Chapter 19: Late Realizations

49 13 0
                                        


James’ Point of View

AFTER SHE saw that, she ran away and disappeared.

In that moment, I really wanted to push Trixie and chase her. I wanted to explain, to make it up to her. But I didn’t –I had no enough courage to do that.

When she was gone, Trixie stopped kissing me and smirked. “Let’s go, babe.”

Tiningnan ko ang bahay nina Stephanie, kung saan siya pumasok bago tumango sa girlfriend ko. Bukod kasi sa wala akong lakas ng loob na harapin ang best friend ko, naging blangko na naman ang utak ko. I didn’t know what to do and say to her, kaya pinili kong umalis muna at hayaang matapos ang gabing ‘yon.

Wala akong kaalam-alam na pagkatapos ng araw na ‘yon, wala na akong pagkakataon para ayusin ang lahat. Ang ginawa ko’y isa sa mga pinagsisihan ko sa huli.

“James, we’re here para magpakasaya. Bakit ba ganyan ka mula pa kanina?” tanong ni Trixie.

We were at Liam’s house. Siya ‘yong lalaki, na kaibigan ni Trixie, na nagpa-birthday party sa bahay niya kung saan ako dumalo. Ngayo’y nagpa-party na naman siya at hindi ko alam kung bakit. Tingin ko, ganito ang ginagawa niya sa tuwing gusto niyang magsaya. Trixie invited me to go here with her. Dahil gusto kong makalimot muna kahit sandali lang, pumayag ako.

Ngunit sa halip na mangyari ang nais kong mangyari, mas naalala ko lang ang mga bagay na nais ko munang alisin sa isipan ko. Magmula nang dumating kami rito, nakaupo lang ako at nakatitig sa kawalan. I was thinking about everything that happened that day. Iniisip ko isa-isa ang pagkakamaling ginawa ko.

Pagkauwi ko sa bahay noong gabing ‘yon, sinubukan akong kausapin nina mom at dad. They wanted to know what happened and why I didn’t show up. But I was too lost to answer any of their questons. Ang sabi ko sa kanila, pabayaan muna nila ako dahil gusto kong mapag-isa.

Ginawa naman nila ‘yon. Kahit ramdam kong gustong-gusto na nilang marinig ang paliwanag ko, hindi na sila nagtanong pa ulit. It helped a lot, because the truth was, even I didn’t have the answers.

Tama bang pinaniwalaan ko si Trixie at mas pinili ko siyang puntahan kaysa si Stephanie? Tama bang hindi ako gumawa ng paraan upang makahabol dahil kailangan ako ng girlfriend ko? Tama bang hinayaan kong halikan ako ni Trixie sa harapan ng best friend ko? Tama ba ang ginawa kong hindi paghabol at pagpapaliwanag sa kanya? Bakit ko siya sinaktan, bakit?

Gusto kong sisihin ang girlfriend ko. Honestly, galit ako sa kanya. Gustong-gusto ko talaga siyang sigawan matapos kong mapagtanto na siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ‘yon. But I couldn’t do that. Ayoko nang makapanakit pa ulit. At saka kung iisipinng mabuti, ako lang naman talaga ang dapat sisihin dahil ako ang nagdesisyon.

Ako ang pumili ng ginawa ko.

“James, ang lalim ng iniisip mo, mas malalim pa yata sa pagmamahal mo para sa akin. Anuman ‘yan, just forget it. Ngayon, magpakasaya ka muna. Marami ka pa namang time para—”

“Trixie, bumalik ka na lang sa pagsasayaw. Right now, all I want is to be alone. Please huwag mo muna akong kausapin o guluhin,” tugon ko na naging dahilan upang halos mapanganga siya.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “What?! So panggugulo ang tawag mo sa ginagawa ko? Gusto lang naman kitang maging masaya, ha. Pero sa halip na ma-appreciate mo ito, ‘yan pa ang sasabihin mo sa akin? Ano ba ang problema mo, James? Ha?! Mula noong magtampo ang ma-drama mong kaibigan sa gabi ng birthday niya, palagi ka nang wala sa sarili. Palaging malalim ang iniisip mo, mukha kang malungkot at matamlay. ‘Tapos wala ka nang energy sa tuwing kasama mo ako. Ano ba, James?! Sabihin mo nga sa akin, who do you really love: ako or ‘yong best friend mo?”

Forever with You (Under Editing And Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon