Chapter 4

196 17 3
                                    


My eyes widened as soon as I saw his face. I immediately pushed him away from me. "Don't touch me." I muttered.

Mukhang nakita ni Nico ang nangyari kaya naman, dali-dali akong umahon. Napansin ko rin ang pagsunod sa akin nina Eva and Stella.

Hinawakan ni Eva ang braso ko. "Claire, i'm sorry! Hindi ko alam na malalim pala ang part na 'yon. I'm sorry, Claire." She looked at me with her apologetic eyes.

I held her hand and gave her a half smile. "Baliw, okay lang ako. "

Lumapit din sa akin si Stella. "Sure ka ba na okay ka?" Nag-aalalang tanong niya.

Tumango ako. "Yeah. Don't worry about me."

Mula sa kanilang likuran ay nakita ko sina Jenny, Patricia, Martin at Raven na naglalakad papalapit sa amin.

Nagulat na lamang ako nang biglang lumapit sa akin si Raven at may dala itong towel. Nilagay niya ito sa aking ulo at tinuyo ang aking buhok. "Are you okay?" He worriedly asked.

Bahagya akong natawa. "Of course. Hindi naman ako nalunod." Muntik lang.

Ngumiti na lamang siya at tinuloy ang pagtu-tuyo ng aking buhok. Nagtataka man sa kaniyang ginagawa ay hinayaan ko na lamang siya.

Hanggang sa marinig namin ang pagtikhim ni Jenny. "Wow, Raven. Making a move to Claire, huh." She smirked.

Dahil doon, ay kinuha ko na lamang kay Raven ang towel at ako na ang nagtuyo ng aking sarili. I saw Raven glaring at her, but the latter just laughed.

"May dala ka ba na extra na damit?" Patricia asked.

Umiling na lamang ako bilang sagot.

"I'll lend you my extra clothes!" Stella offered but I just shook my head again.

"It's okay. Isu-suot ko na lamang ulit ang damit na sinuot ko kanina. At isa pa, you already lend me your shorts."

Eva hugged me. "I'm really sorry, Claire! I will understand if you get mad at me!" She sobbed which made me frown.

"Baliw. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. I told you, it's fine." Tumingin ako kay Jenny. "Siguro ay uuwi na rin ako."

Maluha-luhang tumingin sa akin si Eva kaya naman inirapan ko siya. "Gaga ka, okay nga lang ako."

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Martin kaya sinamaan siya ng tingin ni Eva.

"I understand. Please text any of us 'pag nakauwi ka na," Jenny said.

Tumango na lamang ako at nagpunta sa banyo, dala-dala ang aking bag para magbihis. Matapos magbihis ay naabutan ko si Lucas sa labas na nakasandal sa pader. 'Di gaya kanina, ay may damit na ito ngayon.

"Ihahatid na kita," aniya habang nakatingin sa akin.

Pabalang akong sumagot. "No thanks, baka mapahamak pa ako."

Mabilis ang mga lakad na nilagpasan ko siya, pero agad niyang hinawakan ang braso ko. "I said, don't touch me!" Marahas na hinila ko pabalik ang aking braso.

"Whoa, what's happening here?" tanong ng bagong dating na si Raven.

Hinawakan ni Raven ang aking braso. "Lucas 'tol, ano'ng nangyayari rito?"

Nakita ko ang pagdapo ng mga mata ni Lucas sa kamay ni Raven na nakahawak sa braso ko, at saka niya muling ibinaling ang kaniyang tingin kay Raven. "Ah, wala 'tol. May tinatanong lang ako sa kaklase natin," sagot niya. Emphasizing the word 'kaklase'.

Umiwas ako ng tingin.

"Ah gano'n ba," wika ni Raven at saka siya tumingin sa akin. "Let me drive you home, Claire."

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon