" kung nakakamatay lang ang titig, malamang ay tigok na 'yang ex mo " pang aasar ni jona bago kunin sa'kin ang cellphone ko.
napairap ako sa inis at galit
" Jona, kung pwede lang ang pumatay eh hindi lang titig ang gagawin ko sa tukmol na 'yan " sabi ko sakanya with matching amba pa ng suntok sa hangin.
" Sus! baket ha? ano gagawin mo? yayakapin mo tapos pupudpurin mo ng halik? nako leila ha? " puno ng pag dududa niyang tanong bago humigop ng milktea niya
" Eh kung ikaw kaya patayin ko, Jonas Mckenly? " balik kong pang aasar sakanya na halata namang tumalab dahil kulang na lang ay sumabog sakanya yung milktea niya sa sobrang higpit nung hawak niya
" IT'S JONA! Ikaw porke bitter ka dyan sa ex mong yummy pati ako dinadamay mo "
yummy? yung tukmol na 'yon ay yummy?
" Kilabutan ka nga!" pigil sigaw ko sakanya
Tuwang tuwa naman ang gaga, letse
" Bakit kasi hindi mo na lang aminin na mahal mo pa 'yung ex mo? Wala namang mawawala kung aamin ka na hindi ka pa moved on " pangaral pa niya bago sumimsim uli ng inumin
" Hindi ko na mahal 'yung ex ko, jona. It's been 3 years already kaya anong sinasabi mo dyan na hindi pa moved on? Huwag mo akong igaya sayong bakla ka " natatawang sabi ko
" Talaga ha? Oh sige nga, ano gagawin mo kapag nagkita uli kayo? pano kung sabihin niya na mahal ka pa niya ha? "
mahal? niya? sino? ako? HAHAHAHAH ulol.
" Hindi ako marupok! "
YOU ARE READING
Hindi lahat ng babae ay marupok
RomanceMapaninindigan ba niya ang katangang " Hindi ako marupok!" kahit pa sa harap ng lalaking minahal niya nang sobra?