"Anu ba Drei, ang kulit kulit mo naman."
Time first. Kinikilig talaga ko. Pero syempre, bilang dalagang pilipina.
Kailangan ko mag pakipot.
İkaw ba naman ang araw araw kantahan ng isang ANDREI CHOLO JIMENEZ. Panu ba naman kasi kada magkikita kami, sasabay sya sakin sa paglalakad, tapus kakantahan nya ko. At sasabihan ng..
"Ang ganda mo talaga, lalo na pag nagagalit ka. Hindi ako mag sasawang kantahan ka araw araw."
Sige na, ikaw na maganda ang boses.
"Alam mo Drei, tigilan mo na ko. Ok?"
"Bakit ba ang sungit mo sakin Lorae? may nagawa ba kong masama sayo? hindi mo ba nagugustuhan ung mga kanta ko, o ung boses ko?"
"Hindi. Wala dun. Wala lang talaga kong panahon sa mga lalaki."
Pero deep in side, mamamatay na ko sa kilig.
İ-Dawn Zulueta mo ko, Cholo.
Lol, hahaha.
Pero secret lang un. Aba, baka mag take advantage tong lalaki na to. Lugi ako.
"Ah, basta, kahit anong sabihin mo, hindi ako mag sasawa na kantahan ka. Di kita titigilan. Kaya please, wag mo naman akong patigilin."
Naku, eh panu kung malaman nito na hindi gusto ko sya, worst, mahal ko na sya, at bigla akong lokohin. Aba, mata lang ang walang latay.
"Mahal na mahal kita Lorae. Bigyan mo naman ako ng chance. Hindi naman kita lolokohin. Di ko ata magagawa sayo un. Aminin mo. Gusto mo din ako no? nag papakipot ka lang. Uuuy. Aaminin na yan."
Shet, oh no.
This can't be.
"Alam mo Cholo, wag kang feelingero. Dahil hindi ako kailanman mag kakagusto sa gaya mo. Ayoko sayo. Hindi kita gusto. Sawang sawa na ko sa boses mo, naririndi na nga ako eh. Nakaka irita ung presence mo. Kaya wag kang--"
Oh no! HALA, SORRY CHOLO.
İ didn't mean it. Nag papakipot lang ako.
Hindi ka naman siguro lalayo at titigil gaya ng sabi mo diba?
Nakatitig lang sya sakin. Ung hurt na nakikita ko sa mga mata nya, gusto kong pawiin. Shet, anu ba ung nasabi ko.
Promise, nadala lang ako sa pakipot moment ko.
İnabutan nya ko ng papel. Tapus biglang tumalikod. At naglakad palayo.
Tignan mo ung ginawa mo Lorae. Pakatanga mo bruha.
Tinignan ko ung papel.
Naluha ako sa nakasulat.
'Huwag kang mag alala, hindi ka na ulit maririndi sa boses ko at maiirita sa presence ko. Hindi na kita kakausapin. Hindi na kita kakantahan. Hindi na kita lalapitan. Promise. Last na to. Mahal kita, at ayoko naman na baka kamuhian mo na ko sa susunod pag linapitan pa kita. Take care, my love.'
Tumakbo ako palayo.
Palapit sa kanya.
Pero nasan sya??
(c) Eilramisu
BINABASA MO ANG
Valentine's Story (Complete Series)
Teen FictionApat na magkakaibigan. Magkaka-iba ng personality. Pero iisa ng problema. Love. Magkaroon kaya sila ng unforgettable Valentine's story? Or di kaya, umuwi ng busog sa mga nasaksihan at gutom sa karanasan? ♥♥♥