CHAPTER 43

820 19 0
                                    


"Ano? Pumapayag kang patayin ka nya? Sira kana ba? Nang g*g*g* kaba?" Hindi ko na napigilan ang luhang gustong lumabas at bumuhos na ito humagulgul kong aniya sa kanya habang nag pupumiglas sa may hawak sakin.

Kaya naman napatingin ito sakin at may lungkot ang kanyang mga mata.

"I'm so sorry wifey." bigkas lang nito na ikina-iyak ko pa lalo.

Bakit ba napakadali lang sa kanya na saktan ang damdamin ko? Ganon naba sya walang pakialam sa kung anong mararamdaman ko kapag na wla sya?

"Tssskk stop that drama." malakas na sigaw ni Thunder kaya naman sa kanya kami napatingin ulit habang may luha parin sa mga mata ko.

"Un-tie Lord Devon," dagdag pa nitong ani.

Kaya naman pinakawalan na sya at nagulat ako ng sinuntok at tinadyakan nya ang lalaking nag tanggal sa tali nya. Tsaka kinuha sa bewang ng lalaki ang baril bago ito pinaputukan sa ulo. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa nasaksihan habang naka tingin kay Yuno, he kill that guy in front of me?

"Subukan mo pang lumaban Lord Devon?" tanong nito kay Yuno at nagulat ako ng tutukan ako ng baril nung isang lalaking may hawak sakin.

"Kayang kaya kong ipapatay ang pinakamamahal mong babae sa isang senyas ko lang sa mga tauhan ko at sabog ang ulo nito." nakangisi nitong dagdag pang sabi.

Kaya naman nanlamig ako sa aking kinatatayuan lalo pa ng diinin pa nito ang baril sa ulo ko.

Kaya naman ay nag-aalalang ibinaba ni Yuno ang hawak nitong baril habang hindi inaalis ang tingin sakin. Nang maibaba nya ang baril ay sya namang pag-ugong ng tawa ni Thunder. At mabilis na pinapulot ang baril sa lapag sa isang tauhan nya.

"Attack him men!" utos nito sa kanyang mga tauhan habang malademonyong tumatawa ng malakas.

Kaya nagugulat akong napatingin kay Yuno ng lapitan ito ng dalawang lalaki habang may hawak na baseball bat at mas lalong nagpagulat sakin ng walang awa sya nitong pinaghahampas sa kahit ano mang parte ng katawan nya.

Kaya hindi ko mapigilan ang hindi sumigaw.

"Itigil nyo na yan please lang." malakas kong pag mamakaawa..

Kaso parang bingi lang ang mga ito at hindi pinakinggan ang sigaw ko at mas lalo pang binilisan ang pag hampas kay Yuno.

Habang hinahampas sya ay hindi nito inaalis ang kanyang paningin sakin. Napaluha ako ng nginitian ako nito ng pag katamistamis nyang ngiti at sinenyasan akong ipikit ko ang aking dalawang mga mata.

Kaya sunod-sunod akong umiling-iling sa kanya at hindi sya sinunod kundi sumigaw lang ako habang may luha ang mga mata ko.

"Tama na please maawa kayo sa asawa ko!" malakas kong sigaw na may pagmamakaawa sa kanila.

Puro pag mamakaawa ko ang pumuno sa buong silid para tigilan na ang paghampas nila kay Yuno, pero para silang walang naririnig at ipinagpapatuloy parin ang pambubogbog.

Kita ko ang panghihina ni Yuno habang iniinda ang sakit sa bawat natatamo nyang malalakas na pag hampas sa kanya. Habang ako ay walang magawa kundi ang sumigaw lang ng sumigaw na tigilan na nila si Yuno, habang umiiyak at nag pupumiglas sa dalawang nakahawak sakin.

Samantalang ang lalaking nag ngangalang Thunder ay nasisiyahan pa sa nakikita nito.

Gusto ko syang sapakin at suntukin sa pwesto nya kaso hindi ko magawa dahil ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang umiyak at mag makaawa at tiningnan ang pambubogbog nila sa lalaking pinakamamahal ko.

"NAGPATANAN AKO SA ISANG MAFIA LORD? (MAFIA SERIES #1)  Where stories live. Discover now