Chapter 2: For Real?!

2.6K 144 8
                                    

*Tik-ti-Laook!* *Tik-ti-laook!*

Nagising s'ya sa tunog ng alarm n'ya. Yup, alarm. Weird, right? Ang mas lalong weird pa ay hindi s'ya nagigising pag ibang tunog ang ginagamit n'ya bilang alarm.

Nag-unat sya.

"Ah! Ang saraaap!" Sabi n'ya nang marinig na tumunog ang mga buto n'ya buhat ng kan'yang pag-uunat. Paano kasi, kung makahiga ay nakadapa, hindi sanay ng nakatihaya.

Binaba na n'ya ang kanang paa n'ya sa sahig pero may naapakan s'ya.

Mabalahibo.

Malambot.

Maliit.

"Oh, Shiz! Sorry, Little bear. Dibale, mabango naman ang paa ko. Hihihi." Pakiusap n'ya sa kawawang teddy bear na kan'yang naapakan. Kinuha n'ya ito at inamoy pa.

"Sabi ko sa'yo, mabango eh." Tumayo na s'ya at inilagay n'ya ito sa kwarto ng nahihimbing n'yang kapatid.

Tuwing gabi niya kasi ito kinukuha pag tulog na ang kapatid niya para, iwas away. Gusto kasi niya makatabi ang Stuffed toy kaya, binabalik n'ya pag umaga.

Bakit? Saakin naman talaga dapat 'yon. Binili 'yon ni Papa sa'kin. Pero, sabi ni Mama malaki na daw ako kaya, sa kan'ya nalang. I'm never too old for that cute teddy bear!

"Ahihihi."

Natawa nalang s'ya sa ginagawa n'ya. Parang baliw lang, diba?

Sabado ngayon at plano na n'yang gawin ang proyekto n'ya kaya kinuha n'ya ang  kan'yang Nokia 3310 Cellphone at nagtext sa Numero ni Ram na ibinigay sa kan'ya ni Jana.

Sending..

Sending..

Sending..

|Check Operator|

"Walang kwentang cellphone!"

Akma n'yang itatapon ang Cellphone n'ya pero tinigil n'ya ito sa ere at sinabing,

"Joke lang, Noki-noki. Labs kaya kita. You know that, right?" sabay himas sa kan'yang cellphone.

Weird.

Wala naman pala s'yang load.

Lumabas s'ya ng bahay ng hindi nag-aayos. Magulo ang buhok, nakapajama at may bakas pa ng laway sa pisngi.

Kadiri lang.

"Manang, Pa load ho." Sabi n'ya sa tindera, maya-maya lamang ay dumating na din ang load n'ya.

Pagkapasok n'ya ng bahay ay agad na sumalampak s'ya sa kama n'ya at nag text.

To: 09*********

| Hoy, Ram. Shan 'to. Paano project natin?|

Sent!

Kung ibabase natin sa paraan ng pagtetext niya masasabi nating napakagalang n'ya, diba?

Naghintay s'ya ng ilang minuto.

10 minutes.

20 minutes.

30 minutes.

"Ah, Buset! Ang tagal magreply!"

Inip na inip na nga s'ya sa paghihintay sa sulyap ni Xander, Sa text pa kaya ng isang nerd?

To:09*********
|Hoy! Yung Project natin! Hoy! Hoy! Hoy!|

Tinadtad n'ya ito ng ilang ulit. Floodtexts kungbaga.

Napaigtad s'ya ng madinig ang paborito at pinakamagandang tunog sa Cellphone n'ya. Ang Nokia Tone.

Nag hum pa s'ya habang tumutunog 'yon.

Fr:09*********
|Who are you? Wrong sent ka.|

Yun ang laman ng mensahe. Ayaw pa naman n'ya ng pinaglalaruan s'ya.

Nagpakilala na ako ah? Ulitin ko pa, ulit? Unli? Unli?

Naiinis na s'ya, tinatamad na s'ya magpipipindot ng mga letra sa keypad n'ya kaya, tinawagan nalang n'ya ito.

Ring...

Ring...

Ring...

"He---"

"Hoooy! Si Shanice Beatrice Laxamana 'to! Who are you, who are you ka pa d'yan. Ano na yung Project natin?!" sigaw n'ya agad nang sumagot na ang kabilang linya.

"What? Wrong Sent kaya yung text mo!" Nagulat s'ya sa boses na narinig n'ya.

Boses lalaki ito! Kailan pa naging lalaki si Ram?

Hala! Nagpatransgend si Ram?! Emeged! Whyyy? Sayang ang feslak n'ya!

Sabi ng exaggerated n'yang utak.

"Huwag mo'kong lokoh----"

"Hindi ako si Ram na sinasabi mo, si Xander 'to."

Oops! Wrong Sent! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon