SHAWN AXCEL'S POV
"Hindi pa ba 'to tapos? Ilang oras na akong nakatayo rito at nagkakabit nang kung ano-ano."
Sa kanilang tatlo, si Miles ang pinaka-mareklamo sa lahat. I couldn't even count the times he asked me if we're done or when it'll be finish. Just like him, Miko's complaining for so many times. Pero tumitigil din naman kaagad kapag napapagod na kakatanong. Si Rynier lang ata ang matiyagang tumutulong sa'kin nang walang reklamo.
"Come on! Isang araw lang naman ang hinihingi kong pabor sa inyo eh. After all, this will be worth it. Sagot ko na rin ang pagkain niyo buong araw. What else do you complain?" Hindi ko mapigilang tanungin sila.
Kung tutuusin, sa akin nga lahat galing ang lahat ng efforts eh. The money I used, the place I rented, and the things I needed. Gusto kong maging maganda ang kalalabasan nito para naman maging worth it. Kahit naman alam kong magugustuhan niya 'to pagbalik niya.
Miko winced once again."Gusto mo ng maraming efforts 'di ba? Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa nito buong magdamag para talagang feel mo ang complement pagbalik niya?"
"Complement na may halong disappointment?" Miles teased.
"Sang-ayon naman ako dito sa plano mo. Though, why do you need to ignore her for three days? 'Di ba dapat maging sweet ka sa kanya kase malapit na ang birthday niya?" Rynier asked out of a sudden.
Tama naman siya. Hindi kaya madali para sa'king hindi siya pansinin ng ilang araw. I even remembered how I tried to stop myself for countless times not to message her and react to her posts. Palagi naman akong updated sa mga ginagawa niya kaso lang hindi ako nagpaparamdam talaga para hindi nila malamang online ako. I turned off all my active status and I was using another phone for that. Ang phone ko talagang may number niya ay naka-off na ng ilang araw. That's when I started making my plan.
I sighed heavily."Everyone knows how much I missed her. Pati nga ang mga fans naming dalawa nagtataka kung bakit wala na akong reacts at comment sa mga posts niya. Damn! This is a complete torture for me but I had to endure to make this work."
"Sana nga lang umayon talaga ang lahat sa plano mo. Paano pala kung galit na siya ngayon. Baka salubungin ka ng break-up."
What Miles said hit me that hard. Napaisip din ako habang nagpapahinga kase sa wakas, tapos na kaming mag-design. Just a little arrangements of things and we're done. Hindi naman talaga dito ang venue pero kase dito ko siya dadalhin pagdating na pagdating niya. Para lang naman akong nagse-set up ng date eh. Although, this will give a special meaning to me.
"Mahal ako no'n. Baka nga nagtatampo at naiinis siya pero hindi naman 'yon galit, sigurado ako," kampanteng sagot ko.
Pero nang tumalikod ako ay napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko. What if she is? She might think that I'm cheating on her right now that's why I ghosted her. Hindi naman siguro siya naniniwala na nambababae pa ako 'di ba? Takot ko na lang sa daddy niya.
Ay gago! Pa'no kung totohanin niya pala ang paghahanap ng ibang lalaki sa France? Subukan niya lang talaga at itatali ko siya.
The three if them went home right after we finished our goals for today. Hindi na sila babalik bukas dahil ako na lang ang gagawa kung may konting kulang. Besides, tomorrow's the day. Pupunta sila sa venue ng gabi kaya wala silang kaalam-alam sa mangyayari dito.
Pagkagising ko, nagmamadali pa akong nag-ayos at dumeretso sa ginawa kong surprise para kay Zeriel. Isa itong tago na lugar na malapit sa forest. The reason why I chose this place is because this was just like out first date in the amusement park. 'Yong nagsinungaling siyang hindi niya nagustuhan ang efforts ko pero kabaliktaran naman. That's why I'm a bit confident that she's not gonna get mad at me when I show up in the airport later to fetch her.
YOU ARE READING
Helveryst Series #2 : The Cassanova and The Hater
Teen FictionHelveryst Series #2 : Shawn Axcel Helveryst SHAWN AXCEL HELVERYST is my name, heartbreaking is my game. I don't believe in destiny and the word 'meant to be'. I swear to all gods and goddesses that I would remain heartless. I'm ZEKIAH XYRIEL KNOXVI...