Bakit?

7 3 0
                                    

 " Tay, una na po ako! " paalam ko sa aking ama na nasa harap ng TV bago lumabas ng bahay. 

5:30 am pa lang ng umaga ay nag aabang na ako nang masasakyan papunta sa trabaho ko. Kahit na puyat dahil sa raket kagabe ay maaga pa rin akong gumissing dahil kapag tumama na sa 6am ay sure akong puno na ang mga pampasaherong dyip. 

Humihikab ako habang nag aabang ng dyip sa may kanto ng baranggay namin. Buti na lang ay agad ding may dumaan kaya nakasakay agad ako. 

" Sa Rothwell Corp. po kuya " sabi ko bago iaabot ang bayad

nasa tabi kasi ng driver ako naupo, naka skirt kasi ako kaya mahirap maupo sa likod saka tatlo pa lang naman kami sa dyip dahil maaga pa nga. Maya maya ay nasa harap na kami ng isang malaking building na gawa sa salamin. 

" Salamat ho " sabi ko bago bumaba sa dyip, agad ko namang inayos ang skirt ko ay ang long sleeves ko na puti. Agad ko ring kinuha sa bag ko ang ID na nagpapatunay na dito nga ako nagttrabaho bago pumasok. No ID, No Entry kasi ang peg ng CEO. 

Tipid na tango lang ang binigay ko kay manong guard bago sumakay sa elevator. Dali dali kong pinindot ang 3

Napa buntong hininga ako bago sumandal sa elevator. Antok na antok pa ako at ramdam na ramdam ko ang bigat ng mga talukap ko pero as if naman may choice ako diba? Hindi naman ako pedeng hindi pumasok at ang ipasa kong excuse letter ay dahil napagod ako sa raket at inaantok kaya hindi ako pumasok. Sure ako na kapag yun ang pinasa ko ay magtatanong pa yun kung baket ako may raket? kung kulang ba ang sweldo ko sa isang buwan dahil ang isasagot ko ay Oo. 20k a month is not as bad as you think pero kapag may kapatid kang pinag aaral at tatay na may sakit sa puso ay talagang kulang yun. 

Bumalik ako sa wisyo nang tumunog ang elevator at bumukas ito. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at lumabas na sa elevator. 

sigurado akong bagsak ako mamaya sa pagod dahil bundok na naman ang tambak na papel sa lamesa ko. 

" And good morning to you too " sarkastikong bati ko sa mga papel na sabog sabog sa lamesa ko. Umagang umaga ay ito na agad ang bungad saken, hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang ganun na nga. 

Umupo na agad ako sa upuan ko at nagsimulang magtrabaho. 

****

It's already 6pm pero kanina pa dapat 5pm ang out ko sadyang marami lang ang trabaho kaya napasobra ako ng isang oras. 

Bago umuwi ay namahinga muna ako. Nag cellphone ako habang nag papalipas muna ng pagod pero mukang dapat pala ay hindi na. 

BREAKING NEWS!

Conrad Allerick is spotted in NAIA Airport this after noon with his rumored girlfriend, Dahlia Oxford. Is the rumor true? Will Conrad Allerick, the famous model all around the world will settle here in the Philippines? 

He's here? Sa Pilipinas? Shutangina?? legit ba tong page na to? baka scam lang to shet ka. Rereport ko talaga tong page na to kapag hindi to totoo, masama magkalat ng fake news! 

famous... model... that's our dream. That's my dream! 

" How come you're a successful model, Conrad? Pagkatapos ng lahat ng mga kagaguhan mo ikaw pa ngayon ang umaasenso? " ramdam ko ang init sa gilid ng mga mata ko sa nagbabadya na mga luha, I bit my lower lip fighting the urge to sob so loud that everyone in this world will be aware how hard my life is 

" Bakit ikaw ang nandyan sa tuktok? Bakit ako ang naiwan na luhaan at talo? Bakit hindi ikaw Conrad? "

Hindi lahat ng babae ay marupokWhere stories live. Discover now