Pagkalabas ko ng administrative office ay nagtungo agad ako sa room na nakalagay dun sa papel. CCIS 5th floor ang nakalagay.
Pagkapunta ko duon ay kinakabahan na ko dahil syempre interview na! dito ko na magagamit yung pinapractise kong English.
Pagkaupo ko ay kinausap ako ng isang assistant at may ibinigay saaking form. Finill upan ko ito at may mga interview question din dito.
Pinasa ko ito at pinaproceed niya ako sa loob ng interview room.
Pagkapasok ko, naramdaman ko ang lamig ng kwarto. Isang lalaking 40 years old na siguro ang edad at pinaupo niya ako sa upuan sa harap ng table niya. Tinanong niya kung anong course ko.
ikaw si cortez gilbert? siya
Opo ako
hhhmmmmmm. Siya. Kinakabahan na talaga ako.
may extra curricular ka ba tanong niya. Buti nalang tagalog.
Wala po. Sagot ko
Wala?! Eh ang music life mo? Kumakanta ka ba? Instruments? tanong niya
Kumakanta po ako at nagdradrums din po.
Sige nga sample. Tayo ka jan. nung una hindi ako sumagot dahil hindi nagsisink in sa utak ko ang sinabe niya. Ano daw? Pinapakanta niya ako?
Kusang tumayo ang katawan ko at nagsimulang kumanta.
Eto unang naisip kong kanta kaya eto ang kinanta ko
Your the light, you the night, your the color of my blood,
Youre the cure, youre the paiiiiiin! Youre the only thing I wanna touch.
Never knew that it could mean so much, so muucchhh. Ohhhh
Love me like you do
Lala love me like you do
Love me like you do
Lala love me like you do
Touch me like you do
Taaaaaah touch me like you do.
Mejo nanginginig ang boses ko pero ayos naman ang kinalabasan dahil araw araw ko ata iyang kinakanta.
Pagkatapos ko ay tinanong niya ako
Pwede ka bang maging solohista namin?
Pwede po. Natatawang sagot ko.
Wala na siya tinanong at ibinigay na niya ang schedule ko at kung magkano ang babayaran ko.
BSIT 1-2n ang section ko
Nag thank you ako at lumabas na. yung tense ko ay nasa puso at isip ko padin.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko yung kaklase ko nung highschool.
Kinuwento ko yung nangyare tungkol sa interview, at tawa lang siya ng tawa. Pero masaya rin naman siya kasi daw nagkaroon ako ng slot.
Pumunta na ako sa medical clinic para dun sa medical clearance ko. Dito wala ng pila pinapasok nalang ako sa loob.
Kinuha nung doktor yung xray film ko at tinignan. May piniramahan din siya sa approval ko. Saka tinanong niya kung may sakit ako. Syempre sinabe kong wala para maclear na ko.
After ko dun sa medicial ay nagpunta na akong cashier. Nanlula ako sa haba ng pila.
![](https://img.wattpad.com/cover/38057322-288-k758581.jpg)
BINABASA MO ANG
Buhay ng isang Isko
AdventureAno nga ba ang mga hakbang para maging Isko si author?