Chapter 1

14 0 0
                                    


Sabi nila pinakamasarap na pakiramdam daw eh yung magiging kayo ng bestfriend mo. Kasi kilala niyo na ang isa't isa bago pa maging kayo. Pero eto daw ang pinaka mahirap na sakripisyo sa lahat. Syempre nga naman isusugal mo ang friendship niyo sa walang kasiguraduhang relasyon. They say this is tough because most relationships like this, lovers end up like strangers to each other. Bitter. Kung makapag-backstab sa isa't isa akala niyo naman eh hindi nagmahalan at nagharutan ang mga loko.

Pero feeling ko naman hindi mangyayari sa amin ni Biboy yun. Like duh we've known each other since he was 7 and I was just 4. And we grew under the same roof kaya we're just so close to each other.

Yung relasyon namin parang mag kuya lang. Yun nga lang with konting landian. Syempre no magsyota kami alangan namang wala kaming kahit konting landi sa katawan. But don't get me wrong ha. This girl is never been touched, never been kiss but have watched porn na. Eh yung mga ulol ko namang kaklase nung high school manonood ng 50 Shades of Grey at kung kani-kaninong scandal sa loob ng classroom and feeling ko porn yun.

Yes, hindi pa ako nahalikan ni minsan except sa kiss galing kay Mimay at Papay. Si Biboy mismo di pa ako nahalikan. Kahit mag tatatlong taon na kami. Ayoko pang pahalik hanggat hindi pa ako ikinakasal. Yun ang paniniwala ko sa buhay and I thank him for respecting that.

Sabi nga ng mga kaibigan ko eh quotang quota na daw ako kay Biboy. Bukod daw sa childhood friends kami eh eto raw si Biboy ay ang Luke Hemmings ko. Unang una sa lahat, gwapo, maputi, magaling kumanta, magaling mag gitara, matangkad mga nasa 5'7 siya. Aba hindi na masama sa isang 19 year old. Basta lahat ng katangiang meron si Luke Hemmings. Yun nga lang hindi miyembro ng banda si Biboy. Hindi rin habulin ng chicks. Medyo lang. Pero hindi namin problema yun. Hindi naman siya ganung kagwapo at ganun kasikat para dumugin ng mga babae no. Mas gwapo parin si Luke kung tutuusin. Wala eh, idol ko.

"Kikay hindi ka pa ba tapos sa pagpapaka-kikay diyan? Malelate na kasi tayo eh" Biboy said as he entered my room. Although we are in the same house, hiwalay kami ng kwarto ever since the world began.

"Teka mag-lilip gloss nalang ako" then I swiped my lipgloss on my lips tapos tumingin ako for the last time sa salamin. Now you know bakit 'Kikay' ang nickname ko. Bata pa lang daw ako eh arjud na ako. Fumi-feeling dalaga na daw ako. Hagya na daw ako makapag-lipstick. Papakealaman ko daw yung bag ni Mi nun tapos maglalagay ako ng lipstick at akala mo daw eh pinagsusuntok ang nguso ko sa sobrang pula. Pag kinukwento nila Biboy at Mimay yun natatawa nalang ako sa sarili ko

"Hay ang tagal naman" reklamo niya

Kinuha ko yung shoulder bag ko na nakapatong sa kama and I'm ready. "Sorry po!" I exclaimed as I copied Chichay's pose then I slightly laughed. I looked at Biboy and saw his I-can't-understand-face

"Ganyan itsura mo, para namang diring diri ka sa ginawa ko" sabi ko then we walked out of my room

"Ang baduy mo talaga. Hindi ko alam bakit ako nainlove sayo"

"Eh kung pektusan kaya kita diyan?! Ang yabang neto akala mo kung sinong gwapo. Maputi ka lang no" ganti ko sakanya. Deretso lang kami papuntang sala

"Gwapo ko kaya. Eh di ba kaya nanghina yang tuhod mo sa akin kasi gwapo ako" tas kinindatan niya pa ako. Pacute talaga tong kumag na to

"Che ewan ko sayo" and I rolled my eyes. Sakto naman lumabas si Mimay galing sa kusina

"Umagang umaga para kayo yung mga aso't pusa diyan sa harap ng bahay" she said as she give to me our packed lunch ni Biboy. Ganito kami kahit college na kami, pinagbabaon parin kami ng pagkain ng nanay ni Jai.

"Eh kasi Mi yung anak niyo po eh GGSS! Gwapong Gwapo Sa Sarili" I complained as I grab the bag of our food

"Bakit ma, hindi ba gwapo tong anak ninyo ha?" tapos eh nag pogi sign pa ang mokong to.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon