Chapter 1

45 2 0
                                    

"Ate" Tawag sakin ng aking nakababatang kapatid, Tatlo kaming mag kakapatid at ako panganay, hindi na ako nakapag tapos ng pag-aaral pero nakapag graduate ako ng high school dahil narin sa kahirapan ay hindi kona pinagpatuloy ang aking pag aaral sa kolehiyo.

"Oh bakit Kate?" Siya si Katelyn Sandoval ang sumonod naman sakin 12 yrs old, grade 6 na sya nagayon at ang bunso naman na si Kio Sandoval ay  7 yrs old, grade 2  na. Ako na ang nag papaaral sa dalawa kong kapatid ako narin ang tumayong ina sa kanila simula nung namatay ang aming ina pagkatapos nyang manganak sa bunso naming kapatid.

"A-ah e-eh a-ate kaylangan ko po kasi ng pera pambili ng project ko sa School" kanda utal utal na sabi ni Kate saakin "pero o-okay lang po kung wala kayong mabibigay na pera po sakin naiintidihan ko naman po" Nakuyukong sabi ni Katelyn habang nilalaro nya ang kanyang mga daliri.

"Oh bakit parang natatakot ka ha? Ok lang naman na humingi kayo ng pera sakin kung para sa pag aaral nyo naman eh" ani ko sa aking kapatid ko at lumapit ako sa kanya "  Kate alam mo naman na kahit ganito tayo ay sisikapin ko makapag tapos kayo kung pwede lang ay mag abroad ako para sainyo eh" sabi ko sa kanya kaya agad sya tumingin na sakin na naululuha na "Ate namn eh wag naman ganon" tawa namn ako dahil umiiyak na sya namumula na ang kanyang ilong sa pag iyak " tahan na tahan na hindi naman aalis si ate eh di ko naman kayo matitiis pag umalis ako, kaya tahan na pumapangit ka pag umiiyak ka" Asar ko sa kanya kaya sumimangot ang kanyang mukha.

"Ate naman eh" Pikon na sabi nya

"Kate mag kano ba kaylangan mo para sa project mo?" Tanong ko sa kanya "Ah ate 100 pesos lang po para lang po sa project" aninya sabay kuha ko sa loob pitaka ko ng 100 pesos"Eto kate siguraduhin mo sa project yan ah" sabi ko sa kanya sabay abot ng pera.

Tinawagan ko ang kaibigan kong si Cialine upang mag tanong ng mga raket wala kasi akong perminenteng trabaho tsaka hindi rin ako nakapag tapos ng pag aaral kaya hirap akong maghanap ng peminenteng trabaho.

"Hello who is this" sagot ni rhian kaya natawa ako,napaka arte talaga ng kaibigan kong toh, kaibigan kona si rhian simula high school palang "Gaga ako toh si Valerie"sagot ko sa kabilang linya. Narinig kong tumatawa sya bago sya sumagot ulit " Ay besyyy ikaw pala, kamusta kana? At bat ka nga pala napatawag?" Tanong nya sa kabilang linya.

Si Cialine Fernandez ang Best friend ko simula nung high school nag aaral sya nagyon sa manila , 3rd year college na sya ngayon mabait si Cialine sya ang tumutulong sa akin sa pag hahanap ng trabaho minsan.

"Ayos lang naman ako, eh ikaw pala kamusta ka? Ngapala may alam ka bang raket jan sa manila?" Tanong ko sa kanya. Wala kasi akong mahanap na trabaho dito sa probinsya namin"Rie sorry wala kasi akong alam na mga raket ngayon eh, pero sige mag-tatanong ako minsan kay ate"Sagot nya, ang ate kasi ni Cialine ay nag tratrabaho sa isang sikat daw na kompanya sa manila.

Pagkatapos ng ilang oras ay nagpagdesisyunan namin patayin ang tawag dahil marami daw sya gagawin.

Pagsapit ng gabi ay nagluto na ako ng hapunan namin dahil parating narin si Papa, pagkatapos kong mag luto ay saktong parating na si papa. Nag tratrabaho kasi si papa sa isang kumpanya bilang gwardya madalang narin umuwi dito si papa dahil parati sya nag oovertime

"Oh pa andito na po pala kayo, kamusta po kayo, ang trabaho nyo?" Tanong ko sa kanya sabay mano" Mabuti naman ako anak at ang trabaho ayos lang din medyo nakakapagod lang talaga"Pagod na sagot na aming ama.

"Mabuti naman ho kung ganon pa,pero pa wag nyo pong kalimutang mag pahinga minsan ah baka kung mapano kayo" May halong pag aalalang sambit ko sa aking ama.

"Cge na pa kumain na po tayo tawagin ko lang po sina kio at kate para makain na po tayo"Sambit ko aking ama

"Kate,Kio tara na kakain na tayo" tawag ko aking mga kapatid.

"Opo ate sandali lang po" sabay na sambit nilang dalawa.

Pag kalabas nang dalawa ay kumain na kaming sabay sabay madalang lang toh mangyari dahil narin sa pag oovertime ni papa. Tahimik lang kaming kumakain nang biglang nagtanong si papa na nag pakunot ng aking noo "Anak ayaw moba talagang ipagpatuloy sa kolehiyo yang pag aaral mo?" Tanong sakin ng aking ama kaya sabay napatingin sakin sina kio tsaka Kate "Oo nga ate sayang nga kung hindi mo itutuloy" sambit sakin ni kate na patuloy paring kumakain.

Gustohin ko mang ituloy kaso hindi pasok sa budget namin tsaka mahal ang tuition fees di naman ako scholar "Pa, Kate kahit gustuhin kong mang ipagpatuloy sa kolehiyo kaso hindi talga pwede eh"Sagot ko sa kanilang dalawa at wala na ni isa saamin ang nag salita.

Pagkatapos naming kumain ay inayos at hinugasan kona ang aming pinagkainan, pagkatapos kng maghugas ng mga plato ay nagutungo na ako sa aming kwarto, bali ako at si kate ang magkatai tapos si papa at kio naman ang magkatabi.

Pagkapasok ko sa aming kwarto ay nahiga na ako at agad naman akong nakatulog, dahil maaga pa akong gigising upang mag hanap ng trabaho.







Enjoy reading my lovesss!!!

Phia🥀🥀__________________________________________________________________________________________________________________________________.

HTCS : HIDING THE CEO SONWhere stories live. Discover now