(c) KingstonJ
Kabanata 2
Magulo. Maingay. Makalat. Tatlong salitang maglalarawan sa aming bahay. Wala na ang aking magulang dahil umalis na kanina pa at ang ibang bisita ay umalis na maliban sa mga kaklase kong nagpaiwan.
Ang mga lalaki kong kaklase ay nagtipon tipon sa sala upang manood ng palabas. Habang ako naman ay kasama sa mga grupo ng mga babae na nasa aming pool area.
"Kamusta naman yung Stanford?" Napalingon ako kay Leona na kakaahon pa lamang sa swimming pool. "Marami bang guwapo?" Aniya at kumuha ng strawberry sa plato na nakapatong sa mahabang lamesang sinasandalan ko.
Ningisihan ko siya at tumango tango. Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang 'to. Hilig pa rin ang mga guwapo tulad noon.
"Oo naman. Ang dami ngang nanliligaw sa akin." Pagmamayabang ko at kumuha ng berry at kinain.
Pinagmasdan ko ang pag bilog ng kaniyang singkit na mata. "Really? Kung ako sa'yo sinagot mo na." Humagikgik siya at pabiro akong tinulak.
"Porket guwapo sasagutin ko na? Hindi ko ipagpapalit si Kane noh. Mas guwapo kaya yun." Tumikhim ako at pinagmasdan ang mga lalaking nagtatawanan sa loob.
Naagaw ng attensyon ko ang nakakalokong ngisi ni Leona habang tinatanaw ko ang mga kalalakihan sa sala.
"Ang guwapo na ni Raph noh?" Aniya at tinanaw din ang mga lalaki sa loob.
Ngumuso ako. "Oo nga eh. Sagutin mo na Leona."
Pagsapit ng alas syete, nag si-uwian na ang aking mga kaklase. Tanging si Raphel na lamang ang nagpa iwan upang tulungan ako sa pagligpit ng mga kalat na dinulot namin. Hindi sapat ang aming limang katulong upang malinis ang kalat sa sala, pool area at kusina.
"Hindi mo naman 'to kailangang gawin Raph. Sige. Uwi ka na." Wika ko sa isang banayad na tono at isinilid ang iilang kalat sa trash bag.
Nakakahiya na kasi sa kaniya. Parang pagod na pagod na siya pero eto siya kailan pa akong tulungan. Ang dami na niyang nagawa para sa akin since high school pero ako, wala man lang nagawa para suklian iyon. Wala man lang nagawa para makabawi sa lahat ng magagandang bagay na kaniyang naiambag nung mga panahon na yun.
"Let me Fern. Masaya naman akong tinutulungan ka." Tiningala ko ang kaniyang mga matang nakangiti habang nakatuon ang titig sa akin habang sinisilid ang mga basura sa hawak niyang trash bag.
"Salamat Raph." Utas ko at tinali ang pangalawang trash bag na napuno ko na ng mga basura.
Ganun din ang ginawa niya sa pangatlong trash bag na napuno niya. Inipit ko ang takas na buhok sa aking tainga at nagpalinga linga upang tignan kung may mga basura pa nang maramdaman ko ang mainit na haplos ni Raph sa pisngi ko.
Nagtama ang mga tingin namin dahilan para makita ko ang mata niyang pumupungay habang palapit siya ng palapit sa aking pisngi. Ngunit bago pa niya magawa ang dapat niyang gawin, iniangat ko na ang dalawa kong palad at tinulak siya sa dibdib.
"I'm sorry Raph. But you have to go now. Matutulog na din ako." Nagkunwari akong humikab at nag unat bago pagmasdan ang mga mata niya kung saan bakas ang kaniyang pagka bigo.
"Really? P-pwede ba dito na lang ako matulog?" Umangat ang gilid ng labi niya habang nakahalukipkip akong tinititigan.
Mabilis ang ginawa kong pag iling. Bawal ito. Bawal na bawal. Si Kane lamang ang pwedeng makitulog dito sa aming pamamahay. "B-bawal eh. I'm sorry. Ibinilin ni mommy na huwag ako pumayag na magpatuloy ng bisita sa bahay. Sorry talaga Raph."
Umangat ang kanang kamay niya upang haplusin ang batok niya. "Okey. How 'bout next time?" Tanong niya habang hawak hawak ko ang braso niya upang ihatid siya palabas ng aming bahay.
BINABASA MO ANG
The Billionaires' Captive (Completed)
General FictionBuong akala ni Fern Romero na magiging maligaya at matiwasay ang pagbabalik niya sa Pilipinas. Ngunit naging magulo ang kaniyang buhay nang makilala niya ang dalawang billionaryo na magiging susi sa pagbubunyag ng mga sikretong dapat niyang malaman...