Nasan nanaman un? Nak ng tokwa naman oh. Haysss, anu pa ba ang dapat kong gawin para mapansin nya. Lahat na lang ata ginawa ko.
Gaya nung...
Fİrst attempt
Kumakain ako ng malaki, mahaba at matamis na saging (lol XD) nakita ko sya na paparating, pasimple kong hinulog ung balat, at tinapakan ko, para pag mahulog ako, sasaluhin nya ko. Kinilig naman ako. Pero napaka EPİC FAİL. Nadulas nga ako, iba naman ung sumalo sakin. At sya dirediretso lang, nilagpasan pa ko.
Second attempt
Naghuhugas ako ng kamay, napansin ko syang parating, gumawa ako ng paraan para lang masira ung gripo, nung malapit na sya pinukpok ko ng pinukpok ung gripo, hanggang sa nasira nga, at poooof, nalunod na ko at lahat sa tumatalsik na tubig, nagmukha na kong basang sisiw, wala pa din. Hindi sya sumaklolo.
Third attempt
Nasa may canteen ako, bumili ako ng carbonara, clubhouse sand., and iced tea. Nung nakita ko na papasok sya sa loob, at nakikita ko na papunta din sya sa binilan ko, talagang inabangan ko sya sa peripheral vision ko, at nung nakita ko na malapit na talaga sya, bigla akong humarap, para kunwari diba magkaka bangga kami, sakin tatapon ung foods ko, at tutulungan nya ko. At dahil nga pag harap ko, naharang na pala sya nung isang babae na epal sa lovelife ko. Shet.
Fourth attempt
May dala kong mga books, tapus nakita ko ung babaeng epal, kumakaway sya sa bandang likuran ko. Tumingin naman ako dun, at nakita ko sya, nakangiti. Shet, makalaglag... books. Nahulog na nga ung libro ko, akala ko naman tutulungan nya ko. Pero iba ung tumulong sakin... ung lalaking sumalo sakin nung first attempt. Sya rin ung tumulong sakin. At eto pa...
"Alam mo Miss, ang malas mo naman. Lahat ata ng 'kamalasan skills' na acquire mo. Mag tira ka naman sa iba."
Oh diba. Sya na talaga ang panira.
Kaya naman eto ako ngaun, hinahanap ung lalaking mahal ko. Last na talaga to, minsan kasi nakita ko sya sa may gilig ng library. Dun sya tumatambay. Kaya pupunta ko dun. At kung wala sya, siguro tama na ung kahibangan ko.
Medyo kinakabahan pa nga ako eh. Gusto kong umatras, pero eto na. Malapit na ko du--
"--pwede ba kitang mai-date sa Valentines day? Anu, ok na ba un?"
Araaay! ang sakit. Taenamers. Kilalang kilala ko ang boses na un. Hindi ako maaaring mag kamali.
Sana di ko na sya hinanap.
Sana hindi na lang ako nagbabalak ng fifth attempt ko.
Tumakbo ako papalayo, hawak hawak ang pisngi ko na inaagusan ng luha.
Ang tanga ko lang talaga.
Ang tanga tanga mo Andy.
Eto na ang FİRST SİGN ko na tumigil sa kagagahan ko kay Louie.
(c) Eilramisu
BINABASA MO ANG
Valentine's Story (Complete Series)
Teen FictionApat na magkakaibigan. Magkaka-iba ng personality. Pero iisa ng problema. Love. Magkaroon kaya sila ng unforgettable Valentine's story? Or di kaya, umuwi ng busog sa mga nasaksihan at gutom sa karanasan? ♥♥♥