Nagising akong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko, dahan-dahan akong nagmulat ng mata bago inalam kung sino at kaninong boses ang tao sa labas ng pinto. Hindi naman ako naglo-lock ng pinto, si lola at si Eton lang naman ang kasama ko rito sa bahay, ang dalawang iyon ay malayang nakakalabas pasok sa kwarto kaya ganoon na lang ang pagtataka kung bakit kailangan pa ng katok. Nanatili akong nakahiga ng ilang segundo bago nairita, tumayo ako at nagpunta sa pintuan habang nagkukusot pa ng mga mata.
"Ano ba 'yan Erani! Alas diyes na ng umaga, late ka na naman at talagang dalawang subject pa. Tumawag sakin ang adviser mo para papasukin ka ngayon dahil dalawang araw ka ng half day pumapasok, naiirita na ako sa kakasama mo sa mga kaibigan mo ha! Wala na kayong ibang ginawa kundi mag-inom lagpas curfew." galit si mama habang walang dahan-dahan na pumasok sa kwarto ko.
Kumunot ang noo ko, ha? Eh 'di ba nasa states siya? Kailan pa siya dumating dito sa Pilipinas?
"Teka ma? Kailan ka pa umuwi galing ng states tsaka bakit nasaan yung kumot na bigay sakin ni Sergio?" nagtataka ako ngayon habang di mapakali na hinahanap ang kumot ni Sergio. Anong nangyayari?
Tsaka anong sinasabi ni mama na umiinom na lang lagi ng lagpas ng curfew? Wala akong maalala na uminom ako kagabi.
Galit si mama habang tinutupi ang kumot ko, na iba ngayon. Ang gamit kong kumot lagi ay ang kumot na bigay sa akin ni Sergio, sa pagkakatanda ko pagka-uwi ay iyon ang gamit ko pagkagaling sa sementeryo kaninang madaling araw. Inikot ko ang paningin ko sa buong kama pero hindi ko iyon mahanap.
"Anong umuwi ng states? Kailan pa ako nagpunta ng states? Tsaka sinong Sergio? Nagnonobyo kana ba ng wala man lang akong kaalam alam ha Erani? Umayos ka, dise-nuwebe ka palang." napatingin sa akin si mama habang pinapagpag ang kama ko. Inaayos niya ngayon ang kama ko.
Dise-nuwebe? 19? Excuse me ma? I'm 28 already!
"Sumunod ka kay dada 5 years ago sa states para tulungan sya mag-manage ng branches ng corporate doon. Tsaka anong inom? Galing ako sa sementeryo kagabi." nahihimigan ang pagtataka sa boses ko. Tuliro ako.
Hindi ko talaga alam ang nangyayari. Nandito si mama tapos iba na ang gamit kong kumot! Nasaan ba yung kumot na bigay sakin ni Sergio?
"Ayan, inom pa. Kahit kailan ay hindi ako pupunta ng states dahil wala naman tayong corporate doon, hiling ko din 'yan kaso tatay mo lasenggero, manang mana ka talaga doon. Kung ano-ano at sino-sinong hinahanap mo, gumayak ka at pumasok. Kapag ikaw talaga Erani ay hindi napasama sa gragraduate ngayong taon, malilintikan ka sakin!" galit na sabi ni mama.
Doon ay umikot ang mga mata ko, "teka." bulong ko.
Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko at ibang iba ang ayos nito, pati ang pintura ay iba. Pink na pink? Gantong ganto ang kwarto ko nung teenager pa ako! Napatingin ako sa salamin sa bandang kaliwa ko. Ganoon na lamang ang pang-gugulat ng mata ko ng makitang hindi payat ang katawan ko, parang bumalik ang katawan ko sa kabataan ko, balingkinitan at katamtaman ang taba. Masiglang masigla din ang mga mata ko at hindi tulad ng palagi na bagsak na bagsak at malaki ang eye bags. Ang buhok kong kulay itim na lagi naman magulo ay naging kulay pink din like years ago!
Shit!
"Teka," napatingin ako sa side table. Wala doon ang bato. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Huwag mo sabihing?
"May bato dito, nasaan yun ma? Tinapon mo ba?" tinuro ko yung side table.
"Bato? Anong bato ang tinutukoy mo? Teka nagda-drugs ka ba?" nanlilisik ang mga mata na sabi ni mama. Nakapamewang pa ito.
Napa-iling ako ng agresibo, napatakip ako ng bunganga dahil na-aaning na ata ako. I'm going crazy, I know I am!
"AHHH!" malakas ang tili ko. Sobrang lakas dahil sa matinding gulat at pagtataka. Nakita ko kasi ang kalendaryo.
BINABASA MO ANG
She's 19 Again
Novela JuvenilKung meron mang isang hihilingin si Erani ay yun ang mabuhay muli si Sergio, na siyang ginigiliw at pinakamamahal niya. Hindi niya matanggap ang katotohanan na wala na si Sergio kaya naman ng isang gabi na binigyan siya ng pagkakataon na humiling ng...