AUTHOR'S NOTE: This story part contains explicit words and mature scenes not suitable for young readers. Please read at your own risk.
• • •
KAEL ROMANO
"SIR KAEL?" KUMATOK ang sekretarya ko rito sa opisina.
"Yes, Rems."
Sumilip siya sa pinto. "Sir, your father wants to talk to you."
Nagbuntonghininga ako habang pumipirma ng ilang mga dokumento rito sa mesa ko. "Nandito pala siya? Akala ko may business trip."
"Mamaya pa pong hapon ang flight nila ni Ma'am. Pinatatawag ka muna niya."
"Bakit daw?"
"He didn't tell me, Sir. He just wanted you to go to his office."
Tsk, ano na naman bang kailangan ng matandang 'yon. Tinakpan ko na muna 'tong gamit kong sign pen tsaka tumayo mula sa swivel chair at lumabas ng opisina.
Tangina, ang aga-aga pa para makipagharap sa magaling kong tatay. Akala ko nasa airport na 'yon para sa business trip nila sa China kasama si Mama. Wala nga rin dapat ako sa opisina ngayon kasi Sabado. Pinag-overtime lang ako para makahabol sa mga project. Tamad na tamad na naman tuloy akong kumilos.
Nandito ako sa construction company namin naka-destino ngayon. Pangatlo ko na nga 'to. May ginawa akong katarantaduhan do'n sa dalawang nauna kaya dito naman ako pinatapon. Ito na raw ang pinakamadali pero tangina, halos mapanaginipan ko na 'tong trabahong 'to gabi-gabi.
Inayos ko muna ang necktie ko tsaka suot kong itim na suit bago pumasok sa opisina ng erpat ko.
Napatingin agad siya sa 'kin sabay ngumisi. "I'm glad you listened to your secretary this time."
Huminga lang ako nang malalim. "Bakit ba? Busy ako."
"What time did you arrive here today? Ang sabi ng sekretarya mo, late ka na naman daw kasi nag-party ka na naman kagabi."
"Friday night. Anong magagawa ko?"
"You know you have to report to the office today, right?"
Tss. Napatingala ako sa kisame sabay hinga ulit nang malalim para mailabas ang pagkapikon ko sa kanya. "'Yan lang ba ang sasabihin mo kaya mo ako pinatawag? Sana tinext mo na lang."
"Bastos ka talagang makipag-usap. Sit down." Tinuro niya 'yong upuan na katapat ng mesa niya.
Niluwagan ko ang pagkakatali ng necktie ko tsaka ako umupo.
May binigay agad siya sa 'kin na folder.
"Ano na naman 'to?" tanong ko.
"New project with the Ong family. They wanted to build a commercial complex. I want you to manage everything."
BINABASA MO ANG
The T.I Squad
HumorArkhe Alvarez, the playboy. Baron Medel, the bad boy. Kael Romano, the fuck boy. WARNING: This story may contain foul language, violence, and detailed sex scenes. Please read at your own risk. Character illustrations by: Gil Artisisiw