I missed you

4 2 2
                                    


" Aba'y halos tatlong taon rin tayong hindi nag kita, anak. Saan ka ba galing at wala akong nababalitaan sayo?" tuloy na kausap ni tatay sa bwisita nami- niya. 

" pasensya na ho tay, nabusy rin kasi ako sa pag momodelo sa ibang bansa kaya matagal na rin nung huling kita ho natin " magalang na sabi niya, masama ko naman siyang tinignan na nahalata ata niya kaya nagkasalubong ang tingin namin

tay? ang kapal naman ng muka niya na tawagin tay ang tatay ko! 

" pagmomodelo ba kamo? Ede kung ganon ay natupad mo pala ang pangarap niyo ni Adel! " buong galak na sabi ng tatay ko na nakatutok lang sakanya ang tingin

Sandaliang dumapo sakin ang tingin niya bago lumipat uli sa tatay ko

" Oho, tay. Natupad ko po " mahinang sabi niya

" Mabuti kung ganoon, masaya ako para sayo anak " bakas na bakas ang tuwa sa boses ng tatay ko at kitang kita rin sa mga ngiti niya na totoo ang saya niya para sa binatang nasa harap namin. 

" Kayo tay, kumusta ho kayo sa loob ng tatlong taon? " tanong niya sabay ayos ng upo

" Okay naman kami, medyo hirap lang kami dahil sa lintik na sakit ko " napalitan ng lungkot ang boses ng tatay ko 

" tay.." mahinang usal ko

" Dalawang taon simula nung nalaman namin na may sakit ako sa puso. Simula nuon ay si Adel na ang kumayod para sa pamilya namin, siya rin ang nagpapaaral sa kapatid niyang si Axel. " madamdaming pahayag pa ni tatay sabay labas ng isang malungkot na ngiti

I can't say or do anything in that moment. Seeing my tatay like this is one of my weaknesses. I was just staring at him while he's busy telling my sacrifices and hard work like I'm not here. 

" Nagttrabaho siya sa isang kumpanya. Maaga siya laging gumigising para lang hindi malate at uuwi sa bahay na pagod na pagod. Malaki naman ang sweldo ng kumpanya sakanya pero dahil sa sakit ko ay kailangan lagi namin ng 6k kada buwan dahil dalawang beses sa isang buwan ang check up ko. Kulang ang sweldo niya para samin kaya madalas ay rumaraket siya kung saan para pang dagdag. " puno ng hinanakit ang boses niya habang halata na ngayon sa mga ngiti niya ang lungkot

napatingin ako kay Conrad nang maramdaman ko ang titig niya. Malamlam ang mga mata niya. Agad akong nag iwas ng tingin sakanya, mag sasalita na sana ako ng dumating si Axel

" B-bakit ngayon ka lang? akala ko ba kay aling nanet ka lang bibili?" tanong ko sakanya

" Eh ate, sarado si aling nanet eh, sabi ni mang tado umalis raw kaninang 5:30 kasama si Kuya joshua " paliwanag niya sabay lapag ng mamon at ensaymada with softdrinks pa 

" Ayan kuya, meryenda ka muna. Mamaya pa kasi magluluto si ate ng hapunan, kakauwi lang kasi niya " abot niya kay Conrad na tanging tipid na tango at ngiti lang ang sagot 

" Sige tay, sa kusina na po ako " Paalam ko sakanila at umalis na sa sala 

***

" Luto na ang ulam, dine ka na kumain " aya ni tatay sakanya 

" Ah, hindi na ho. May meeting pa po kasi ako ngayon kaya kailangan ko na ring umalis. Dadalaw na lang uli ako sa susunod tay " nakangiting sabi niya kay tatay saka tumgin sakin " kung pwede " 

" Ah ganon ba? osige anak, ingat ka sa daan ha? balik ka dine kapag may oras ka " galak na sagot ni tatay bago makipag kamay sakanya 

" Sige ho, una na ako. Salamat po " magalang na sabi niya at aalis na sana pero nag salita pa si tatay 

" Adel, hatid mo siya sa labas " 

" Osige p- ha??" gulat na tanong ko habang nanlalaki ang matang nakatitig kay tatay

" ihatid mo kako siya sa laba-" 

" b-baket??? eh kapag naman lumabas siya sa pinto andon na agad yun sa kotse niya, wala namang tayong bakuran tatay eh-" tinignan niya ako ng masama at inulit ang sinabi. Wala na akong nagawa at tinignan na lang ng masama si Conrad bago buksan ang pinto at lumabas 

Kasunod ko na siya agad at akmang papasok na uli ako sa bahay namin ay may sinabi siyang tila sumira ng utak ko 

" I missed you, leila " 



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi lahat ng babae ay marupokWhere stories live. Discover now