All rights reserved 2015
(c) KINGSTONJTHE BILLIONAIRES' CAPTIVE
"Fern!" Napalingon ako kay daddy Roman. Mababakas sa tono ng kaniyang pananalita ang pananabik na ako ay muling makita. May hawak hawak siyang istandarte kung saan nakalagay ang aking larawan at mga pinagdikit dikit na letra upang makabuo ng mensaheng 'Maligayang pag dating Anak'. Ngunit hindi ito ang naging sukatan kung gaano niya ako na miss nang ako'y nawala sa bansa. Nang aking tanawin ang mga mata niyang nagtutubig, ito ang aking naging basihan.
Sa kaniyang tabi ay si mommy Charlotte habang naka angat ang kamay upang salubungin ako ng isang napaka higpit nayakap. Mabilis kong kinain ang distansya sa pagitan namin ng aking magulang at mabilis na binitawan ang aking dala dalang maleta upang puluputin sila ng aking bisig upang ipakita sa kanila kung gaano ako kasaya na muli silang makita. Halos maluha luha kami nang muli naming mayakap ang isa't isa. Iba talaga kapag nawalay ka sa iyong pamilya. Doon mo mapagtatanto kung gaano mo kaayaw mawalay sa kanila at kung gaano mo sila pinahahalagan at minamahal.
"I miss you sweetheart." Rinig kong bulong ni mommy Charlotte habang hinihimas himas ang kulay tsokolate at maikli kong buhok. Tumango tango ako bilang tugon at hindi ko na kailangan sabihin sa kanila kung gaano ko rin sila namiss dahil alam kong ramdam naman nila iyon. Agad ko namang kinalas ang pagkakayakap upang yakapin si Daddy Roman na kanina pa naka angat ang mga bisig upang siya naman ang sumunod.
"How's the flight? Nagkaroon ba ng problema?" Tanong ni Daddy at kinalas ang aming pagkakayakap sa isa't isa. Ibinaling niya ang tingin sa maleta kong nakalapag sa makinis na sahig ng paliparan na ito at binuhat ang mga ito upang ipasok sa kompartment ng kaniyang pulang Lexus LS 460.
Dahan dahan akong umiling at binuksan ang pintuan ng sasakyan at pumanhik sa loob. Gayun din naman ang ginawa ni mommy na tahimik lamang na inayos ang pagkakaupo at ibinalot sa kaniyang katawan ang seatbelt. Ni rolyo ko naman pababa ang tinted na bintana ng kotse na ito upang dungawin si Daddy na hirap sa pag lagay ng mga maleta sa loob. Marahil sa taglay nitong kabigatan. Marami akong dinalang mga gamit patungo sa ibang bansa at ni isa ay wala akong iniwan. Sayang naman kung ito ay aking pababayaan na lamang.
"Dad. Idaan mo na lang ako sa bahay ni Kane. I'll surprise him. Hindi niya kasi alam na ngayon ang uwi ko." Wika ko at inipit ang iilang takas na buhok sa aking tainga upang alisin ang pagkakagulo nito sa harapan ng aking mukha. Sumasagabal ito sa aking paningin at hindi iyon kaaya aya.
Umangat ang gilid ng labi ni Daddy. Siguro ay may nakakatuwa itong naisip na alam niyang ikatutuwa ko rin. "Miss na miss mo na talaga si Kane? Alam mo ba, laging napunta iyon sa bahay natin. Tanong ng tanong kung kailan ang uwi mo." Kwento ni daddy at pumanhik papasok sa kotse upang mag maneho. Napangiti na lamang ako nang sumagi sa aking isipan ang imahe ng kasintahan ko. Kahit kailan, hindi pa rin tumitigil ang lalaking iyon sa pangungulit sa pamilya ko kung kailan ang uwi ko. Buti na lang ay mapagkakatiwalaan ang aking pamilya at hindi nila sinabi kung kailan ito tulad ng aking ibinilin sa kanila noong nasa Amerika pa ako.
"Just promise me Fern, kinabukasan uuwi ka na. I'm going to throw a welcome party para makasama mo uli ang mga kaibigan mo dito sa Pilipinas." Biglang pag singit ni Mommy sa aming usapan ni Dad. Tumango tango na lamang ako sa gustong mangyari ni mommy. Sa totoo lang, nais kong sayangin ang Sabado at Linggo sa bahay nila Kane. Nananabik na kasi akong makita siya muli. Ang tagal na ng panahon ang lumipas simula noong huli ko siyang makasama. At hindi na ako makapag hintay na muli siyang masilayan!
"Whatever you say mom." Bumuntong hininga ako at tahimik na nag scroll sa aking cellphone; tahimik na binibisita ang timeline ng aking mga kakilala sa facebook. Sa Amerika, naging busy ako sa pag aaral kaya minsan ko na lamang ito nabubuksan. Labis akong nagsunog ng kilay roon dahil ayokong dismayahin ang magulang ko at syempre si tita na gumawa ng paraan upang maipasok ako sa isang prestihiyosong paaralan sa Estados Unidos.
BINABASA MO ANG
The Billionaires' Captive (Completed)
Ficción GeneralBuong akala ni Fern Romero na magiging maligaya at matiwasay ang pagbabalik niya sa Pilipinas. Ngunit naging magulo ang kaniyang buhay nang makilala niya ang dalawang billionaryo na magiging susi sa pagbubunyag ng mga sikretong dapat niyang malaman...