(c) Kingstonj
Kabanata 3
Kahit nakapikit ako. Damang dama ko ang pagkahilo. Damang dama ang pagkirot ng aking ulo at batok. Pakiramdam ko, ang gaan gaan ng aking ulo at parang umiikot ikot ang katawan ko hanggang ngayon. Parang sakop lahat ng sakit na ito ang ulo ko. Pati na rin ang mga mata ko, nasasakop ng kirot na nararamdaman ko.
Dama ko ang malambot na bagay na kinalalagyan ko. Kahit nakapinid ang aking mga mata, alam kong kama ang aking hinihigaan, dama ko din ang kumot na nakataklob sa aking katawan.
Idinilat ko ang aking mga mata at kinusot ito upang matanggal ang nag uulap kong paningin. Nang luminaw na ito, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Travis Rey Catalbas. Kung ano ang mukha niya sa televisyon, ganun din ang kaniyang mukha sa personal. Walang labis walang kulang.
Napaupo ako sa kama at napasandal sa ulunan ng kama na yari sa kahoy. Sinilayan ko ang mata niyang nakatitig lamang sa kinaroroonan ko habang ang mga mata ko naman ay napapaiwas sa kaniya dahil walang suot na pang taas ang binatang nasa harapan ko.
"Are you hungry? Miss?" Nakatagpo ko ang mga mata niyang kulay tsokolate na nag aalab nang marinig ko ang boses niyang banayad ang tono ngunit pagaw.
Dahan dahan ang ginawa kong pag iling at pinagmasdan ang kamay kong tinali sa magkabilaang gilid ng kama. Nakaramdam ako ng kirot doon nang sinubukan kong pumiglas. Hindi ko alam kung nasaang duta ang aking kinaroroonan ngunit kailangan kong makatakas. Kailangan kong makalayo sa dalawang billionaryo na dumakip sa akin palayo sa aking pamilya.
"Let me go. Please." Nanginginig ang mga labi ko nang ako'y magsalita. Marahil, sariwa pa rin ang mga nangyari sa akin. Masyado akong na-trauma sa mga nangyari. "Anong kailan niyo sa akin? Ibibigay ko. Kailangan niyo ba ng per-a." Nabasag ang boses ko matapos kong sabihin ang huling linya.
Billionaryo ang kaharap ko. Billionaryo ang dumakip sa akin palayo. Ngunit bakit kailan nilang gawin ito? Kahit gusto kong paniwalain ang sarili ko na naghihirap na sila, hindi ko magawa. Kakabalita lamang kahapon na nagtayo nanaman ng negosyo ang kaniyang ama na si Michael Catalbas sa Ortigas kaya malabong naubusan sila ng pera.
"We don't need money honey. Meron kami." Ngumisi siya sa akin. Yung ngising kayang pahinain ang mga babaeng makaksaksi. "Marami." Dugtong niya sa kaniyang sinabi.
Napa ismid na lamang ako. Alam kong mayaman sila. Alam kong billionaryo ang kaniyang pamilya at hindi na niya kailangan ipagsigawan pa.
"Eh anong kailangan niyo sa akin? Katawan ko?" Tinapunan ko siya ng matalim na titig.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at humalukipkip dahilan para mas madepini ang kaniyang pingkaw.
"We don't need your body miss." Aniya at naglakad patungo sa isang babasaging lamesa kung saan nakapatong ang bandeha na may pagkain. "At hindi ko alam kung bakit ka rin nandito. Wala na akong pake kung anong balak ni dad sa'yo." Ani Travis at kinagat ang kaniyang ibabang labi at naupo sa aking tabi.
Pinagmasdan ko ang hawak niyang puting bandeha kung saan nakapatong ang mangkok na may lomi. Amoy na amoy ko ang masarap nitong samyo dahilan para manabik ang tiyan ko na makain ang lomi na ito. Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog at gutom na gutom ako.
"I cooked this." Umangat ang gilid ng kaniyang labi at naglagay ng lomi sa kutsara. Hindi lang pala puro itsura ang lalaking ito. Marunong din magluto. Masyado ko sigurong minaliit ang kakahayan ng isang 'to. Ang buong akala ko kasi, hindi marunong ang mga taong mayayaman mag luto dahil umaasa na lamang sila sa mga katulong at mga order. "Open your mouth, miss."
BINABASA MO ANG
The Billionaires' Captive (Completed)
General FictionBuong akala ni Fern Romero na magiging maligaya at matiwasay ang pagbabalik niya sa Pilipinas. Ngunit naging magulo ang kaniyang buhay nang makilala niya ang dalawang billionaryo na magiging susi sa pagbubunyag ng mga sikretong dapat niyang malaman...