa kaniya?"
Saglit akong natigilan, hindi alam ang isasagot.
"Claire, be honest.." a smile formed on her lips, "do you still like him?"
"No. I do not like him anymore. At isa pa, I don't think na nagustuhan ko siya, what happened between us was just puppy love and infatuation," matigas na sagot ko. "And the reason why I hate him is because he's so arrogant and immature."
"O baka naman bitter ka dahil nandiyan pa ang girl bestfriend niya sa buhay niya, pero ikaw wala na."
I laughed, sarcastically.
"Ang funny mo, Eva. Anyway, i'm gonna sleep na. Bye!" mabilis na sabi ko at agad na inend ang call namin nang hindi ko na siya hinihintay pang magsalita.
Wala na akong pakialam sa kanila, duh!
Huminga ako ng malalim para muling pakalmahin ang nagwawala kong puso. Masyado na naman akong nao-overwhelmed sa nararamdaman ko.
Lumabas ako sa kuwarto ko at pumunta sa kusina para kumuha ng gatas sa ref.
"Bakit 'di ka pa natutulog?"
Sa gulat ko ay halos mabitawan ko ang baso na hawak ko. "Kuya! Ano ka ba, bigla-bigla na lamang sumusulpot!" sabi ko sa kaniya habang nakahawak sa dibdib ko.
"OA," komento niya. "How was your first day?"
Uminom muna ako ng gatas bago sumagot.
"Okay lang, wala naman kaming ginawa ngayon. Orientation lang."
"STEM ang strand mo, 'di ba? Ano'ng balak mo kuhanin na course—"
Mabilis na inubos ko ang gatas na iniinom ko at agad na nilagay sa lababo. "Inaantok na ako, bye!" sabi ko at saka tumakbo nang mabilis pabalik sa kuwarto ko.
Magkaka-pareho na sila nina Mama at Papa. Lagi akong tinatanong sa course na gusto ko. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga alam ang kukuhanin ko.
Sa isang company nagta-trabaho ang Papa ko, at teacher naman si Mama. Samantalang nag-aaral naman si Kuya ng law.
If you guys are wondering if where is our parents, well marahil ay tulog na sila dahil sa pagod. They're always busy, and the reason why we moved here is because it's near to their workplace.
Humiga na ako sa aking kama para pilitin ang sarili na matulog.
I couldn't believe na magkaklase kami ni Lucas. He's also in the same strand as me.
BINABASA MO ANG
Fall Again
RomanceI'm Claire Ferrer, just a normal girl. And he's Lucas Villafuerte, the captain of their basketball team. We became a couple, but not for so long. Our relationship ended in the most toxic way. And after 2 years, we met again. And the worst part is, h...