II. Ang Paglalakbay

165 20 0
                                    

Around 4:30 am, sumakay na kami ni daddy sa Jeep papuntang bus station.

"Bayad po, dalawa pong vitarich, sa may sakayan lang po ng bus." Sabi ko sa driver

Tahimik lang ako at nakatingin sa labas habang umaandar ang jeep. Napansin ko itong driver na sinakyan pala namin ay yung driver na kinaiinisan ko nuong pumapasok pa ako ng Highschool. Paano ba naman, halatang ginagamit lang niya ang katandaan niya para makasingil ng normal na pamasahe sa istudyante at senior citizen. Kainis.

"Ma, kulang po ang sukli niyo saakin, 7 lang po ang sinukli niyo, kulang pa ng 5 piso." Biglang nagsalita ang babaeng katapat ko.

Tahimik ang jeep pero parang walang naririnig ang driver.

"Ma, kulang papo yung sukli niyo." Ulit nung babae

At wala pa ding ginawa ang matanda at nabwisit ako dahil nagawa pa nitong sumipol.

"Kulang pa po ang sukli niyo sabi nung babae." Sabi nung lalaki na nasa likod lang nung driver

At kung pwede ko lang batuhin yung matanda, nagawa ko na sana. Wala pa kasi syang ginagawa kahit marami na ang nagsasalita.

Nainis na yung babae. And naisip ko baka wala namang barya pero nung tinignan ko yung lalagyanan niya ng pera ay punong puno ito ng barya.

Malapit na kaming bumaba at hindi parin nasusuklian ng maayos yung babae.

"MA! KULANG DAW NG LIMANG PISO YUNG SUKLI NIYO! DI NIYO BA MAINTINDIHAN YON!" di ko na kinaya kalokohan nitong matandang to kaya nagsalita na ako.

Napatingin ang matanda saakin at tinitigan ko siya para naguusap kami gamit ang mata. Mukhang nainis siya, pero mali naman siya.

Iniabot niya ang limang piso at may naririnig akong binubulong niya sa sarili niya at wala na akong pake don. Pumara na kami dahil nandito na kami sa sakayan ng bus.

Sinundan ko lang si daddy at sumakay na kami ng bus papuntang 'Sta. cruz'.

Nakatayo lang kami sa buong byahe. Punong puno kasi yung bus. Halos dikit dikit na kaming mga pasahero. Isabay mo pa yung paglalakad nung kunduktor dahil naniningil siya ng bayad ng mga pasahero.

Tulala lang ako at nakahawak sa bag ko. Dahil baka madukutan ako at mawalan pa ako ng pang tuition.

Tinitignan ko ang orasan ng bus at isang oras na pala kaming nakatayo at bumabyahe. Pero hindi ako nangangawit. Ayaw ko lang ng siksikan dahil mainit na at may naaamoy pa akong mandirigmang lalaki sa harap ko.

Tinuktok nung kunduktor yung bakal sa bus at sinabeng

"OHHH! Sta. Cruz jan oh!"

Bumaba na kami at sumakay ulit ng jeep, byaheng San Juan naman para papunta na sa PUP.

Wala naman nangyareng dapat ikwento maliban sa nagkwentuhan lang kami ni daddy tungkol sa dorm ko.

Bumaba na kami at naglakad na papuntang PUP.

Nagusap kami ni daddy

Daddy: Wag ka kabahan sa interview ah!

Ako: Opo naman. Nagpraktis kaya ako magenglish.

Daddy: Alam ko naman iyon at sabi pa nga ng ate mo nagsleep talk kapa at English language na sinasabi mo.

Ako: Talaga?! Bakit di niya kinuwento.

Nagtatawanan lang kami habang naglalakad dahil duon sa nalaman ko.

5:30 na ng makarating kami duon. At mejo maliwanag na ang kalangitan. Kinakabahan na ako.

Buhay ng isang IskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon