BARON MEDEL
ANG INIT NA ng ulo ko dahil sa gutom at pagod pagkarating namin sa bahay nila Kael.
"Oy, Romano," tawag ko agad sa kanya. "May pagkain na? Tangina, mamamatay na 'ko sa gutom."
Natawa siya sa 'kin. "Magpapahanda na agad ako para sa 'yo."
"'Yon! May sisig kayo diyan?"
"Sisig?" Takang-taka 'yong itsura niya.
Si Arkhe naman 'tong natawa sa 'min. "Pagbigyan mo na 'yang si Baron. May ginulpi pa 'yan kanina dahil lang sa sisig."
"Titingnan ko kung mahahabol," sagot ni Kael. "Putangina mo kasi, ba't ngayon ka lang nagsabi na gusto mo no'n?"
"Nahihiya ako e."
"Wala kang gano'n, gago."
Bigla uling natawa 'tong si Arkhe. Pinanlisikan ko nga ng tingin. "Tangina mo, tawa ka nang tawa diyan ah. Baka nakakalimutan mong ikaw may kasalanan kung bakit lalo akong nagutom. Mamaya ipaiinom ko talaga sa'yo lahat ng tubig sa pool nila Kael nang matauhan kang hayop ka."
Lalo lang naman siyang natawa sa 'kin. Ang babaw talaga ng kaligayahan ng ungas.
Sumunod na agad kami kay Kael papasok sa bahay nila.
Manghang-mangha kami ni Arkhe! May ganito pala talagang kalaking bahay? Alam kong mayaman sila Kael, pero hindi ko naisip na ganito kalawak ang tinitirhan niya. Para 'tong 'yung mga mansyon sa mga telenobela na kina-aadikan ng Nanay ko.
"Kaya bang libutin ng isang araw 'to, brad?" tanong ko kay Kael.
Natawa lang siya sa 'kin.
"Seryoso nga. Kasing laki na ng subdivision namin 'to, ah."
Tiningnan ko si Arkhe. Akala ko nasa tabi ko lang, 'yon pala ang layo na ng narating ng gunggong! Nando'n na sa may naka-display na mga litrato.
Sinundan ko nga. "Oy Alvarez, anong meron diyan? May mananakaw ba diyan?"
"May chicks, p're."
"Saan?" Binilisan kong maglakad. May tinitingnan pala siyang picture frame. Gago talaga 'to. Pagdating sa babae, ang bilis ng mata.
Inagaw ko agad sa kanya 'yong frame. Pero pati pala ako nagandahan. "Chicks nga, ah." Sinitsitan ko si Kael. "Oy, sino 'to? Pinsan mo?"
Parang nataranta naman siya. Ang bilis niya ring inagaw sa 'kin 'yong frame, tapos binalik agad sa pinagpapatungan. "Kapatid ko 'yan."
"MAY KAPATID KA???" Sabay pa kaming napatanong ni Arkhe.
"Ba't hindi mo yata nababanggit sa 'min?" dagdag ko.
"Hindi ko totoong kapatid. Inampon lang ng mga magulang ko. Sa Amerika 'yan nag-aaral."
"Ah, kaya pala hindi mo kamukha. Ang ganda e. Tapos ikaw medyo..." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "...medyo ikaw pa ang mas mukhang ampon, brad."
BINABASA MO ANG
The T.I Squad
HumorArkhe Alvarez, the playboy. Baron Medel, the bad boy. Kael Romano, the fuck boy. WARNING: This story may contain foul language, violence, and detailed sex scenes. Please read at your own risk. Character illustrations by: Gil Artisisiw