I ran as fast as I can. Takbo lang ako ng takbo sa gitna ng malakas na ulan. Here I am again. Being chased by my enemies. I am not in a mission thou. Napagtripan lang ako ng mga gangsters. I was just passing by when one of them blocked my way and tried to harass me. And as a defense, sinapak ko ito at tumakbo kaya heto ako ngayon at hinahabol nila. Poor them. I know how to fight, but not in a place where people can see me. I don't want to abide our rules. Isa sa batas ng ahensiya na bawal ipakita ang aming kakayahan sa mga sibilyan. Bawal kaming makilala.
Dinala ko ang mga shokoy sa madilim na lugar kung saan walang makakakita sa amin. Basang basa na ako at hinihingal dahil sa aking pagtakbo at dahil sa ulan. Naramdaman kong may papasugod sa likod ko kaya yumuko ako at lumuhod saka sinipa ito paikot.
One down!
Sasapakin sana ako ng lalakeng may earings sa labi ng maiiwas ko ang mukha ko. Hinila ko ang kamay niya at pininilipit ito ng patalikod. Napasigaw siya sa sakit dahil sa ginawa ko. Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko ang mukha niya.
Dalawa!
Sabay na sumugod ang dalawa pero agad ko din silang napatumba.
Last two.
Hindi na ako nagulat nang maglabas ng patalim ang dalawa pang natira. Ramdam ko ang kaba nila lalo pa't kita ko ang panginginig ng mga kamay nilang may hawak na patalim.
"Kung napatumba mo sila, kami hindi! Sisiguraduhin kong luluhod ka sa harap ko" bulalas ng lalakeng may hati sa kilay.
"Panis na ang linyang yan brad" pang-aasar ko sa kanila at kita kong nanlisik ang mata niya. Nangunot ang noo ko nang makaramdam nang presensiya sa likod ko kaya tumalikod ako at sinalubong ito ng suntok.
"Awh! Damn! Hindi ako ka-away" angal ng lalakeng nasapak ko. Nang mapagtanto kong hindi siya isa sa mga gangsters ay nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig.
"Pasensiya na!" paumanhin ko rito. Akala ko gagantihan niya ako nang sapak kaya yumuko agad ako. Nang mag-angat ako ng tingin ay namimilipit na sa sahig ang lalaking may hati sa kilay
Tinulungan ako nang lalaking nasapak ko , kaya napabilis ang labanan.
Habol namin ang aming mga hininga pagkatapos. Pareho na rin kaming basa sa ulan. Nang mapansin kong gumalaw ang isa sa mga napatumba namin ay hinila ko ang kamay ng lalake at dinala sa madilim na lugar.
Nang magkaharap na kaming dalawa ay hindi ako nagdalawang isip na hugutin ang baril na nasa likod nang suot kong jacket at itutok sa kanya.
"Sino ka? Bakit mo ako sinundan at tinulungan?" I threatened him. Pero hindi siya natinag sa pananakot ko sa kaniya, nagulat lang siya ng kaunti pero hindi mababakas ang takot sa mukha niya. He looks like he is used of seeing guns.
"I told you. I am not your enemy here. Nakarinig lang ako nang sigaw kaya sinundan ko and then I saw you fighting with those gangsters." kalmado paring sabi niya.
Tinaliman ko siya ng tingin. "Put your hands on your head" utos ko na agad naman niyang sinunod. Lumapit ako sa kaniya at mas diniinan ang baril sa ulo niya. "Tumalikod ka" sumunod din agad siya. "I know you're not an enemy. Sorry sa gagawin ko" bago pa siya makapag salita ay pinukpok ko na sa kanya ang baril na dala ko kaya nawalan siya ng malay.
Bumalik na kaagad ako sa hotel na tinutuluyan ko. People were looking at me because I am so wet, but I didn't mind them. Dito ako nanuluyan mula nang dumating ako dito sa Pilipinas. Isang buwan narin mula nang ma-transffer ako rito. Ilan lang ang nakakaalam na nakabalik na ako, at yun ay ang pamilya ko lang.
Allison, my best friend was so sad about it. Hinatid pa nga niya ako mismo sa airport at habang nasa airport ay iyak siya ng iyak. Kahit ako ay napaluha rin. Pero hindi naman siguro ako magtatagal dito.We have a private jet but I prefer the public transportation. Mas gusto kong mag jet kung nasa misyon kami.
