Bibble’s POV
(INSERT HEARTPRINTS BY JIREH LIM)
“I know, so what if I’ll ask you to marry me? Would you say yes and be my wife?”
“I know, so what if I’ll ask you to marry me? Would you say yes and be my wife?”
“I know, so what if I’ll ask you to marry me? Would you say yes and be my wife?”
Ano daw??
“Hey Bibble, I was just kidding” sabi niya. Aayy anak ng parrot
“I know” kunwari’y walang pakealam kong sagot, pero masakit syempre. Tumingala nalang ako para mapigilang umiyak.
“Naaapektuhan ka yata sakin Bibble, di kaya may gusto ka sakin?” he said wearing a smirk. I gasp, lakas masyado ng self-confidence niya!
“Wag kang managinip ng gising Coffee!” bigla namang naging cold yung mga mata niya.
“It’s Toffee” sabi niya
“Wow? Kelan ka bininyagan ulit?”
“Noon pa”
“Weh? Nasan baptismal mo, pakita mo nga sakin”
“Bakit ko naman pag-aaksayahan ng panahon kunin yung baptismal ko at ipakita sayo? Importante ka ba?” ouch!
“Awwtss” rinig kong sabi ng mga kaklase naming. Dito pala sila. Huminga ako ng malalim para mapigilan tong luha ko.
“Class Dismissed. Walang nanalo sa debate” sabi ni Mr. Pinabayaannangmagulang. Paglabas niya, kinuha ko ang bag ko at lumabas na rin. Uuwi nalang siguro ako.
*END OF FLASHBACK*
(INSERT DI LANG IKAW BY JURIZ) (A/N: PARANG AWA NIYO! IPLAY NIYO YUNG MGA NABABANGGIT NA KANTA)
Yun, tapos nun palagi niya nalang akong inaasar na may gusto sa kanya (which is totoo naman). Heh! Manahimik ka! Parang naging iba na siya, no nag-iba na talaga siya. Hindi na siya yung Fifi na kilala ko. Haaaayyss over ko na mag-emote. Letse.
Naglakad-lakad muna ako sa garden, may napansin ako sa isang bench dun. Linapitan ko naman agad. Waahhh chocolates and flowers!! May card! Wait basahin ko!
To Bibble,
I’m the one who received your chocolate last month. Thank you.
Love,
Coffee WifiWhat the hell? Siya nakareceived?! (Kung hindi ka ba naman kse bobo’t tanga, eh kayong dalawa lang naman yung palaging tambay sa garden eh, sino pa ba ibang makakakita at makakakuha nun?!) Manahamik ka nga sabi!! (Letse! Oo na!) Pero may point siya dun. Hayys kasi naman Bibble eh. Tanga mats? (Tanga talaga!) diba sabi ko manahimik ka?! Isa nalang talaga, susungalngalin na kita! (Eh di pag ginawa mo yun,parang sinungalngal mo na rin sarili mo?) Isa! (Sabi ko nga, mananahimik na!)
Ayyyy! Waaaaaahhhh!
“Nakita mo na pala” bigla naman akong napalingon. Tsk si Coffee
“Oh sayo na to, bigay mo sa iba” sabay abot sa kanya nung chocolate
“Can’t you see? may pangalan mo, ibig sabihin para sayo”
“I don’t care, ibigay mo nalang sa iba, ayaw ko niyan” sabi ko kahit takam na takam na ako.
“At kelan mo pa tinanggihan yan?”
“N-ngayon lang, ano ba! Kunin mo na kase!” sabi ko saka inihampas ko yung chocolates at flowers sa dibdib niya. Tumalikod na agad ako.
“You know what Bibble? I still love you and it fucking hurts me like hell that you refused these!” sabi niya, napatigil naman ako pero hindi ko siya nilingon.
“I don’t care” tanging nasabi ko pinipigilang maiyak.
“Bakit ba kase hindi mo matanggap na mahal kita ha?! Why can’t you accept the fact that I’m fucking in love with you?!” Nu bayan? Tinagalog na nga, ininglis pa.
