CHAPTER 18

1K 20 0
                                    


Nandito ako ngayon sa labas ng opisina ko uuwi nako sa bahay gusto ko na ulit makita si Allesa,

D*mn! I miss that girl I miss her presence her smell and her cuteness...

"For the first time in my life I have miss a woman." napangiti nalang si Yuno sa kanyang isipan.

Habang nag lalakad ang binata palabas ng building may nakikita syang mga empleyado na nag co-concentrate sa kani kanilang trabaho.

May mga bumabati sa kanyang mga kleyente nag bibigay galang kay Yuno, tanging tango lang ang isinukli ng binata.

Nasa kalagitnaan ng pag lalakad si Yuno ng nakita niyang papalapit sa kinaruruonan nya ang kanyang apat na kaibigan at ang kakambal nyang si Yuhan.

"Zupp bud," bati ni Clint ng maka lapit na ito sakin.

"Why are the five of you are here?" malamig kong tanong sa kanilang lima.

"Arayy Yuno nakakasakit ka sa atay dimo ba kami na miss?" parang batang tanong naman ni Harvey.

"At sa tingin mo ba Harvey ma mimiss ka ni Yuno? Yang mukha mong mukhang unggoy?" nang-aasar na tanong ni Izaak.

"Nang aasar kaba Izaak?" na iinis na tanong ni Harvey.

"Bakit na aasar kaba Harvey?" nakangising paanas ni Izaak.

"Hoy kayong dalawa tumigil na nga kayo hindi na kayo na hiya sa mga empleyado ni Yuno," biglang pag sabat ni Kenzo sa usapan.

"Oy kenzo nahihiya kana pala ngayon?" tanong naman ng kakambal kong si Yuhan.

Ito na naman sila mga walang hiya, mag tatalo na naman pano koba naging kaibigan ang apat nato? Maliban sa kapatid ko.

"Yuhan alam mo gaganda iyang buhay mo kapag hindi ka sasabat sa usapan," nakangising ani ni Kenzo.

"Gusto mo bang ilibing kita ng buhay Kenzo?" nag babantang ani ng kakambal ko.

"Ako ng bahala sa kape," pag prisenta kaagad ni Clint.

"Ako ng bahala sa kabaong pero sa lupa nalang pala natin ilibing kung si Kenzo man ang ilalagay sa kabaong walang silbi yan sa lipunan walang naiambag sa mundo kaya sa lupa nalang remember ang mahal na kaya ng kabaong ngayon," pag prisenta naman ni Harvey.

"Makikikain lang ako para walang gastos," pag sabat naman ni Izaak.

Ang sakit sa tenga! Ang dadaldal ng mga kaibigan ko!!

"Mga walang hiya kayo di na kayo naawa sakin! Ikaw naman Yuhan kung papatayin moko sisiguraduhin kong mas mauuna kapang mamamatay sakin! Pero okay lang kahit mamatay ako pero dapat kasama ko kayong lahat lalong lalo kana Yuno," nakangiting sabi ni Kenzo.

Nang dadamay pa talaga itong si Kenzo maunan kanang mamatay gusto ko pang mabuhay ng matagal..

"Kayong lima titigil kayo oh titigil kayo?" nag babantang ani ko.

"Parihas lang ang sinabi ko Yuno/Kambal walang pinag kaiba," nakangising parang aso na sambit nilang lima.

Aba nag practice ba sila? At kaylangang sabay-sabay pa???

Mga hay*p!! Nandito lang mga ang mga ug*k nato para inisin ako!! Ang sarap nilang ilibing ng sabay-sabay.

"NAGPATANAN AKO SA ISANG MAFIA LORD? (MAFIA SERIES #1)  Where stories live. Discover now