Xion's POV
What did she say???
"Seriously Grey?! Finally, you opened up that heart again! Congrats!"
"Guys, I gotta take her somewhere, don't overwhelm her. It's her first day."
"Yeah sure, we'll just see you later Grey." Sabi nung lalaki na may red na buhok. Pwede pala yung may hair color dito? Or dahil sila ay nasa Class S? Ah debale na.
Nung makalayo na kami, bigla kong hinila yung kamay ko galing kay Grey at tiningnan siya ng masama. "Ano yun?! Bakit mo sinabi yun?!" Bigla naman nagging expressionless ulit siya. Kanina medyo may something pero ngayon, expressionless nanaman. "Look Xion, I've read your file. We both need something from each other." Ha? At ano naman kailangan ko dito? "Ano naman kailangan ko sayo? Sa pag kakaalam ko, kahapon lang tayo nag-kakilala."
"Money for your mother's chemotherapy." What? Pano niya nalaman yon? Walang nakakaalam about don. "Pano mo nalaman yon?" Bigla naman siya nag smirk. "I have my ways Xion. I also know about what happened 3 years ago." Shit, pano niya nalaman yon? "Look Xion, I know all your secrets. Even who you really are. So, either you go along with my plan? Or you get exposed, and pass up an opportunity to finally be free of all those debts, and I'll handle the rest of your mother's chemo."
Ang ganda masyado ng deal niya para sabihin ko ayoko. At tska baka lumabas yung information na meron siya tungkol sakin, hindi pa ako ready and hindi ko ata kaya na umalis agad sa school na to, especially dream school ito nina mama para sakin. Makaka-alwan na din kami sa gastusin kasi karamihan sa mga kinikita ni papa ay napapapunta sa pag papagamot ni mama.
"Hays, sige. Ano gagawin ko? At tska, bakit kailangan ako? Mukang habulin ka naman sa school na to." Bigla na lang ako nakakita ng emotion sa mata niya pero bigla naman nawala kaya hindi ko agad nalaman kung ano. "You're new. Besides, you don't seem to like me like those other people." Oh, ganon ba? "Pero, parehas tayo babae. Hindi ba weird?"
"It'll only be weird if you make it weird. Besides, I'm already out." Edi sana all out. Si papa nahalata na niya pero si mama? Hindi ko alam kung kakayanin ko kung malaman niya. Hays, lalo na after what happened last time. Ang hirap, siguro hindi ko na lang din ipapaalam sa kaniya. Mas importante sakin pamilya ko kesa sa sarili kong kaligayahan.
"Okay, deal. Pero every month yung chemo ni mama. Pwede ka magpadala every month?" Tumango naman siya, "I'll give you 10 grand every month. US dollars, I meant." Anlaki. Mas malaki pa sa kailangan talaga ni mama. "Masyado malaki yan Miss President." Bigla naman napakunot ulo niya. "Miss President? Really?" Tumango naman ako. "Oo, diba ikaw president ng ESG? Kaya Miss President." Napatawa naman siya. Wow, ganda naman neto tumawa, medyo tagilid nga lang yung ugali, galing mang blackmail. "Don't call me that. Just call me by my name."
"Sige Leyley." Ngumiti naman ako ng matamis. Akala ko maaasar siya pero parang malungkot pa siya. "Don't call me that." Napa-nganga naman ako. "Eh ayoko Grey itawag sayo. Pero bagay sayo kasi wala ka emotion, basically wala ka kulay, so Grey."
"Whatever, just never call me that name."
"Ayoko nga Leyley, gusto ko ito itawag sayo eh." Nag buntong hininga na lang siya and tumango. "Let's go. We'll be late for breakfast." Ay oo nga. Tiningnan ko relo ko kaso naubusan nga pala to ng battery kahapon. "Uy Leyley, anong oras na?" Tanong ko. "7:15." Eh, ang ganda ng relo niya. Rolex ata yung brand na yun? "Is your watch broken?" Umiling naman ako, "Hindi, naubusan lang ng battery. Matagal na to sakin eh, Grade 9 pa ata ako."
"Looks old, let's go into town later, we'll buy a new one." Nagulat naman ako sa sabi niya, wala ako pera pang bili ng bago. Tska, bawal lumabas, eh ang mamahal ng tinda sa mall sa campus. "Ang mamahal ng benta na gamit sa mall sa loob ng campus, wag na. Kahit battery na lang." Bigla naman siya umiling, ang kulit naman neto. "No, I'll buy you a new one."
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita | GxG Story Taglish
Roman d'amourGrey de Vera, famous cold girl sa school na Elites Academy. Her family owns a business called de Vera Adamas which is the most famous jewelry company sa Philippines. Xion Estrella, crush ng bayan sa Amadeo. Mabait, masipag, matulungin, friendly, la...