Nag shower na ako saka ako humiga sa kama. Dahil sa katahimikan ng paligid ay tumatakbo ang isipan ko kahit saan. Bigla kong naalala ang lalakeng nasapak ko kanina. I left him there knowing that it's raining. Bigla tuloy akong nakonsensya.
Pinikit ko nalang ang mata ko at pinilit ang sariling makatulog. Baka kung saan pa umabot ang pag-iisip-isip ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naisip ko na mag- jogging muna. Sinuot ko lang ang black tank top ko at black shorts. Pumunta ako sa salamin para silipin ang sarili ko. I hava slim body and a small face. May kanipisan ang labi ko at ang mga mata ko naman ay medyo singkit. In short, Maganda ako.
I wink at my self in the mirror and went out to my hotel room. Saktong paglabas ko ay ang pagbukas ng pinto sa katapat kong kwarto at lumabas ang kahuli-huling taong gusto kong makita.
"Kuya" nagugulat na sambit ko.
Damn this! Hindi pa ako handang makita siya. Bakit ba kasi dito pa siya nag stay?Alanganin akong ngumiti sa kanya. Kinakabahan ako dahil may kasalanan ako sa kanya at hindi pa ako handang pagbayaran 'yon.
"Kailan ka pa naka-uwi?" kinakabahan ang boses na usal ko. He glared at me.
"'Wag mo 'kong ma kuya- kuya, Elyse! May kasalanan ka sakin." saka siya tumalikod at nagtungo sa elevator.Humabol agad ako sa kaniya at nang nasa likod na niya ako ay hindi ako nakapalag nang humarap siya at pinitik nang napakalakas ang noo ko.
"Arayyy!!" malakas na daing ko.
"O. A mo! Pasalamat ka 'yan lang ginawa ko sayo. Humanda ka talaga sakin mamaya" singhal niya saka nagpatuloy.
Hindi parin talaga nagbabago yung isang 'yon. Isip bata parin.
"Sabay ako sayo!" paahabol na sigaw ko.
"Whatever!"Ngumisi ako saka pumasok ulet sa kwarto at mabilisang nag bihis ng damit. Pinalitan ko nalang ang shorts ko nang isang itim na jeans. Pinalitan ko rin yung sapatos ko nang boots.
Nagmadali na akong pumunta sa parking lot pagkatapos mag- ayos.Mainipin pa naman ang kuya kong 'yon.
Hindi na ako nahirapan hanapin ang kotse ni kuya dahil alam na alam ko na kung ano ang kotse niya. Sumakay kaagad ako pagka- kita ko nito. Pinaandar naman kaagadd ni kuya ang sasakyan pagkasuot ko nang seat belt.
Habang umaandar ang sasakyan ay nanatili lang akong nakapikit at nagkunwaring tulog. Iniiwasan ko kaseng mag tanong siya sa akin. Pero sa totoo lang gusto ko nang malaman kung kumusta na siya.
"Ano na namang kayang ginawa ng isang 'to at tulog kahit umaga?" I heard him whispered. My heart felt fluttered because he cares for me so much.
Bigla ko tuloy naalala yung lalaking tumulong sa akin kagabi. Ano na kaya nangyari don?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe. Nagising nalang ako nang may pumitik sa noo ko.
"ARAY!" singhal ko habang nakahawak sa noo kong pinitik niya.
"Andito na tayo...Tss... May laway ka pa oh" pang-aasar niya pa. Inirapan ko nalang siya saka lumabas na. Tinawag niya ang pangalan ko kaya't kunot- noo akong tumingin sa kaniya.
"Yuan is still there"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kay dali dali akong tumakbo.
OH! How I miss Yuan!***
Hi there! Thank you so much for reading my story. This is my first story here in Wattpad so I hope you enjoy reading this. I would appreciate it if you'll leave a comment, I would love to know your thoughts about this.
Love Azilvienn,

YOU ARE READING
Closer to the Fire
Fiksi RemajaWhere did it all began? When did I became the happiest? Well, I became the happiest the moment I got Closer to the Fire. My fire. Photo not mine Credits to the real owner