Nagising ako sa aking alarm inabot ko ang aking cellphone at pinatay ang alarm. Pgakapatay ko nito ay bumangon na ako sa aking hingaan at inayos na ito.Inihanda ko ang ibinigay na damit sakin ni Ate dahil formal attire daw ang susuotin kaya't binigyan ako nito ng skirt at long sleeve. Pumasok na ako sa banyo upang maligo na at makapag ayos.
Nang natapos ako mag ayos ay bumaba na ako at nadatnan si Ate Ley na naghahanda ng umagahan "oh anjan kana pala Rie, saktong sakto nakahanda na ang pagkain halika't mauupo kana" Pag aaya sakin ni Ate Ley.
Umupo na agad ako at sabay na kaming kumain ni Ate Ley "Rie mamaya wag kang kabahan ha, mabait yun si Sir Clark" linta na saakin ni Ate. So Clark pala ang pangalan nang magiging boss ko.
Sana ng mabait sya.
Natapos nang magligpit ng pinakainan namim si Ate at umalis narin kami sa apartment, naghihintay kami ngayon ng sasakyan namin ni Ate Ley para makapunya sa pag aaplyan ko, maaga kami umalis ni Ate dahil baka matraffic kami papunta dun.
Nang makasakay na kami ay agad na kaming nagbayad, "Manong dalawang Del Fuente Company po" pag abot ko sa bayad namin "Uy Rie ayos ka lang?" Tanong nya saakin dahil nakita nya akong tulala "Opo ate, medjo kabado lang hehe" sambit ko rito "Ano kaba wag kang kabahan, diba sabi ko naman sayo mabait yun si Sir."
Bumaba na kami sa tapag ng kumpanya at pumasok na, muntik na nga akong hindi papasukin dahil wala akong i.d buti nalang sinabi ni Ate mag aapply ako. Kinumpleto ko lahat ng papels ko dahil aka hanapan ako ng mga ito.
Sumakay kami ngelevator ni Ate Ley at pinindot nito ang pang huling floor, 10th floor, pang 10th floor pala ang opisina ng boss nila na magiging boss ko din kung makakapasa ako sa standard nya bilang secretary.
Pagbukas ng elevator ay namangha ako sa ganda hallway palang bongga na paano pa kaya ang loob ng office nya diba.
Nilakad namin ng daretso ni Ate ang hallway at dun ko nakita ang table malapit sa malaking pinto na feeling ko ay dun ang pwesto ng secretary, nilagpasan namin yun at dumaretso sa may pinto. Kumatok dun si Ate Ley at narinig ko may nagsalita ng "come in", binuksan ni Ate ang pinto at dun ko nakita ang lalaking napaka gwapo yung tipong luluhuran mo para lang tumingin sayo.
Nakasalamin ito at naka kunotnok habang naka tingin sa kanyang laptop, may hawak hawak rin itong mga papeles mukhang busying busying sya. Nag angat ito ng tingin at biglang dumako ang mga mata nito saakin.
Ang ganda ng mga mata nya kulay asul ang mga ito at parang mahyhypnotize ka sa mga ito.
Nawala lamang ang mga tingin nito saakin ng biglang magsalita si Ate sa tabi ko" Uhmm sir sya po yung mag aapply na bagong secretary nyo" sabi nito " eto po yung mga papeles nya" sabay abot nito sa lalaki. Iniabot ito ng lalaki at tinignan "So....you don't have any experience on being secretary?" Tanong nito at sabay tingin saakin "O-opo s-sir" utal utal ko bangit rito, hindi ko alam kung bakit ako nauutal.
"Ok... you're hired, you can start tomorrow and please wear clothes where you are comfortable. That's all, you two can leave now" Lantaya nito at sabay balik ng tingin sa kaniyang ginagawa.
Gaya ng sabi nya ay umalis na kami ni Ate, si Ate ay bumalik na sa kaniyang trabaho at ako naman ay umuwi na, bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa bilihan ng mga damit ng bumili ng 3 pares ng mga damit.
Hindi ko namalayan na alas-singko na pala ng hapon kaya't umuwi na ako sa apartment.
Kauwi ko saaking apartment agad ko ibinagsak ang aking sarili sa kama, dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone at pagtingin ko rito ay 7:30 Am na at ang daming missed calls at messages ni Ate Ley saakin.
Ate Ley:
Rie nasan kana kanina kapa hinahanap ni Sir Clark
Ate Ley:
RIE NASAN KANA LATE KANA!
Ate Ley:
Rie galit na galit na si Sir Clark dalian mo!!!