“Kase hindi katanggap-tanggap” sige lang Bibble, konting push pa kahit masakit na.
“Bakit Bibble? Bakit?” base sa rinig ko umiiyak na siya.
“Bakit ba kase hindi mo rin matanggap na hindi kita mahal?!” di ko na mapigilan ang luha ko.
“Ganun nalang ba yun? Bibble, bakit ba kase hindi mo ako bigyan ng chance, patutunayan ko sayo na mahal na mahal kita, na hindi kita iiwan, na magiging tayo hanggang huli, please lang Bibble bigyan mo ako ng chance” di ko napansin dito na pala siya sa harap ko, nagmamakaawa, umiiyak. Umiwas ako ng tingin. Please Coffee, wag mong gawin yan, hindi ko kaya. Hindi ko kayang Makita kang ganyan.
“Bibble please?! Isang chance lang, Please Bibble” patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Kailangan ko nang tapusin to, baka mamaya bumigay pa ako. Tinulak ko siya.
“Pwede ba Coffee! Tigilan mo na yang kahibangan mo! Hindi kita mahal kay leave me alone!” sigaw ko sa kanya.
“Talaga Bibble? Talaga? Ngayon tumingin ka sa mga mata ko, sabihin mong hindi mo ako mahal, tapos aalis na ako” natigilan ako.
“Oh ano Bibble?” tinignan ko yung mga mata niya. Puno ng lungkot.
“H-hi-hin-di k-kita” umiwas ako ng tingin.
“mahal” pagtatapos ko, tumalikod na ako.
“I’m an addict and you’re my drug” sabi niya
“I’m not a drug so shut the fuck up” matigas kong sabi at tumakbo na palayo.
Ang sakit! Ang sakit sakit! Sobra.
After 6 years
Hmm waaahh nakakamiss din pala ang amoy ng air pollution dito sa Pilipinas. It’s been six years. Ang tagal ko din palang nawala, ang daming nagbago, traffic lang ata sa EDSA ang poreber hindi magbabago eh. Nga pala, isa na akong professional fasion designer ngayon. Galing pala ako sa Paris, dun kase ako nagcollege then nagtrabaho na rin. Ngayon, napagdesisyonan ko na dito nalang magtrabaho para naman kahit papano, umunlad ‘tong bansang to. Haha cheka lang
Kung itatanong niyo kung anyare samin ni Coffee? Well, hindi ko na siya nakausap after nung conversation naming nung white day, umalis kase agad ako ng Pinas. Wala rin akong balita sa kanya, siguro may asawa na yun ngayon.
Aaminin ko mahal ko pa rin siya pero I think, not all stories have ‘happy ending’ because someone invented ‘tragic ending’. Oh diba? Walang sense?
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Ayown. Okie na. hindi nagkatuluyan pero keri lungs pag trip kong gawan ng part three, gagawan ko pero hindi ko masisigurado na magkakatuluyan sila.
Aminin naman kase natin, sa buhay, may dadating, may aalis. Hindi lahat ng akala mo totoo, kaya nga maraming namamatay sa maling akala diba? Minsan akala natin siya na yung ‘the one’ yung makakasama mo hanggang huli pero lilipas ang panahon marerealize mo na napadaan lang pala siya sa buhay mo. Tapos may dadating ulit na iba, akala mo ulit siya na, pero hindi pa rin pala. Di mo alam yung hinahanap mo sa tabi mo na pala. At isa pa, hindi lahat ng meant to be, nagkakatuluyan. Kahit mahal niyo pa ang isa’t-isa, kahit nakatadhana na kayo, hindi ibig sabihin magsasama na kayo hanggang huli, depende pa rin yan sa sitwasyon at sa desisyon ninyo. Every choice leads to different doors of fate, depende sayo kung anong pipiliin mo.
Yown lang. salamat sa nagbasa.Love you!!
-p.a