Xion's POV
Yung orientation kahapon ay sobrang boring. Hindi ako makapag focus kasi kulang talaga ko sa tulog. Nag ayos din kasi ako ng dorm bago ako pumunta sa orientation. Puro Grade 7 nandon and Grade 11 na bagong transfer and ako yung nag iisang transferee sa Grade 12 kaya medyo nakakailang kasi andaming mas bata sakin sa iisang lugar.
8 am ang first class namin habang ang breakfast namin ay mag s-start ng 7:00 am. Kailangan bago mag 7 ay nasa cafeteria na kami. Kahapon nagagalit yung guide namin tuwing canteen tawag sa cafeteria, sabi niya kailangan refectory daw tawag since yun talaga yung tawag ng mga students doon dito. Wala ka makikita na canteen or cafeteria sa map ng school, refectory lang makikita mo. At may dalawang refectory ang school na to. Yung refectory ng normal students, at yung refectory ng mga Class A and S students.
It's only 5 am kaya naligo na ako. After ko mag ayos, kinuha ko na yung uniform na nasa cabinet. May 12 uniforms sila na binigay samin, and Sunday lang yung rest day namin. Kaya pwede 2 weeks na hindi ako mag dadala ng maruming damit sa laundry room. May sariling laundry room nga pala ang mga nasa Class S. Marami ang privileges ng mga nasa Class S. Magagandang Dorm Rooms tapos mag isa ka, marami uniforms, may sariling refectory, mga nasa Class S lang makakasama mo sa classes, at pwede ka din maging member ng ESG which is Elite Student Government.
Yung mga members daw ay kaklase ko pero hindi ko pa sila na kikilala. Ang president daw ay si Grey de Vera who ever he is. Pag tingin ko sa cabinet ay nakakita ko ng maraming uniforms and ang ganda. Ang sakin ay white long sleeves with a black skirt, with a black necktie and a black blazer na may brooch. Ang ganda niya tingnan kasi mukang pang mayaman talaga. Susyal tingnan, hindi yung normal na white blouse and blue long na palda lang tapos black shoes and white socks. Yung dito naman ay knee white socks tapos black shoes. Lahat ay tulad tulad, pero yung class A pababa ay white naman ang blazer.
Ang ganda tingnan diba? Pag-katapos ko isuot yung damit ko at shoes, kinuha ko na mga gamit ko. Wala na kami locker kasi nasa dorms naman kami. Kaso nga lang, malayo ang dorms sa Classis Building which is kung saan kami mag ka-klase.
Pag tingin ko sa orasan ay 6 pa lang kaya nag lakad lakad muna ako sa labas. Pag labas ng dorm room ay may katapat ako na room. Room S-001 samantalang ako ay nasa Room S-002. Pag tingin ko sa right ko, mahabang hallway at apat lang ang rooms na nandito sa floor namin. Pag sakay ko ng elevator na nasa gitna ng hallway, walang tao at medyo madilim pa din. Kaya pumunta ako sa roof top dahil may maliit na hang out room doon. Ang ganda nga eh.
Pag-karating ko doon ay nagulat ako dahil may mga tao don. "A-ay, sorry hindi ko po alam na may tao pala. Sige po, baba na po ako. Bago ko pa pindutin yung close ay may sumigaw, "Wait!" Siya yung babae sa elevator.
"Ay, bakit po?" Tanong ko. "Stay, come here, I'll introduce you to them." Medyo napa-awang yung bibig ko kaya yumuko na lang ako para hindi nila makita at itinikom din ito nung natauhan na. "Hi, who's she Grey?" Grey? Akala ko lalaki siya. So siya pala yung ESG President, huh. "She's Xion." Bigla naman ako tumingala at nakita na umiiling yung mga lalaki na nandon sa gilid, wait. Si Andrey yun diba?
"She's the girl I keep talking about, yung maganda na taga Amadeo." Medyo nagulat ako sa sabi niya kasi kinekwento ako ni Andrey sa kanila? "Ha?" Napa tanong ako ng wala sa oras. "Well why didn't you tell us sooner? So ikaw pala yung laging bukang bibig ni Andrey. So how did you know she was THE Xion, Grey?"
"Actually, I didn't bring her here to tell you that she's the girl Andrey keeps talking about."
"So why did you?" Sabi nung babae na straight na may blue hair.
"It's because she's my girl. She's my girlfriend."
Wait, What????
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita | GxG Story Taglish
RomanceGrey de Vera, famous cold girl sa school na Elites Academy. Her family owns a business called de Vera Adamas which is the most famous jewelry company sa Philippines. Xion Estrella, crush ng bayan sa Amadeo. Mabait, masipag, matulungin, friendly, la...