Hindi ko na binasa isa- isa dahil sa sobrang dami nito at baka lalo akong ma late sa aking trabaho. Dali dali akong bumangon sa aking higaan at nagtungo na sa banyo para maligo.
Pagkatapos ko maligo ay nag ayos at nagbihis na ako, hindi na ako nag almusal at baka ako ay lalong ma late, pumara na ako masasakyan ko papunta sa trabaho.
Nang nasa tapat na ako ng trabaho ko ay dara-daretso na ako sa elevator di ko na inabala ang mga taong nababanga ko dahil mapapagalitan na ako sa boss ko lalo na at first day ko pa naman ngayon.
Pagbukas ng elevator ay nagtungo na ako sa office ni Sir Clark at nakita ko itong nakaharap sa kaniyang laptop at nakasimangot.
"It's your first day and you are late Miss Sandoval" Sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang laptop "Sorry po Sir Clark" Sabi ko rito at napayuko nalang sa kahihiyan, tama nga naman siya unang araw ko pa naman at late na agad ako sa trabaho, nagangat ito ng tingin saakin kaya tinignan ko rin ito "The next time you will be late i will punish you Valerie" bigla akong kinalibutan ng sabihin niya iyon.
"You can start now, your table is there" sabay turo niyo malapit sa kaniyang table, napatingin ako doon nang may pagtataka sa mukha dahil ang alam ko ang mga secretary ay nasa labas ang kanila lamesa pero ang akin ay nasa loob la mismo ng kaniyang opisina "Anong pang tinatayo-tayo mo jan Miss Sandoval? Go to your table and start your work" nagulat ako ng bigla itong nagsalita kaya dali dali akong pumunta saaking lamesa at nag simula ng magtrabaho.
Nang matapos ko na ang trabaho ko ay nag unat ako ng aking balikat at tinignan ang oras, nabigla ako ng mapansing tapos na ang lunch break namin dahil 2:30 pm na ganon narin ang pagkabigla ko ng tinanong ako ni Sir kung ano ang gusto kong kainin "What do you want to eat hmm? I know that the lunch break was over but I'm hungry so what do you want, i can order for you too so you can eat" Tanong nito saakin, nahihiya akong sumagot dahil unang araw ko pa naman at ganito na agad si Sir saakin.
Pagkatapos ko- namin pala kumain ni Clark kumain ay nag simula na ulit akong magtrabaho, oo Clark ang tawag ko sa kaniya, eh paano ba naman kanina ay sabi niya kapag kaming dalawa lang daw ang magkasama ay Clark nalang ang itawag ko sakaniya.
Six ang oras ng uwian dito kaya nung makita ko ang oras ay nag ligpit na ako ng aking mga gamit at inayos narin ang nasa ibabaw ng table ko, si Clark ayun busy pa rin sa pagtipa sa kaniyang laptop, tumikhim ako para makuha ko ang kaniyang atensyon para mag paalam na uuwi na ako "Ah eh Sir este Clark mauna na ako umuwi 6 narin naman eh" Nag angat ito ng tingin saakin pero agad din naman nitong ibinalik sa kaniyang laptop "Ok you can go, close the door before you leave" Sambit nito saakin kaya umalis na ako tulad ng sabi niya ay isinara ko ang pinto.
Wala akong kasabay ngayon dahil si Ate Ley ay maylakad kaya agad itong umalis, dahil wala naman akong kasabay ngayon ay naisipan ko pumunta sa grocery dahil konti nalang ang stock ko sa apartment. Pagkarating ko sa grocery ay binili ko na ang mga kailangan bilhin.
Natapos na akong bilhin lahat ng kailangan ko sa apartment kaya nag bayad na ako, tinignan ko ang aking cellphone at napansin alas-otso na pala ng gabi kaya nagbayad na agad ako sa cashier at kinuha ang aking pinamili.
Pagkalabas ko sa grocery ay sakto naman bumuhos ang malakas na ulan kaya tumakbo ako agad sa may waiting shed para magsilong "Ano ba yan kung kailan wala akong dalang payong dun pa umulan, ang malas naman" Saad ko umupo muna ako para hintayin tumila ang ulan, lumipas ang ilang minuto ay kotseng pumara saaking harapan.
Enjoy reading my lovesss!!!
Phia🥀🥀__________________________________________________________________________________________________________________________________.
YOU ARE READING
HTCS : HIDING THE CEO SON
RomancePaano kung ang isang lalaki ay kayang gawin ang lahat? Paano kung kaya nyang bilhin ang lahat ng gusto mo? Paano kung kaya ka nyang protektahan kahit sa ano mang bagay? Pero paano kung kaya mo naman gawin ang lahat pero nakuha ka parin taguan ng isa...