LOVELY
I'VE BEEN happier since Brent and I got together. I learned everything from him. He is very mature in all aspects and, at the same time, very understanding. My sisters love him and even Mama and Papa. I never thought I would be this happy because of someone. Everything was perfectly fine, but my stable and happy life suddenly changed before I graduated from senior high. A big news surprised us all
"Ano bang pagkukulang ko ha ?! ikaw Jem ga-graduate kana, saka pa nangyari ito ! Ikaw Alexa kung kailan naman ang ganda ng career mo ! " nagpupuyos sa galit na ani mama habang hindi rin maawat ang mga luha sa kanyang mga mata
Ramdam ang mainit na tensyon sa aming tahanan ng umuwi ako ng hapong iyon. I was so shocked about this news. How? Naguguluhan agad ako sa mga nangyayari
"Ma S-sorry po talaga .. " lumuhod pa si ate Jem sa harap ni mama matapos sabihin iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata at mukhang kanina pa siyang umiiyak
Pero nagulat ako sa naging tugon ni mama sa paghingi nito ng paumanhin. Isang matunog na sampal sa kaliwang pisngi ni ate ang naging tugon ni mama na ikinagulat ko ng sobra. Walang ginawa si ate at tinanggap lang ito ngunit lalo lamang siyang umiyak
"I'm so disappointed, lalo na sayo !" sigaw pa ni mama kay ate jem bago na siya inawat ni papa sa kung ano pang biglaan niyang magawa
Habang si ate alexa naman ay wala pa ring kibo ngunit dinaluhan at tinulungan naman niyang makatayo si ate jem
Sandali silang natigil sila ng makita na ako ni mama na nakatunghay sa kanila. Ngunit imbis na bigyan pa ako ng atensyon ay agad na lamang niya akong pinaakyat sa aking kwarto. Nasa hagdan pa lang ako nang makita ko naman si ate jess malapit sa kwarto ko at mukhang nakikinig siya sa usapan nila. Siya'y umiiyak din kaya nang makita ako ay agad niya akong sinugod ng yakap
Ang mga kaganapang iyon ang gumulat at naabutan ko nang hapon umuwi ako ng bahay. Hindi ko maproseso sa utak ko ang mga nangyayari. Parehong buntis si ate alexa at ate jem at ni hindi ko nga alam na may boyfriend na pala sila
Pareho kami ni ate Jess na walang nagawa kundi umiyak na lang sa mga nangyayari at dahil na din sa nadarama naming awa para sa mga ate ko. Bukod kay Emily ay kay Brent lang ko lamang nagawang magsabi ng lahat ng kaguluhan at bigat ng aking kalooban ng araw na iyon. Pinakalma niya ako at sinabing pupuntahan niya ako agad kinabukasan at saktong natapos ang tawag niya ay kumatok bago pumasok sa kwarto ko si ate jem
Narito pa rin kasama ko si ate Jess at mukhang gaya ko ay kausap din niya ang boyfriend niya ng bigla nga na kumatok si Ate Jem. Mugto ang kanyang mga mata at namumula pa ang kaliwang pisngi. Kaya mas lalo tuloy kaming naawa sa kanya. Ngayon ko lang nakitang ganito si ate. Walang sigla at tila mabigat na mabigat ang dinadala
" Mga ading ko,pasensiya na talaga..wag niyo kaming gayahin ni ate alexa ha .." naluluhang agad na aniya sa amin ni Ate Jess
Alam kong ayaw niyang umiyak pero hindi niya talaga mapigilan. Marahil iniisip niyang nabigo din kami sa sinapit niya o nila ni Ate Alexa. But honestly wala akong ni katiting na nararamdaman ganoon para sa nangyari sa kanya. Gusto ko siyang pakinggan at intindihin ngayon gaya lagi niyang ginagawa para sa akin
Wala kaming naging tugon kay ate kundi isang mainit na yakap. Dinamayan namin siya sa pag iyak
" Pasensiya na kayo kay ate ha,? Tao lang eh..natatanga din .." pilit siyang tumawa sa sinabi niya upang tila pagaanin kunwari ang lahat. Kahit hindi pa rin naman maampat ang kanyang mga luha. Kaya mas lalo kaming nag sumiksik sa kanya ni ate Jess

YOU ARE READING
STEFFAN MBS #2[EDITING]
RomanceAnd in the middle of my chaos...there was YOU. Love just comes unexpectedly... But what if the love that suddenly comes to Lovely is full of pain and suffering before she achieves the love and happiness she hopes for.. Is she gonna risk it all for t...