2 am palang ay gising na ko. At ano ang dahilan? PUP interview and enrollment. Wala akong balak gumising ng ganung oras pero kusang dumilat ang mata ko. Syempre kinakabahan.
Tumayo na ako sa kama ko at kinuha ko ang phone ko. Hinanap ko ang charger ko dahil lowbatt na ang phone ko, hindi ko pala napatay ang internet.
Nang mahanap ko ay sinaksak ko ito sa extension outlet. Tinignan ko ang phone ko at binuksan ang Facebook messenger. Abno ko no? Madaling araw palang umaasa na kong may nagchat saakin.
Wala akong magawa dahil natatakot pa akong lumabas ng kwarto. Chinat ko ang isang groupchat namin ng mga kaibigan ko.
"Good morning! Hahaha hindi ko alam kung najejebs ako or what. Kinakabahan na ko. Nagaayos na ko"
After nun ay pinatay ko na ang connection at pumunta na sa kusina.
Tulog pa si mommy. Kaya nag initiate na ko na maginit ng tubig para sa paliligo ko. Malamig kaya, baka di ko kayanin kapag hindi ako nagbanto.
Inintay ko ito at pagkainit ko ay bumalik na ko ng kwarto. Maaga pa para maligo saka nakakatamad
Hindi ko mapigilan ang kabahan para sa interview kaya naman nagpractise ako ng english ko
Inisip ko na ganto ang tanong: bakit IT ang napili mo?
"I know in myself that I don't take a risk if I can't go pass through it. My meaning for is I take IT because I know that I can handle the challenges that carried by IT course. And I do belived that I have the Guts and Skills what an IT student have so that's why I chose IT. "
Jusko ano batong sagot ko. Hindi ko maintindihan. Tama na nga to. Baka matense lang ako mamaya.
After nung kabaliwan na iyon ay tinignan ko ng mga credentials ko or requirements kung kumpleto ba. Okay naman. Ilang beses ko na ata to nacheck. Paranoid lang talaga ko
Sinulatan ko ng name ko ang gilid ng brown envelope na pinaglalagyan ng papeles ko.
Narinig kong may naglalakad sa kusina at alam kong si mommy naiyon.
"Aga mo naman nagising anak! Naginit ka na rin pala ng tubig." Sabi niya saakin
"Opo. maliligo na po ako. Maaga pa po kami aalis ni Daddy kasi sabi po nung mga nababasa ko sa Facebook, mahaba daw po talaga ang pila." Sagot ko
Kinuha ko na ang takuring pinaginitan ng tubig para ilagay sa timba na gagamitin ko.
"Your the light, you the night, your the color of my blood,
You're the cure, you're the paiiiiiin! You're the only thing I wanna touch.
Never knew that it could mean so much, so muucchhh. Ohhhh
Love me like you do
Lala love me like you do
Love me like you do
Lala love me like you do
Touch me like you do
Taaaaaah touch me like you do."
Ganto talaga ako pagnaliligo, kusang bumubuka ang bibig ko para kumanta. Masaya kaya kumanta habang naliligo, feeling ko ang ganda ganda ng boses ko.
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang towel ko at tinuyo ko ang aking katawan.
Habang palabas ng banyo ay tinignan ko ang phone ko kung may nagreply na ba sa chat ko pero wala parin talaga. Haaaaay.
Kinuha ko ang aking pinalatsyang damit kagabi, ito ay isang vintage na long sleeves. Hilig ko itong isuot lalo na nung fourth year highschool ako kasi andaming memorable na moments kapag suot ko ito.
Ano ano yon?
Una kong beses ito isuot nung oration namin, project yun sa English. Nakakatuwa dahil the day before ng oration ay ibinigay saakin tong damit ng tita kong kakagaling lang sa abroad. Tapos nung isukat ko. Bumagay naman.
Mataas ang nakuha kong grado sa oration ko. Kaya thankful ako sa damit at nagbigay ng damit sakin.
Tapos pangalawang beses kong isuot ito ay yung nagbagiuo kami, retreat yon. Sinuot ko siya na style kpop para maiba naman ang itchura. Tapos nakakatuwa dahil nung makita ako ni Crush sabi niya saakin "Mukha daw akong Korean." Marami ding nagsabe saakin na anlakas daw maka kpop ng porma ko nun.
Tapos huling beses kong isinuot ito ay yung nagshooting kami ng short film para sa project ng mapeh. Kailangan daw kasi mukha akong mayor kaya ang ginawa kong porma dito ay nilong sleeve ko. At okay naman. Madami ngang nakakilala saakin hindi lang sa fourth year kung hindi sa buong highschool dahil may trademark lines akong sinasabe don. "Sobrang yaman ko." Yan yon. Kaya kapag may nakakasalubong ako ginagaya nila ang tono at pagkakabanggit ko nuon. Saya no? pero okay lang.
Kaya eto ang sinuot ko para maging memorable talaga itong damit na ito.
Nung isusuot ko na ay nagpatulong ako sa kuya kong nag COC. Adik yun eh. Ayaw pa nga ako tulungang i3/4 yung sleeve dahil umaatack pa daw siya.
Tapos ay pinuntahan ko si Daddy sa kwarto niya at eto ang tumambad saakin
"Daddy! Sabi mo four tayo aalis at four na nakanga nga ka pa jan!"
Hirap talaga kausap niya tatay ko. Kaya bumaba naako para magalmusal. Habang iniintay ko si daddy at pagtapos ko kumain ay dinouble check ko ulit ang requirements ko. Paranoid diba?
Inilagay ko ito sa squared shaped na bag ko pati ang powerbank, connector ng phone, extra phone na pwedeng ibigay kapag hinoldap(puchu puchu na cellphone), earphones, tubig, at pack lunch.
Hinugot ko na din sa pagkakacharge ang phone ko dahil full charge na ito.,
Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko ang tatay ko na nakabihis na din.
"Alis na tayo. 4:30 na!" mando ko sa kanya.
Kinuha niya ang mga dala niya. Iintayin daw niya ako kaya nagdala siya ng mga pandrawing niya dahil tatapusin niya yung trabaho niya dun. Gumagawa kasi siya ng design ng bahay, parang architect ganun.
kaya ayun, bago kami umalis ay ibinilin na niya saakin ang mga dapat ibilin na kesyo wag makikinig sa aktibista, ingatan ko mga gamit ko lalo na yung pera at wag magpapasingit sa pila pero sumingit daw ako para mapabilis. Baliw tong tatay ko eh. Hindi naniniwala sa mga katagang "wag mong gawin sa iba ang mga ayaw mong gawin saiyo."
Binigay na saakin ang pangtuition ko at inilagay ito sa secret pocket ko.
Tinapos namin ang usapan with a prayer.
![](https://img.wattpad.com/cover/38057322-288-k758581.jpg)
BINABASA MO ANG
Buhay ng isang Isko
AdventureAno nga ba ang mga hakbang para maging Isko si author?