Chapter 3

20 1 0
                                    

Dumating ang araw na pinakahihintay namin ang araw nang aking pag-alis, hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko pag dating ko sa manila, malayo ako sa aking pamilya aaminin kong ayaw ko mang umalis pero kailangan eh kailangan ako ng mga kapatid ko, si papa kailangan niya din ako para sa pagtaguyod ko sa mga kapatid ko. Ako nalang ang inaasahan nila lalo't na ay umaalis na si papa sa trabaho nya para sya nalang daw ang mag aalaga sa dalawa.

Tapos na akong ma impake ng gamit ko tinulungan pa nga ako nila papa at umiiyak pa nga sila habang tinutulngan ako sa pag iimapake. "Ate...k-kailangan mo ba talagang umalis?" Maiiyak ngiyak na tanong ni Kio habang si Kate naman ay pinipigilan ang luha"Kio, kailangan talagang umalis ni ate, para naman toh sa pag-aaral nyo eh kaya wag kanang malungkot tsaka bibisita naman ako dito lalo na pag may okasyon." Pag tahan ko dito.

Pagkababa ko ay may kausap na ni Papa si Mang Kanor isa syang tricycle driver dito saamin sya ang mag hahatid sa akin sa terminal ng bus, narinig ko pang sabi ni Papa na ingatan at wag daw masyadong bilisan ang pag mamabeho at baka maasikdente daw kami. Nang mapansin ni Papa na nasa baba na ako ay lumapit sya sa saakin at niyakap"Anak, Mag iingat ka doon ha, tumawag ka saamin pag may kailangan ka malayo ang probinsya natin dun sa Manila wala ako doon para bantayan ka kaya ingatan mo ang sarili mo wag na wag mong hahayaan na may manakit sayo ha tsaka tumawag ka saakin pag nandun kana para alam ko, maliwanag ba?" Habilin sa akin ni Papa kaya tanging tango nalang naisagot ko.  

Pagkatapos ng mahabang dramahan namin ni Papa ay sumakay na ako ng tricycle dahil kung lalo pa namin itong pahahabain ay baka maiwan na ako ng bus kong sasakyan papuntang Manila. Sumilip akong kaunti sa tricycle at nakita kong kumakaway sila Papa kaya kumaway ako g pabalik sa kanila.

Nang makarating kami sa terminal ng bus ay bumaba na ako tinulungan pa ako ni Mang Kanor "Oh pano ba yan ija iiwan na kita dito ha? Mag iingat ka dun lalona't maraming masamang tao sa Manila, kaya ingtan mo ang iyong sarili" bilin sakin ni Mang Kanor " Opo Mang Kanor, salamat po sa paghatid dito sakin at sainyong bilin" tugon ko rito at magbibigay sana ng bayaf ngunit tinanggihan lamang nito. " Naku ija, wag itabi mo nalang yan para saiyong pagpunta sa Manila" napangiti naman ako sa sinabi ni Mang Kanor.

"Naku maraming salamat po talaga Mang Kanor, utang na loob ko iyon sainyo" sabi ko rito at nginitian naman ako nito. Nakita kong malapit ng umalis ang sasakyan kong bus kaya nagpaalam na ako kay Mang Kanor at baka maiwan pa ako ng aking sasakyan.

Nang nakapag paalam na ako ay sumakay na ako sa bus at umupo sa may tabi ng bintana. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, pagkamulat ko sa aking mata ay nakita kong nakahinto na ang bus, sa tingin ko ay nag stop over ito kaya nagpag pasyahan kong bumaba nalamang.

