V. Ang Pagtatapos

187 24 0
                                    

Mahaba, minsan baba mo, madalas PILA!

Nakakainis. Pila nanaman. Tinignan ko yung pila simula baba hanggang sa third floor.

Wala nanaman akong magagawa kaya umakyat ako at pumila. Kinompirma ko dun sa nauna saakin kung ito ba yung pila para sa pagbabayad ng tuition. Oo daw.

Limang oras akong nakapila at bagot na bagot. Isama mo pa yung wierdong lalaking nagpagtanungan ko kanina. Dinadaldal ako about sa mga bagay bagay na wala namang maitutulong para sa pagusad ng pila. Miski nga tatak ng sapatos ko tinanong niya eh. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na ito sinagot.

Pagod na ako. Nanghihina at nagugutom. Wala akong magawa. Hindi ako makakain dahil awkward naman kapag nilabas ko ang pack lunch ko dahil miski mga tao sa paligid ko ay mukhang gutom na gutom na din.

Nalibang din kami paminsan minsan dahil sa mga walang kwentang bagay tulad ng daga na tumatakbo sa hallway. Kung makatili yung iba akala mo napakalinis nila eh baka nga mas malinis pa yung daga sa kanila eh.

Tiniis ko ang limang oras na pila dahil huling step na naman ito at isa na akong ganap na Pupian or iskolar ng bayan.

Pagkabayad ko ay tinawagan ko agad si daddy. Sinabe kong tapos na at tinanong ko kung nasaan siya para mapuntahan ko na.

3:00 na nung matapos ako sa lahat ng gagawin.

Pinuntahan ko si daddy sa waiting shed ng mga magulang at nandun siya.

Nakangiti.

Masaya.

Dahil isa na daw akong isko.

Buhay ng isang IskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon