Chapter 3

11 0 0
                                    


2 nights and 3 days

"Grabe namang reunion yun Bi, 2 nights?! OA ha parang ilang dekada naman kayong hindi nagkita ng mga yun" I reacted after I told him what Karen said to me

"Eh parang outing narin namin siguro yun, Kay. Gusto mo bang sumama?" he asked tapos tinaas baba niya pa kilay niya. Pacute talaga to forevs

"Ayoko nga, ma-OP lang ako sainyo dun. Wala naman akong kakilala sa mga yun. No thanks nalang dito nalang ako sa bahay sayang yung tatlong araw kong pwedeng magreview para sa finals"

"Grabe naman pagka-grade conscious mo Kay. Ipinagpapalit mo yung araw na makakasama mo ako sa pagreview mo, ganyan ka" then he pouted

"Luh, ano yan, nagpapa-cute ka niyan?" Pagtataray ko sakanya. Nandito kami ngayon sa sala. Hinihintay namin maluto yung hapunan. Nakauwi pala kami ni Moan ng bandang 6pm na. After kasi ng encounter namin kay Karen eh nagpa-aliw aliw pa kami sa loob ng mall. Kung ano ano pang kalokohan ang pinaggagawa namin

"Hindi. Sus bakit naman ako magpapa-cute sayo? Edi kung ayaw mong sumama edi wag. Doon nalang ako magpapa-cute, sa mga classmate ko dati. Balita ko mga chicks na ngayon mga--"

"EDI DUN KA NA KASI MAGPA-CUTE! PAKELAM KO BA?! DIYAN KA NA NGA" obviously, I walked out at padabog na dumiretso sa kwarto ko at nag-lock. Bwisit na Jai yan, porke gwapo akala mo sobrang gwapo niya. Kainis parang wala siyang girlfriend

Noong nalaman kong may reunion sila, parang ayoko siyang pasamahin. Unang unang reason eh dahil ni Karen. Duh malamang andun yung babaeng yun, baka landiin niya pa si Biboy. Second, ayokong mapalayo sakanya. Biruin mo naman, Ilocos aber! Aba naman. Ang layo nun. Ubos na yung isang araw sa pagbabyahe lang nila. Now I wonder paano naging 3 days and 2 nights yun? Kung Friday sila aalis dapat madaling araw. Ano yun mag-aabsent sila?

Gusto ko na ayaw sumama sakanya. Reunion nila yun eh. Ayoko namang magmukang nakikisawsaw sakanila. Wala naman kasi akong kakilala sa mga ka-batch niya eh. Well yung mga barkada niya pero hindi ko man alam kung sasama mga yun. Tapos Friday pa yun, may duty ako sa Library. Sayang din yung P160 na sahod ko sa araw na yun. Tsaka ayokong gumastos. Panigurado gagastos sila sa hotel na tutulugan nila. Sa mga kung ano anong gagawin nila. Oh diba? Sayang pera.

Nagulat ako sa biglang kumatok sa pinto

"Kikay?" He said as he continually knocks the door.

"Che bahala ka, manigas ka diyan" I murmured. Bahala siya dun, hihiga nalang ako at baka sakaling makatulog pa ako

"Uy Kikay, buksan mo yung pinto please? Sorry na. Joke lang yun. Alam mo namang sayo na ako eh diba?"

Sus ang korni mo dun ka nga. Narinig at nabasa ko na yan

"Huy Kikay anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nagkukulong diyan? Buksan mo to"

"Natutulog ako wag kang istorbo!"

"Natutulog daw. Alleah please, open this door. Isa"

"Edi magbilang ka diyan! Atleast marunong ka nang magbilang!"

"Dalawa"

Bahala ka diyan. Di kita bati. Naiinis ako sayo bwisit ka. Iidlip nalang muna ako...

"Tatlo"

Lalalalalalalalalala

Pumikit nalang ako at kumanta ng mahina sa sarili ko at hinayaan ko siyang magbilang doon sa labas ng kwarto

"But I just can't stop thinking of you wohooo wherever you are, you wohoo"

"Apat, lima"

"Wherever you are, everynight I almost call you just to say--"

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon