"Erani! I'm begging you to please accept the fact na wala na si kuya Sergio. Mag-aanim na taon na siyang patay, tingnan mo ang kalagayan mo ngayon. Sobrang payat mo na at halos di ka na makilala." nasa pinto ang bunso kong kapatid na si Eton. Hawak hawak nito ang maliit na libro sa kabilang kamay habang nakatitig siya ng malala sa akin mula sa likod ng makapal na salamin nito.
"Hindi niyo ko naiintindihan. Anim na taon niyo na akong hindi naiintindihan." mahinang sabi ko. Narito ako sa aking kama at nakabaluktot, yakap yakap ang litrato ni Sergio. Wala akong paki-alam sa nangyayari sa akin, ang pagkamatay ni Sergio ay siya na ring pagtigil ng tibok ng puso ko.
Kahit kailanman, matapos mamamatay ni Sergio ay hindi nila ako naiintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Hindi nila maintindihan na, sa pagkamatay ni Sergio ay siya na ring pagkamatay ko. Buhay ko si Sergio.
Anim na taon na ang nakakalipas buhat ng mamatay si Sergio, anim na taon na rin ako patay kahit pa humihinga ako.
"Erani, I know. I understand you." sabi ni Eton. Naglakad ito papunta sa dulo ng kama ko at umupo doon, bumuntong hininga siya tsaka pagpapatuloy niya, "alam ko kung gaano niyo kamahal ni kuya Sergio ang isa't isa. Alam ko na gumigising ka para sa kanya. Alam kong anim na taon ka nang nagdudusa dahil sa pagkamatay niya pero kung magpapatuloy kang ganyan paano kami? Paano ako at si lola?"
Nanatili akong tahimik, tumulo ang luha ko. Hindi dapat ako mag-alala sa kanila ni lola, hindi naman kami kapos sa pera. Iwanan ko man sila ay tiyak na nasa mabuti pa rin silang kalagayan.
"Mahirap na tanggapin ang pagkawala ni kuya Sergio dahil pati ako ay hindi ko rin iyon matanggap pero Erani kailangan mong tanggapin na si kuya Sergio patay na, anim na taon na. Matagal na siyang wala." sabi ni Eton. Tsaka isa pa, bente dos na itong si Eton. Hindi siya mahihirapan mag-alaga kay lola kung sakaling susunod ako kay Sergio.
Sa loob ng anim na taon, ilang beses ko sinusubukang sumunod kay Sergio pero bawat subok ko para akong binubulungan at nililigtas ni Sergio, kung paano ay hindi ko alam.
Muling napabuntong hininga si Eton.
"Hinayaan kita ng anim na taon na magdusa sa pagkawala ni kuya Sergio kasi alam ko kahit na anong gawin namin, walang-wala yun dahil sarado ang isip mo at ang alam mo lang ay patay na siya. Hinayaan ka naming magresign sa kompanya ni daddy, ako humalili sayo kahit kaga-graduate ko lang ng senior high noon. Erani, bukas na ang death anniversary ni kuya Sergio at sa tingin mo ba kung haharap ka sa kanya na ganyan matutuwa siya? Ayaw na ayaw kang umiiyak at nahihirapan ni kuya Sergio. Paano ka haharap sa puntod niya na ganyan ka, sa palagay ko eh anim na taon na ding umiiyak si kuya Sergio tuwing dadalaw ka sa puntod niya?" dagdag pa ni Eton.
Nanatili akong tahimik, naaalala ko si Sergio. Oo ayaw na ayaw ni Sergio na nakikitang umiiyak at nahihirapan ako, panigurado magagalit yun kapag hinarap ko siya sa puntod niya bukas na gan'to ang itsura ko. Anim na taon na akong ganto tuwing death anniversary niya.
"Mahal na mahal ko si Sergio," mahinang bulong ko.
"At ganun din si kuya Sergio, pero Erani. Patay na si kuya Sergio at sobrang tagal na." sagot naman ni Eton. Hinaplos ni Eton ng marahan ang ulo ko.
Naramdaman ko ang mahinang pag-tapik ni Eton sa braso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdamay ng kapatid ko, anim na taon na akong di nakakausap, di lumalabas sa kwarto ko. Basta, ang alam ko lang. Patay na rin ako, gustong gusto ko na ulit makasama si Sergio.
"Umayos ka, gusto ni tita Sol na nasa bahay nila tayo mamaya. Magdi-dinner tayo sa kanila." sabi ni Eton. Rinig ko ang pag-lipat ng pahina ng librong binabasa niya.
Si tita Sol ang ina ni Sergio. Napasinghot ako, sa higit anim na taon na nagluluksa ako sa pagkamatay ni Sergio, laging nangungumusta sa akin si tita Sol. She always wanna make sure that I'm fine even though alam niyang di ako kailanman magiging okay. Nasa ganoong posisyon ako ng bumalik ako sa ala-ala na kasama ko si Sergio.
BINABASA MO ANG
She's 19 Again
Novela JuvenilKung meron mang isang hihilingin si Erani ay yun ang mabuhay muli si Sergio, na siyang ginigiliw at pinakamamahal niya. Hindi niya matanggap ang katotohanan na wala na si Sergio kaya naman ng isang gabi na binigyan siya ng pagkakataon na humiling ng...