(C) KingstonJ
Kabanata 4
Isang Linggo ang lumipas simula nang dakipin ako ng mga Catalbas. Si Travis lamang ang aking naging kadamay, nakausap, nag aruga. Hindi ko nga maisip na ako'y nadakip dahil espesyal ang turing niya sa akin. Ganunpaman, hindi ko ninanais na manatili dito pang habang buhay. Kailangan ko mahanap ang tamang tiyempo upang makalaya kahit hindi ko alam kung asang lupalop ako ng Pilipinas.
Hindi ko inakalang mabait ang Travis na ito. Masyado kasi akong nagpapaniwala sa mga alingawngaw sa tabi tabi at internet kaya bahagyang nadungisan ang kaniyang imahe sa mga mata ko.
"Hindi mo ba talaga ako papalayain?" Malumanay kong tanong kay Travis habang pinagmamasdan ko siyang malayo ang tingin habang nakaupo sa aking hinihigaang katre.
"Nope Fern. Baka mapatay ako ni dad." Humagikgik siya ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Patuloy lamang siyang nakamasid sa dagat na tanaw mula rito sa kwarto.
Kumunot ang noo ko. Simula nang dakipin nila ako, hindi ko na nakita si Sir Michael. Tanging si Travis lamang ang nakikita ko na umaaligid sa akin. "Where's your dad?"
"Nasa Maynila." Ngumiti siya at tinapunan ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinagot sa akin.
"W-wala ako sa Maynila?" Pinandilatan ko siya habang hindi pa din makapaniwala. Bumilis ang pag anga't baba ng dibdib ko. Kung saan man nila ako dinala, sana hindi ito malayo. Sana hindi ito kalayuaan sa kinaroroonan ng pamilya ko.
Dahan dahan siyang umiling at tumayo sa pagkakaupo upang maglakad lakad sa kuwarto. "Isn't it obvious? Nasa Cebu ka Fern." Ani Travis sa isang seryosong tono at kumuha ng isang sigaro at itinapat ito sa pansindi sabay upo sa aking tabi.
Ngunit bago pa niya masindihan ng tuluyan ang sigaro, hinawakan ko na agad ang kamay niya upang pahintuin siya. Ayon kay daddy, masama sa kalusugan ang paninigarilyo dahilan para lumayo ako sa mga kaibigan ko sa Amerika na may mga bisyong ganito. Ayokong matulad sa kanila. Aykong magkaroon ng mga bagay na pagsisisihan ko balang araw.
"Stop Travis." Napalunok akong nilabanan ang titig niya. Yung titig niyang nakakapanghina. Yung titig niyang kaya akong patahimikin ng ilang minuto. Ngunit bago pa ako tuluyang bumigay, binitaw ko ang mga titig ko.
"Why Fern?" Simple niyang tanong at tinigil ang paninigarilyo upang tanungin ako.
"Smoking is bad Travis." Nagigting ang panga ko at dinapo ang tingin sa hawak niyang sigaro.. "Nakakamatay 'to kung hindi mo pa titigilan." Pag dugtong ko habang pinagmamasdan ko siyang paglaruan ang sigaro sa kaniyang mga daliri.
"Fine." Aniya at binato ang sigaro sa balkonahe, hindi kalayuan sa aming kinalalagyan.
Pinagmasdan ko itong malaglag ng dahan dahan sa sahig ng balkonahe habang siya naman ay hindi niya pa rin inaalis ang titig sa aking mukha dahilan para lingunin ko din siya. Nakangisi lamang siya habang tinititigan ako na para bang may iniisip siyang nakakatuwa sa kaniyang utak.
BINABASA MO ANG
The Billionaires' Captive (Completed)
General FictionBuong akala ni Fern Romero na magiging maligaya at matiwasay ang pagbabalik niya sa Pilipinas. Ngunit naging magulo ang kaniyang buhay nang makilala niya ang dalawang billionaryo na magiging susi sa pagbubunyag ng mga sikretong dapat niyang malaman...