Pagkababa ko ay nilibot ko ang paningin sa paligid, masasabi kong sadyang napakadaming tao rito sa Manila. Napalingon ako sa taong tumawag sa aking pangalan, sa aking paglingon ay nakita ko ang ate ni Cialine "Oh Valerie ikaw na pala yan, buti at nakarating ka ngayon at buti ay nakita kita" sabi sakin ng ate ni Cia " Oo nga ate eh buti nakita mo ako, kung hindi at baka naligaw na ako dito Manila"sagot ko rito na medjo natatawa "Ikaw talaga, amina yang iba mong dala para hindi ka nabibigatan masyado, pupunta muna tayo dun sa tutuluyan mo para makapag pahinga ka at bukas ay dadalhin kita sa aking trabaho para makapag apply ka" mahabang sabi nito sa akin " Sige ate, salamat talaga ha, malaking tulong toh samin at para narin sa pagaaral ng aking mga kapatid" paghingi ko ng pasasalamat dito.

"Walang anuman Rie, ikaw pa ang lakas mo sakin eh HAHAHA, syanga pala dala mo ba ang resume mo? Tanong nito sa akin. "Oo ate dala ko kumpleto lahat ng gamit ko pang apply ng trabaho" sabi ko rito, habang naglalakad kami ay pumara na ng taxi si ate.

Bumaba kami ni ate sa tapat ng apartment kung saan ako tutuloy " Eto nga pala yung apartment na tutuluyan mo, malapit lang din ito sa pagtratrabahuhan mo tsaka malapit din ito sa akin" lintana sakin ni ate "Mura lang din upa dito tsaka bayad na yung babayaran mo sa buwan na toh libre ko na sayo yun" dagdag pa ni ate "Hala ate nag abala kapa, maraming salamat talaga ang dami mo ng naitulong sa akin" sagot ko rito habang nakangiti.

Pumasok kami sa apartment, nilibot ko ang aking paningin at masasabi maayos naman at pwede na ang dalawa o tatlong tao ang pwedeng tumira rito, kumpleto din ito sa gamit, may tv, may ref, may mga kabinet din at marami pang iba, namangha ako sa aking mga nakita. Nagpasalamat ulit ako kay ate bago ito umalis, binigay pa nito ang kanyang number in case daw na may kailangan ako ay matatawagan ko sya.

Nang makaalis na si ate ay nag ayos na ako ng aking gamit, pagkatapos ay naghilamos na ako para makapag pahinga, nang natapos na ako maghilamos ay humiga na ako at unti unti na nilamon ng antok.

Pagkagising ko ay alasais na ng gabi, kaya bumangon ako at lumabas upang bumili ng pagkain, ng may nakita ako malapit na kalendirya ay bumili na agad ako, pagkatapos kong bumili ay bumalik na akong muli sa apartment. Inihanda ko lamang ang akin pagkain at nagsimula ng kumain.

Habang kumakain ako ay biglang tumunog ang aking cellphone at nakitang tumatawag pala si ate kaya agad ko itong sinagot"Hello ate, Bakit po kayo napatawag?" Tanong ko rito " Sasabihin ko lang na bukas ay dapat 7 bukas ng umaga ay nakayos kana dahil pupunta tayo sa pinagtratrabhuhan ko maliwag ba?" Sabi nito sa akin.

"Oo ate,naiitidihan ko" sagot ko rito " Syanga pala ang susuotin mo bukas ay formal attire lang ha" dagdagpa nito, pagkatapos ng aming usapan ay binaba ko na ang tawag at tinapos na ang aking pagkain.

Pagkatapos ko ligpitin ang aking pinagkainan ay kinuha ang aking cellphone at tinawagan sina Papa "Hello pa, kamusta kayo jan?" Tanong ko kay Papa "Ok lang kami rito anak, ikaw kamusta byahe mo papunta jan? Wala namang masamang nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Papa "Ayos lang po ang byahe ko kanina, wag po kayong mag alala sakin ayos lang po ako dito" sabi ko kay Papa, nagkamustahan pa kami ni Papa at hinabilinan ako ni na lagi akong magiingat wag siyang kakalimutang tawagan palagi.

Pagkatapos naming magusap ni Papa ay natulog na ako dahil maaga pa ako bukas, nag set ako ng aking alarm at pinatay ang ilaw at nahiga na upang matulog.











Enjoy reading my lovesss!!!

Phia🥀🥀_________________________________________________________________________________________________________________________.

HTCS : HIDING THE CEO SONWhere stories live. Discover now