"Tell a girl she's beautiful, she'll believe it for a moment. Tell a girl she's ugly and she'll believe it for a lifetime"
A guy who said I'm ugly back then. I really hated him simula nung sinabi niya sa akin yun. Grade 5 or 6 ata ako nun kasi lagi silang nasa bahay nila Biboy nun. Alam pa nga ni Biboy nun na crush ko siya eh at iniinis pa ako sakanya kaya nalaman din ni Bryan.
"Masyado ka pang bata Alleah. Wag munang magka-crush lalo na sa akin. Sa gwapo kong 'to, wala ka na. Pangit mo"
Those are the words he said to me. Grabe lang diba? Kahit sabihin niyo ng bata pa ako nun, aba naniwala talaga ako. Simula nun nagalit ako sakanya. Yamot na yamot ako pag pumupunta sila sa bahay. Sa sobrang inis ko sakanya kulang nalang ay isumpa at ipakulam ko siya. Ang yabang ng supot na yan. Tapos bigla bigla liligawan niya ako nun? Aba sino siya sa tingin niya? Nagkakandarapa lahat ng babae sakanya? Nagsisimula palang siya manligaw sinabi ko na agad na ayoko sakanya. Sinabihan ko siya ng masasakit na salita nun para makabawi ako sakanya. Simula nun, hindi na ulit siya nagparamdam at nagpakita. Nalimutan ko na nga siya eh. As in nawala na siya sa isip ko. But not until now, he has shown again.
Dear Tadhana,
I hate you. Ano ba talagang nagawa kong kasalanan sa mundong ibabaw at pinaparusahan mo ako? Bakit ba gustong gusto mong pinagtatagpo kami ng mga taong kinasusuklaman ko? Una si Karen, ngayon si Bryan. Hanggang ngayon kasi nanggagalaiti parin ako sa lalaking to. May isa lang akong hiling sana pagbigyan mo ako, sana ang ibigay mong tadhana sakanya ay tumandang binata. Kasi malas ang makakasama niyang babae habang buhay. Yun lang ang hinihiling ko. Salamat."Naku tol mukang hindi na ako naaalala ng kapatid mo ah" wow kapatid. Hindi pa ba niya alam?
"Kay, hindi mo na siya nakikilala? Siya si Bryan. Yung crush mo dati hahahaha!" aba talagang nakuha mo pang magbiro Jai ha?!
"Tangina niyo" I murmured
"Ha?" Jai asked
"Wala. Di ko na siya maalala eh. Feeling ko nagka-amnesia ako" palusot ko nalang. Ayoko ng pagusapan to please naiirita lang ako. Baka mamaya murahin ko pa silang dalawa
"Ay puta tol, gumwapo na kasi ako lalo eh kaya hindi na niya ako nakikilala haha" ayun sige tawanan pa kayo diyan
"Ulol" I whispered
"Sinong ulol?" Tanong ni Bryan
"Ha? Wala yung kaibigan ko. Katext ko eh kung ano ano kasing pinagsasabi. Ang ganda daw niya" buti nalang hawak ko phone ko
"Hindi mo na talaga ako naaalala? Haha" tanong niya ulit. Putragis naman tong bwisit na to.
"Hehe sorry kuya di po kita talaga maalala eh. Bata pa po siguro ako nun kaya po di na po kita maalala. Pasensya na po"
"Tol di ka na talaga niya maalala haha. Hayaan mo na. Baka pati sina Zack hindi narin niya kakilala. Elementary palang to nung pumupunta kayo sa bahay eh"
Kilala ko yun sina Kuya Zack, Ate Larene, Ate Lady, Kuya Ronnie, Kuya Henry tska yung girlfriend niyang si Ate Casey, ewan ko lang kung sila parin hanggang ngayon
"Ay tol alam mo pala break na sila Casey at Henry?" yun oh speaking of
"Oh? Bakit anong dahilan? Akalain mo yung dalawang yun nagbreak pa. Samantalang dati kulang nalang ikasal na yung dalawang yun" Biboy said. Makikinig nalang ako sa usapan nila. Makikichismis muna ako
"Haha oo nga eh. Paano gago tong si Henry, nangbabae! Anak puta hindi ko akalaing mambababae yun! Kung suwayin niya ako dati akala mo kung sino tapos siya pa pala tong mangagago kay Cas. Kawawa si Cas tol"
BINABASA MO ANG
Amnesia
Novela JuvenilI'm the antagonist of this story, I'm ruining your beautiful love story. 'Cause in this fairytale I'm the one who's frightening her. I'm the wicked step sister of your princess and the one who can't wear her shining glass slipper. And I know it can...