Xion's POV
First day ko ngayon ng Senior Highschool sa Elites Academy, I'm a Grade 12 student. My course is STEM kasi plano ko mag Pre-Med sa college. Hindi naman masama mangarap hindi ba? Sa totoo lang, kinakabahan ako kasi hindi naman kami mayaman, pero masaya kaming magkakapamilya. Si mama, si papa, ako, at si bunso. Si mama ay house wife lang pero nag bebenta din siya ng kung ano pwede at si papa naman ay mekaniko. Kung tutuusin, malaki sweldo niya sa trabaho pero self-employed siya and hindi siya na-kita ng pera kapag walang gawa. Karamihan pa sa mga nagpapagawa sa kaniya ay hindi nag-babayad kahit isang buwan na nakalipas.
"Sy! Kain na!"
"Opo Ma!"
Bumaba na ako baka ma-late pa ko sa school. Kailangan bago mag 7:30 am, nandoon na para makapag-check in na ako sa Dorm room ko. Pag tingin ko sa orasan ay 6:00 am na. Isang oras na lang para makapag ayos. Mabilis ako bumaba at nagsimulang kumain. "Oh, pano ba yan Yuan? Yang kapatid mo hindi ka na masusundo araw-araw, marunong ka na ba mag byahe mag-isa?"
"Opo naman ma, tinuruan na ko ni ate last month pa."
"Mabuti yan, wag ka sa kung sino-sino sasama ha?" tumango naman kapatid ko at ipinagpatuloy ang pag-kain. "Ikaw Sy? Excited ka na? Last year mo na ng highschool tapos sa pang-mayaman ka pa g-graduate. Panigurado tatanggapin ka na ng College na gusto mo pasukan." Tumango ako at nilunok ang kinakain ko. "Medyo kinakabahan pero okay naman, siguro kasi puro mayayaman nasa school ko pero ang mahalaga isang taon na lang din ako mag titiis tapos mag c-college nako."
"Galing talaga, hindi pa din ako makapaniwala na nakakuha ka ng 98% sa entrance exam nila. Balita ko wala pa daw nakaka-abot ng ganon kataas."
"Eto naman si mama oh, sigurado hindi moko titigilan about jan ng ilang buwan." Napatawa naman siya sa asar ko. "Syempre, proud ako tska yang papa mo. Isipin mo, ang talino mo, ang bait pa. Kaya, alam ko na kayang-kaya mo kung ano man yung meron diyaan sa school nayan."
Napangiti na lang ako at sakto lumabas na si papa sa CR kaya ako naman ang maliligo. "Ligo nako, baka ma-late pa eh."
***
After ko maligo, mabilis ako nag ayos at sakto, 6:55 am na. "Papa! Tara na, baka ma-late na ko sa orientation!" Mabilis na bumaba si papa at kinuha yung susi samantalang ako, kinuha ko na mga maleta ko at ang pamphlet na pinamigay noong na-confirm namin ang pag-eenroll ko as a scholar sa school na iyon. Hindi ko man akalain na sampung buwan din ako mahihiwalay sa magulang ko pero eto. Pwede lang kami umuwi sa Semester Break at sa Christmas Break. "Mamimiss ka namin Sy." Niyakap ako ni mama na medyo umiiyak na.
"Eto naman si mama eh. Araw-araw naman tayo nag kikita sa bahay, at least wala nang mangungulit sa inyo diba haha." Natatawa ako sa itsura ni mama, naiyak na talaga siya. Akala mo naman hindi na ko uuwi. "Hayaan mo na yang mama mo. Lagi kayo mag-kasama ng ilang taon, medyo maninibago siya, at ako din at yang kapatid mo. Tandaan mo lang na mahal na mahal ka namin ha?" Sabay halik sa noo ko.
"Opo pa."
"Bilisan mo umuwi, panigurado mamimiss ka ng buong barangay, lalo na yung Andrey ba yun? Yung gusto manligaw sayo?"
"Papa naman eh, hindi ko nga siya gusto."
"Oo na sige na hindi na. Basta kapag may na gustuhan ka na, sabihin mo sakin. Babae man o lalaki okay lang."
"Ehh, papa naman ehhh."
"Hahahaha, medyo nahahalata ko na bata ka pa lang. Pero siguro wag mom una sabihin sa mama mo at alam mo naman yan."
"Opo pa."
"Basta mahal na mahal ka namin ha?"
"Opo." Sabay halik niya sa noo ko. After ilang minutes, nakadating na din kami sa Elites School or ES na lang for short. "Hanggang dito na lang muna. Kita na lang tayo anak sa Sem-Break niyo?" Tumango naman ako at hinalikan siya sa pisngi. "Opo, kita na lang tayo non, chat chat na lang muna."
***
Habang ipinapasok ko yung maleta sa school, may nakita akong pinagkakaguluhan doon sa left side ng main building.
"Huy! Hindi ba siya si Andrey Villa?"
"Oo beh siya yan! Ampogi niya diba?"
"Oo teh! Andrey anakan mo ko!"
Jusko mga tao dito, kadiri mga sinasabi. Wait, Andrey?
"Uy, Sy! Nandito ka din pala!"
"Ah, oo. Naka kuha ko ng scholarship." Bigla siya lumapit sakin at hinawakan kamay ko pero iniurong ko. "Ah oo, mom told me about you getting a scholarship somewhere but she didn't say where. I'm glad I saw you here."
Medyo alanganin ako na tumawa at umurong habang siya ay naglalakad lalo palapit sakin. "Ah, oo. Haha." Tumingin ako sa paligid at nakita ko na ang sama ng tingin sakin ng mga babae. Mukang lalapain nako. "Who is she? Is she a transferee?"
"Yuck, her shoes are fake."
"Is she the new scholar they're talking about?"
"Dude, check her out. Looks like Grey will have a new toy."
"Oo nga. She looks like Grey's type."
"I feel sorry for the girl. First day tapos napag tripan ng isang member nina Grey."
"Ah, Andrey, kailangan ko na pumunta sa orientation and sa dorm ko eh." Medyo lumalayo na ako, ang awkward kasi. Hindi ko naman akalain na nandito pala siya. Hays. "Oh, okay. But do you need help—?" I cut him off, ayoko na kasi makipag-usap. "Ah wag na. Okay nako. Besides, may lalagyanan naman ng maleta. Kaya ko na. Bye!" At biglang takbo sa elevator. Napahinga ako ng malalim and bigla na lang may nag salita sa likod ko. "You seem like you're running away from Rey."
"Ay anak ng tipaklong." Napatingin ako sa likod ko and nakita ko isang matangkad na babae. Ang ganda niya pero parang walang emotion yung itsura niya. "Ah, ay opo. Medyo may history po kasi."
"Ex?"
"Ah, hindi po. Matagal na po kasi siya tina-try manligaw sakin. Pero ayoko." Mukang naguluhan siya sa sinabi ko. "May problema po ba?" Umiling siya. "Nothing, you're just the first girl I met that hasn't fallen head over heels for him." Napatango na lang ako. Mukang ang cold niya eh.
*ding*
"Dito na po ako, bye po." Paalis na sana ako ng elevator ng bigla niya ako hinila sa kamay ang nag tanong. "What's your name?" Medyo alanganin pa ko pero wala ko magawa. "Uhm, Xion Estrella po." And binitawan niya na kamay ko. Weird. Ah bahala na, at least nandito nako sa dorm room ko. Mag isa lang ako kasi isa daw ako sa mga nasa Class S which is yung pinakamataas na class sa hierarchy sa school na to. Pinaka-influencial, pinaka-mayaman, and pinaka-matalino, nandito lahat. Well, siguro na hulaan niyo na kung saan ako. Hindi naman ako famous and hindi din ako mayaman. Hanggang talino lang talaga.
Pag-bukas ko ng room, ang ganda. Parang condo na siya. Ang laki din. Nung una ayoko pa mag dorm kasi mahihiwalay ako sa family ko. Hanggang ngayon naman, pero ang ganda kasi so siguro magiging bearable siya dahil sa ganda ng place.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita | GxG Story Taglish
Roman d'amourGrey de Vera, famous cold girl sa school na Elites Academy. Her family owns a business called de Vera Adamas which is the most famous jewelry company sa Philippines. Xion Estrella, crush ng bayan sa Amadeo. Mabait, masipag, matulungin, friendly, la...