III: The Bad Boy

11.6K 379 240
                                    

WARNING: This chapter contains foul language and explicit words not suitable for young readers. Please read at your own risk.

 Please read at your own risk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BARON MEDEL

"TANGINA KA, GINAGAGO mo ba 'ko?!" Kinwelyuhan ko 'tong isa kong kasamahan bago ko sinapak sa panga.

Sumubsob siya sa sahig nitong restobar na kinakainan namin. Tatadyakan ko pa nga dapat sa sikmura, pero bigla na akong pinigilan ng iba naming mga kasamahan sa tattoo shop pati ng sekyu rito.

"Awat na, Medel! Simpleng bagay lang 'yan."

"Simple? Gutom na gutom ako tapos kakainin niya lang 'yong pina-order ko? Tanginang trip 'yan!" Kumawala ako sa mga kapit nila sa 'kin at sinugod ulit 'tong gagong 'to para sipain na sa sikmura.

Nagdidilim ang paningin ko sa sobrang init ng ulo ko ngayon! Wala na 'kong pake kung pinagtitinginan kami ng mga tao rito sa restobar, basta pupuruhan ko 'tong animal na 'to.

Hinila ko ulit siya sa sando niya patayo, at saka ko ulit sinapak.

Akala ko hindi lalaban ang ungas, pero biglang bumwelo sabay sinapak din ako sa bandang mata!

Medyo nawalan lang ako ng balanse pero nakabawi rin agad ako at tinadyakan siya sa tiyan. Bumulagta ulit siya sa sahig.

Hindi ko na siya tinantanan pagkatapos. Pinagsasapak ko siya sa mukha hanggang sa hindi ko na namalayan na hinihila na pala ako ng mga kasamahan ko palabas.

Tinulak nila ako sa kalsada. Nagdidilim pa rin ang paningin ko kaya napaupo na lang ako sa gilid.

'Yung ginulpi ko, sinugod agad nila sa ospital kasi basag na basag ang mukha. Dapat lang sa kanya 'yon, gago siya.

"Tangina, Medel," pag-aangas sa 'kin nitong si Anton, 'yong may-ari ng pinagtatrabahuan kong tattoo shop. "Pikon ka talaga kahit kelan. Wag ka nang pumasok bukas. Tanggal ka na."

Nginisian ko lang siya sabay tinaasan ng gitnang daliri. "Sige, tanggalin mo 'ko. Sinong nawalan?"

Tumayo na 'ko at umalis.

"Wag na wag ka nang magpapakita rito kung ayaw mong puruhan ka rin namin," pahabol niya pa.

"Wag kang mag-alala, hindi na talaga ako babalik lalo na kung ganyang mga pagmumukha lang din ang makikita ko."

Narinig ko pa siyang nagmura nang malutong, pero hindi ko na pinansin.

Pinahid ko 'tong dugo sa gilid ng mata ko habang naglalalakad ako, at saka naglabas ng kaha ng yosi para magsindi ng isang stick.

Tangina quota na ako sa pakikipag-basag ulo ngayong linggo, ah.

Ang ganda pa naman sana ng araw ko ngayon kasi magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko mamaya, kaso sinira nung gagong kasamahan ko sa shop. Ako pa 'tong sinabihan nilang pikon e putangina nakakapikon naman talaga 'yong ginawa nila sa 'kin.

The T.I SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon