Bisita

6 3 0
                                    

Kulang na lang ay masakal ko na si Jona dahil sa mga kagagahan na ginagawa niya sa buhay ko. 

" Anak ka naman ng pating, jona! Anong ginagawa mo sa mga panty at bra ko?! " bulyaw ko sakanya habang nakikipag agawan ng panty at bra sakanya

" Paheram lang kasi sismars! may date ako ngayon dapat maganda ang panty at bra ko! dapat terno! " pag mamakaawa niya pa

" Date tapos kailangan terno agad ang panty at bra?! ANO BA ANG SUOT MO HA? SHEER FABRIC BA ANG SUOT MO?!  BITAWAN MO PANTY KO!" inis na sigaw ko sakanya na mukang hindi tumalab dahil mas lalo siyang nagmakaawa

" Sige na pleasee sismarss! eto na lang ang pag asa ng pechay ko na madiligan, please please please! " mangiyak ngiyak na sabi niya habang nakaluhod sa harap ko

tanging marahas na pagkamot na lang sa ulo ang nagawa ko dahil alam ko na hindi ako makakatanggi sakanya. 

" Maka pechay ka naman akala mo naman pechay talaga yan. Talong ang meron ka, jonas. TA-LONG!" pang aasar ko pa na tnaging matamis na ngiti ang sagot niya

" Whatever you say, my dear adelaila. Inggit ka lang kase kahit talong ang meron ako ay madidiligan pa rin " ganti niya bago isilid ang panty at bra ko sa bag niya 

itinaas ko ang gitna kong daliri sa harap niya. 

" Pakyu with all of my heart, Jonas Mckenly. And please lang, ingatan mo yang panty at bra ko. Avon yan at bagong bago! " sigaw ko sakanya habang papalabas siya ng kwarto. 

napahiga na lang ako sa matigas na papag sabay pikit. Ngayon ko lang naramdaman uli ang sakit ng likod at kamay ko. Nakasuot pa rin sakin ang office attire ko at hindi ko alintana ang init. 

girlfriend ba talaga niya ang dahlia na yun?  sila ba talaga? kung Oo, gaano na kaya sila katagal? Naging sila ba agad pagkatpos naming maghiwa- 


" putangina? bakit ko iniisip ang hayop na yun? kaderder ka, adel. hindi mo dapat iniisip ang gunggong na yun, move on ka na sakanya! dapak " puno ng gigil ang tinig ko sabay sabunot sa sarili 

" hiniram lang ni kuya jona ang panty at bra mo nagkaganyan ka na, ate " 

" Ay Move on!" gulat na sigaw ko habang naka hawak sa dibdib , napatingin agad ako sa may pintuan ko 

" Ano ka ba, Axel! Sana ay kumatok ka muna hindi yung nag sasalita ka agad diyan! " galit na pagpapaliwanag ko sa kapatid ko

" katok? saan ako kakatok ate eh kurtina lang naman ang pinto ng kwarto mo " panganagtwiran niya, agad naman akong napaisip sa tanong niya

Oo nga no? saan siya kakatok eh wala nga palang pinto ang kwarto ko..

" O-oh eh ano ba kailangan mo? " napapahiyang tanong ko sakanya habang inaalis ang suot kong sapatos 

napadaing ako ng maramdaman ko ang hapdi, masikip na kasi sakin ang sapatos ko na to pero hindi naman ako makabili. 

" May bisita tayo ate, hihingi lang sana ako ng pera para bumili ng meryenda kay aling nanet " sabi niya sabay lahad ng palad sa harap ko 

" Bisita? sino ?" takang tanong ko habang kinakapa ang wallet sa bag ko 

" Hindi ko kilala ate, pero kilala siya ni tatay. Anak pa nga tawag saknya eh " paliwanag niya pa, agad ko namang inabot ang isang daan sakanya 

anak?? sinong anak? may anak ba sa labas ang tatay? or baka isa sa mga dati niyang estudyante? hmm bahala na

" Osige, mag bibihis lang ako tapos ay lalabas na rin " sagot ko sakanya at tumango lang siya bago umalis. 

agad naman akong nagpalit ng simpleng shirt at shorts, hindi na rin ako nag abala na mag bra dahil kung estudyante nga ni tatay iyon eh malamang nasa kinse pa lang yun 

busy pa akong kumakanta ng mahina habang papalabas sa sala 

" Tay, sabi ni axel may bisita daw tay-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang bisita na tinawag ng tatay ko na anak. 

" Oh! Adel! Halika dine at makipag kwentuhan tayo kay Conrad, matagal na rin simula nung huli tayong nagka sama sama " maligalig na sabi ni tatay habang inaaya pa ako umupo sa tabi niya 

pero kahit ata na anong tawag ang gawin niya ay hindi tatalab sakin dahil nakatutok lang ang mata ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon 

" A-anong ginagawa mo dito?!" 


Hindi lahat ng babae ay marupokWhere stories live. Discover now