Chapter 3: Breath

2.4K 122 5
                                    

"Hindi ako si Ram na sinasabi mo, si Xander 'to."

Ha? Teka. Ano daw sabi? Di ko narinig ng maayos.

1..

2..

3..

"WHAAAAAT?!" sigaw n'ya sa kabilang linya ng mahimay na n'ya ang sinabi ng kausap.

"Wait, Don't shout! Ano b----"

Hindi na n'ya pinatapos pa ang sinasabi ng kausap. Agad n'yang ibinaba ang linya.

Bakit si Xander yun? Hindi ba dapat si Ram yun? Si Ram dapat yun! Hello, number yun ni Ram!

Nag-isip s'ya, hindi kaya si Ram talaga yun at pinagtritripan lang s'ya? Siguro alam nito na may paghanga s'ya sa binata.

"Oo, Baka nga! You're so smart, bright, intelligent, Shanice Beatrice!" Sabi n'ya sabay palakpak at tumawa.

How will you explain his voice?

Napaisip ulit s'ya. Akalain mo 'yon. Nag-iisip pala s'ya?

Kilala n'ya ang boses.

Si Xander nga.

Tinext n'ya si Jana, ang nagbigay ng number ni Ram. Tinanong n'ya kung number ba talaga ni Ram yun, Oo naman ang sagot ni Jana.

Nilapag n'ya sa kama ang Cellphone.

Nakakahiya naman! Baka naamoy ni Xander ang hininga ko kanina habang nag-uusap kami!

Nagpagulong-gulong s'ya sa kama. 'Yan pa talaga ang inisip n'ya kaysa sa kawawang project nila.

Nagring ang Cellphone n'ya, at nagulat ng tumatawag ang Numero ni Ra-- Mali.

Numero ni Xander.

Bakit s'ya tumatawag? Hala! Baka sabihan n'ya akong gumamit ng Mouthwash! Naamoy nga n'ya!

Tinitigan lang n'ya lang ang kan'yang cellphone na para bang isang delikadong bagay hanggang sa mawala ang ring. Ilang beses pa itong nagring pero hindi din niya sinasagot.

Dumating ang Monday, hindi man lang sila nakagawa ng kahit ano sa proyekto nila. Paano naman kasi, hindi niya nakontak si Ram. Pasalamat nalang sya, inextend ng kanilang guro ang submission.

"Sige, Kita nalang tayo sa Linggo. Sa bahay namin tayo gagawa." Sabi ni Ram.

Kasalukuyan silang nag-uusap ng nagring ang kan'yang Cellphone.

"Okay, See y---"

Umalis s'ya ng walang paalam sa kausap.

Bastos talaga!

Isa pa sa pinoproblema n'ya, tawag nang tawag ang numero ni Xander. Nagtataka  na s'ya, hindi lumilipas ang araw ng hindi ito tumatawag atleast 8 times per day. Wala s'yang sinagot.

Parang ewan nga s'ya. Ayan na nga, chance na 'yan pero, di n'ya magawang sagutin.

"Bakit di mo sagutin?" Nakangiting tanong ni Jana.

"Psh. Di ko kilala." Sagot na lang n'ya dito.

Hindi niya ito sinasagot sa kadahilanang nahihiya sya. Hindi pa n'ya kasi ito nakakausap kahit isang beses, pakiramdam nya, mawawala ang boses n'ya pag kausap niya ito.

Pero kahit ganun, hindi pa din s'ya tumigil sa pagsulyap sa lalaki tuwing Break time.

Para nga s'yang tanga, bakit hindi nalang n'ya sagutin ang tawag?

Pero sa kasamaang palad, hindi padin s'ya nito tinitignan.

----------

Nasa kama na s'ya at yakap-yakap ang favorite stuffed toy n'ya. Mas magandang sabihin na stuffed toy ng kapatid n'ya. Ninakaw nanaman n'ya.

Nagring ang Cellphone nya, Si Xander nanaman. Hindi nanaman niya ito sinagot.

Nagring pa ito ng paulit-ulit. Nakukulitan na s'ya, kaya kinuha n'ya ang Cellphone at pinindot ang 'Compose Message' sa kanyang Nokia 3310.

To: 09*********

| Bakit? |

Tanging sabi niya, naghintay lang s'ya saglit ng ilang sandali at...

Message Sent!

Oops! Wrong Sent! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon