Start of HIS plan

21 0 0
                                    

"WHAT?!!" sabay sabay nilang sabi-sigaw pala. Kabingi! Maliban lang pala kay Jason. Napaka silent type niyan eh. Nagsasalita lang pag mahalaga, alam mo na nagtitipid ng laway .

.

"S-Seryoso ka ?" Lance

"Pare, babae lang yan itataya mo ang titulong ACE ?!" Charles

"Teka lang, kung makapagreact naman kayo parang wala kayong tiwala sakin ah! Hinding hindi pa ako nabubusted ng babae tandaan niyo! I'm sure nahuhulog na sakin yan ngayo-"

.
.
"DEAL"

.
Di ko na natuloy ang pagsasalita ko. Sa halip, nabigla kaming lahat sa inasta ni Jason. Akala ko ba wala siyang interes sa walang kabuluhan na bagay ? Bakit mukhang nag iba yata ang simoy ng hangin?.

.
.
"T-Tol ! SERYOSO KA ?!!" Charles

.
.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Sagot pa ni Jason. Napatingin naman siya sakin at tinigil ang nilalaro niyang rubix cube. Tumayo siya tsaka lumapit sakin samahan mo pa ng ngiting parang naghahamon, parang ngayon ko lang nakitang ganito ang reaksyon ng lalaking to. May kakaiba sa aura niya, para siyang may naiisip na hindi ko malaman kung ano ba. Ewan ! Basta may pinaplano siya, sa.. tingin ko?

.
.
"Ayos naman pala eh ! Buti pa si Jason game sa iniisip ko ! Wahahahhh !!" Nagkatinginan naman sila, nakakatawa talaga yung mga mukha nila ! Akala mo talaga parang matatalo ako dito ! Ako yata ang Ace ! At nakakasigurado akong AKO ANG MANANAL-

.
.
"Game, at kapag ikaw ang unang nahulog. Ako na ang 'Ace' ". Lagi na lang akong pinuputol ni Jason pero may sense ang sinasabi niya. Yan ang gusto ko.

.
.
.
"Deal" tapos nag handshake kami tanda ng hindi paglabag sa usapan at nangangakong tutuparin ang ano mang mga pinusta namin ngayon. Halatang nangangamba sila Charles at Lance sa mga kinilos ni Jas. Oo ako din, di ko siya maintidihan pero mabuti na yun at may pumayag naman sa pinlano ko !

.
.
.
Ella's POV

.
Nakakainis talaga yung bakulaw na yun ! Anong akala niya ? Uubra sakin yang mga step step na yan ! Laos na yan no! Nabasa ko na yan sa wattpad na yan, si Kat kasi eh bili ng bili ng mga pocket book nayan . Pag wala tuloy akong magawa, nababasa ko tuloy.

.
.
.
Pabalik na ako sa room ko pero pagkapihit ko ng doorknob, nagtaka ako kung bakit hindi to nakalock. Nilooban ako. Panigurado. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa madilim kong silid. Ipinikit ko ang aking mga mata at nakiramdam sa paligid ko.

.
.
"Wag ka ngang umupo dyan, sakin yang sofa ." Pangisi ngisi ko pang binigkas yan. Alam ko na kung sino ang nakapasok. Nilapitan ko siya at kinuha ang kain kain niyang Ice Cream. Di naman siya mahilig dun eh ! Alam niya lang talagang di ko siya palalayasin pag may dala syang pasalubong.

.
.
.
"Oh kamusta ka naman Insan?"

~~~~End of POV

.
.

"Hoy tanda, ito na yung pinabili mo saki-samin pala ! Ano na namang naiisip mo ha !" Galit na sigaw ni Ace sa principal ng academy.

.
.

"Makikita mo rin apo." Tsaka ngumiti ang matanda na para bang nang aasar. Naguguluhan na si Ace kung bakit naman halos na lang lahat mag iba ng kinikilos. Una si Jason, sunod naman tong si tanda ? . Yan ang nasa isip ni Ace ngayon. Umalis siya ng naguguluhan pa rin pero di na niya ininda ito. Pagkapasok at pagkapasok niya sa kanyang room, agad niyang nakita si Ella na natutulog. Mukhang puyat na puyat ang dalaga kaya tinabihan agad siya ni Ace at sinimulan nang asarin.

I'm The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon