Epilogue

2.6K 164 19
                                    

Hindi na s'ya kumain pa. Agad s'yang umalis ng pila at tumakbo papunta sa lokasyon na naitext sa kan'ya.

Pagkadating n'ya doon, nakita n'ya ang lalaking dati ay hindi siya tinitignan pero ngayon, kung makatitig ito sa kan'ya ay para bang, ayaw s'ya nitong pakawalan.

"Di ko na pala kailangan tumawag. Text lang pala." Sabi nito sa kan'ya. Habang lumalapit.

Sa pagkarinig n'ya sa boses nito, pakiramdam n'ya ay nakikinig s'ya sa isang napakagandang musika.

Kung ang Nokia Tone ang paborito at pinakamagandang tunog sa Cellphone n'ya, ang boses naman nito ang pinakamagandang tunog sa mundo n'ya.

Hinawakan nito ang kamay n'ya. Nagulat man s'ya ay wala din s'yang ginawa.

Umatras siya nang umatras hanggang sa nagdikit na ang pader at likod n'ya,

Ibig sabihin...

She's trapped.

Yes, literally and not literally trapped.

Trapped na kasi siya sa puso ng Binata.

Tinignan n'ya ito sa mata. Feeling n'ya, malulunod s'ya sa lalim ng tingin na ibinibigay nito sa kan'ya. Para s'yang nakatingin sa isang kalawakan na napakaganda. Para bang may ipinababatid itong mensahe sa kan'ya.

"Bakit 'di mo sinasagot yung mga tawag ko?" Tanong nito sa kan'ya.

Hindi siya makasagot.

Masyado s'yang distracted sa kagwapuha--- Este, sa pagitan ng mga katawan nila sa isa't isa.

"Nung araw na tinext moko, isa yun sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko." Biglang sabi nito sa kanya. Hindi na nito hinintay ang sagot n'ya sa tanong nito kanina.

"Madalas kitang nakikita sa Basketball Practice namin. Pero, mas madalas pag Break time. Akala mo siguro, hindi kita nakikita."

"A-ano?"

Akala mo siguro, hindi kita nakikita.

Ibig sabihin, kung ganun, tinitignan n'ya ako?

"Kung ikukumpara sa mga sulyap mo sakin, ako yata ang may pinakamadaming sulyap sa'yo. Nung una, iniiwasan kong tignan ka. May kung ano kasing umiikot sa t'yan ko. Mabilis naman na tumitibok ang puso ko. Pero, hindi ko kinaya. Kasi gusto ko yung pakiramdam na ganun, Gusto kong tinitignan ka. Gusto kong, mahalin ka."

Nag-iinit ang mga mata n'ya. Senyales na naluluha s'ya. She wasn't expecting this! He is confessing!

"Tuwing klase n'yo, nakatingin ako sa'yo. Hindi mo siguro pansin, magkaharap ang classrooms natin at mula sa upuan ko, tanaw na tanaw kita. Pinagagalitan nga ako ng teacher namin dahil lagi akong nakatingin sa'yo kahit nagtuturo s'ya." Sabi ni Xander at tsaka sinundan ng mahinang tawa.

Nanatili lang s'yang tahimik. Hindi niya alam ang sasabihin n'ya.

"Pero alam mo ba kung ano ang pinaka nagustuhan kong tingin?"

Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkahawak sa kamay nya.

"A-ano?"

"Yun ay yung, nagtama ang mga mata natin."

And that was the cue for her tears to fall.

"Mahal kita, Shanice. Sorry, natorpe ako. Dati nga, iniisip ko kung hanggang tingin nalang ba ako sa'yo. Hindi ko na kaya, kaya naglakas loob ako sa'yong ipagtapat 'tong nararamdaman ko kahit, walang kasiguraduhan."

Mas lalo s'yang naiyak. Tumutulo na nga ang uhog n'ya pero wala s'yang pakialam! Eto na o, ang saya saya n'ya!

"Shanice, Payagan mo sana akong manligaw."

Bumilis ang tibok ng puso n'ya. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil kaharap n'ya ang kaisa-isang lalaking nakakapagpatibok ng kan'yang puso ng ganito kabilis.

Simple lang ang hiniling n'ya pero, ang pinaka the best ang binigay sa kanya.

"Ayokong magpaligaw." Mahinang saad n'ya habang umiiling na s'ya namang ikinagulat ng binata.

"Gusto ko, Tayo na."

Yinakap s'ya ni Xander. Sa pagyakap sa kan'ya ng lalaki, pakiramdam n'ya ay ligtas s'ya sa kahit anong pwedeng makapanakit sa kan'ya.

"Walang bawian 'yan ah? Tayo na talaga ah!"

Niyakap din naman n'ya ito ng pabalik.

"I love you, Shanice. Mahal na mahal kita."

"Mahal din kita, Xander."

Mas hinigpitan pa ng binata ang pagkakayakap nito sa kan'ya.

*Toot-toot*
*Nokia Tone*

Humiwalay silang dalawa mula sa yakap nang sabay na tumunog ang mga cellphones nila.

Fr: 09*********

| Congrats! Ayos plano namin no? Hahaha.|

Nagkatinginan silang dalawa ng boyfriend n'ya, ganun din ang nakalagay sa cellphone nito.

Oo, Boyfriend.

Nagulat s'ya ng biglang lumabas ang guro n'ya, si Jana, Si Ram, Teammates ni Xander at sabay-sabay sinabing...

"OOPS! WRONG SENT!"

Oops! Wrong Sent! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon