III. Ang Pagpila

199 22 2
                                    

Pumasok na ako sa may PUP at iniwan ko si daddy sa waiting place ng mga magulang. Bawal kasi silang pumasok sa loob ng campus. Hindi ko alam kung bakit.

Kinuha ko yung instruction at tinignan ko kung saan ako unang pupunta.

West wing room 107.

Yan ang nabasa ko. Pinuntahan ko na iyan at nagulat ako dahil andami ng nakapila kahit sobrang aga ko pa.

Habang naglalakad ako, samot saring mukha ang nakita ko. Nakakanibago pala.

Sa bawat hakbang ko ay nakikita kong tinititigan ako ng bawat madaanan kong tao. bakit kaya? Ano problema nila.

Nakita ko na ang dulo ng pila.

Tinignan ko ang oras ko sa celphone at magsisix ng umaga na pala. Kinuha ko ang headset ko at nagpatugtog para hindi ako mabagot.

Kahit sobrang lakas na ng volume ng aking phone ay naririnig ko parin ang pagbibida nung babae sa likod ko sa kausap niya. Andami niyang sinasabe at kinukwento dun sa lalaking kausap niya. Halos buong buhay na ata nakwento niya. Bakit hindi nalang siya sumulat kay Tita Charo?

Buti naman at napagod din siyang magkwento at naupo nalang sa isang tabi.

Pag tingin ko sa harap ko ay hindi parin umuusad ang pila.

Mga limang minuto ang lumipas ay nagdadatingan na ang mga enrollee. Dahil bagot na at bored na bored ako hindi ko napigilang mangcriticize ng mga dumadating. Pero sa sarili ko lang. wala akong pinagkwekwentuhan.

Unang nakita kong dumating isang babaeng mukhang matured at halatang naka BB cream pa dahil amputi ng mukha niya at ang itim ng leeg. Mukha na siyang life size ng rexona black and white dahil makikita mo talagang magkaiba ang kulay ng mukha niya at ng kanyang leeg.

Sunod naman ay isang babae ulit na kung maka ngiti ay akala mong nangangampanya. Tinitigan kong mabuti ito at consistent ang ngiti niya.

May lalaki din dumating na akala mo bagong member ng chicser. Naka closed neck at ombre na polo tapos matingkad na orange na pantaloon at naka brush up na buhok. Inshort, mukha siyang jejemon. Ano kaya trip non? Akala niya sigur audition ng chicser yung nakita niya pila. Biro lang.

At huli ko naman kinritisize ay isang bading na naka boots. Akala niya siguro baha.

Wag kayo magisip na masama ako ah? Ganto lang talaga ako. Observer.

Around 6:30 ay umusod na ang pila. Yes! Isang maliit na babae ang nagassist saamin para dalhin sa isang room. Hinahati kaming mga nakapila para ilagay sa isang designated room. Kasi daw may orientation.

Biglang tumigil ang pagusad ng pila. Isang bading na assistant ang naglalakad habang nagaanounce ng mga bagay bagay patungkol sa requirements. Dapat daw kumpleto ang credentials namin dahil daw masasayang ang punta namin dito kapag may kulang

Pumasok na kami sa isang room. Hindi na bago sa aking paningin ang itchura ng room hindi dahil pareparehas ito kundi dahil dito rin kami nagentrance exam.

Natapat ako sa isang room na maraming kalat. Tinignan ko ang loob at puro dyaryo ang nakita ko. ang cover page nito ay mukha ni PNOY na may ilong ng isang baboy. Bigla ko tuloy naalala ang mga paalala ng aking daddy tungkol sa mga aktibista.

Napansin ko lang, nawala yung mga karatula na nakalagay sa mga pader ng PUP, yung mga nagrarally? By the way, wala naman akong balak sumali sa aktibista dahil ayaw ko mapahamak. Mahal ko ang sarili ko.

Pagusad nung pila ay tuloy tuloy na kami hanggang makapasok sa isang room.

Dumiretso agad ako sa pinaka malapit na bakanteng upuan. Inilagay ko ang bag ko sa tapat ko.

Buhay ng isang IskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon