Chapter Eight

106 7 0
                                    

Matapos ipakilala ni Matthew si Cassandra sa buo niyang pamilya ay ipinakilala rin siya nito sa mga magulang niya. Kagaya ng payo na binitawan ng kaniyang Ina at Lola, sinubukang magpaka-tino ni Matthew.

Pinilit niya ang kaniyang sarili na makuntento sa isa. Dahil na rin sa takot na mabugbog ng tatay ni Cassandra ay minabuti ni Matthew na gawin ang nararapat. Niligawan niya ng bukal sa kaniyang loob si Cassandra.

Dahil rito, hindi inaasahang lumayo ang loob niya sa kaniyang mga kaibigan dahil madalas na nitong makasama ang kaniyang nililigawan.

Lingid sa kaniyang kaalaman, may lihim palang pagtingin itong si Lovelle sa kaniyang kaibigan kaya't ganoon na lamang ang pag-iwas nito sa binata noong malaman niyang nakatuon na sa iba ang atensiyon ng lalaking sinisinta niya.

Masakit man, pinilit na lamang ni Lovelle na suportahan si Matthew kahit na pakiramdam niya'y dinudurog siya sa tuwing tumatanggi si Matthew sa lahat ng lakad nila.

Ganoon nga siguro talaga, 'no? When your best friend already found his happiness, he will just set you aside. Isasantabi ka niya kahit na ikaw naman 'yong unang nakasama niya. Ganoon nga siguro ang purpose ng best friend. Serving as a waiting shed for those people na naghihintay sa taong mamahalin nila.

At kapag nahanap na nila 'yong tao na 'yon, whether you like it or not, you have to accept the fact na kaibigan ka lang. Na hanggang diyan ka na lang.

Kaya kahit masakit ay pikit-matang tinanggap ni Lovelle na kahit kailan ay hindi sila magkakatuluyan. She already accepted the fact that she will end up being a best friend. At hanggang doon na lang 'yon.

Kasalukuyang naghihintay sa library si Lovelle. Hinihintay niya ang kaniyang nakababatang kapatid upang ibigay dito ang allowance na nakalimutang ibigay ng kanilang Daddy. Wala pa namang gaanong tao sa library noong mga oras na 'yon.

Iilan na lang kasi ang mas pinipiling magbasa ng libro kumpara ang mag-browse sa internet.

Habang hinihintay ang kapatid ay nakatuon ang atensiyon nito sa librong binabasa niya. Hindi ganoon ka-hilig sa pagbabasa si Lovelle ngunit ito ang ginagawa niyang pampalipas oras lalo na kapag hinihintay ang kaniyang kapatid.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin ang hinihintay ni Lovelle.

"Ate," pagbati nito sa kaniya.

Kaagad itong nilingon ni Lovelle. Ibibigay na sana niya ang sinadya ng kaniyang kapatid sa kaniya ngunit hindi inaasang tao ang dumating. Si Matthew. Pumasok siya sa library at tsaka inakbayan ang nakababatang kapatid ni Lovelle.

Halos hindi siya makagalaw sa kaniyang kinauupuan dahil sa nakita. Hanggang sa magkatinginan ang dalawa. Tila pareho silang nabigla dahil kapwa ito walang imik na nakatingin sa isa't isa.

"Oo nga pala, Ate. Si Matthew nga pala. Manliligaw ko. Siya 'yong palagi kong kinukwento sa'yo." Pakilala ni Cassandra sa kapatid.

Walang imik namang tiningnan ito ni Lovelle habang napapalunok.

"Matthew, si Ate Lovelle. Sister ko."

Ngumiti naman si Matthew kay Lovelle.

"O, Ate, kunin ko na 'yong allowance ko. Baka ma-late na ako sa klase ko. Ihahatid pa kasi ako ni Matthew sa building ko."

Pagkatapos sabihin ni Cassandra iyon ay dali-daling inabot ni Lovelle ang sobreng puti na nasa ilalim lamang ng librong binabasa niya. Pagkabigay na pagkabigay niya'y nagpaalam na rin ang dalawa at tsaka tuluyang umalis sa library.

Nang makalayo si Matthew at si Cassandra ay nagbuntong hininga ng malalim si Lovelle. Isinarado niya ang librong nasa kaniyang harapan at tsaka tumungo sa lamesa. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman noong mga oras na 'yon.

Sa sampung emosyong nararamdaman ni Lovelle, isa lang ang tiyak. Nasasaktan siya sa mga oras na 'to. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng pinakamamahal niya ay siya rin palang karibal niya sa lalaking palihim niyang pinapantasya.

Ilang sandali pa, hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili na mapaluha. Pinilit niyang pigilan ang paghikbi upang hindi makagawa ng eksena sa loob ng library. Nakatungo lamang siya sa lamesa habang nakapikit at hinahayaang umagos ang mga luhang dulot ng pagkadismaya sa kaniyang sarili.

Habang patuloy sa pag-iyak ng tahimik, hindi namalayan ni Lovelle na nakatayo na pala si Clark sa kaniyang harapan. Naramdaman niya nang ang presensiya nito nang maramdamang may humahaplos sa kaniyang ulo.

Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang ulo at pinunasan ang kaniyang mga luha bago humarap sa nakaupo sa kaniyang harapan. Pinilin man niyang itago ngunit huli. Nakita na ni Clark na umiiyak siya.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Lovelle kay Clark habang patuloy niyang pinupunasan ang luhang patuloy pa ring pumapatak sa kaniyang mata.

"Para puntahan ka."

"Ha?"

"Nag-message sa akin si Matthew. Nasa library ka daw. Gulat na gulat pa nga raw siya dahil hindi siya makapaniwalang magkapatid kayo ni Cassandra." Kalmadong paliwanag ni Clark habang dahan-dahang hinahaplos ang balikat ng kaibigan.

"Ah, gano'n ba?!"

"Matagal ko nang nararamdaman na may kakaiba sa'yo. Alam kong may gusto ka kay Matthew."

Ngumisi naman si Lovelle bago ito magsalita.

"Halatang-halata ba?" nakataas ang dalawang kilay na tanong niya habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha.

"Hindi naman. Ako lang talaga 'yong nakapansin."

"Yeah! Maybe because he's too busy chasing other woman. Ang sakit lang kasi nandito naman ako pero iba 'yong hinanap niya."

Pagkatapos sabihin ni Lovelle iyon ay muli na namang sumabog ang mga luha niya kaya't dali-daling tumayo si Clark upang lapitan ang kaibigan at yakapin ito ng mahigpit.

"This is not a perfect place for you to ease the pain pero sige, iiyak mo lang 'yan lahat, Lovelle. Nandito lang ako para sa'yo. Hindi kita iiwan." Sambit ni Clark habang dahan-dahang hinahaplos at tinatapik ng mahina ang likod ng kaibigan.

Tumunog na ang bell, indikasyon na simula na ang unang klase ngunit mas pinili ni Clark na huwag muna silang um-attend ng klase para na rin sa ikabubuti ni Lovelle. Alam rin naman niya na hindi pa nito kayang humarap kay Matthew kaya't mas pinili niyang dalhin ang kaibigan sa clinic.

"Ayos lang ba sa'yo kung iwanan muna kita sandali dito? Kukunin ko muna ang gamit natin at tsaka magpapaalam na rin ako sa mga subject teachers para hindi nila tayo i-mark as absent." Wika ni Clark na siya namang sinang-ayonan ni Lovelle.

Aalis na sana si Clark para umakyat sa room nang tawagin ni Lovelle ang pangalan niya kaya't kaagad aiyang napahinto.

"Pwede bang huwag mo nang sabihin kay Matthew lahat ng nalaman mo ngayon? Ayokong makagulo sa kanila ni Cassandra." Bilin ni Lovelle.

Tumango na lamang si Clark sa kaniya bago ito tuluyang umalis habang si Lovelle naman ay nakahiga sa kama ng clinic. Pinayagan naman siya na mag-stay doon dahil masama na rin naman ang pakiramdam niya bago pa niya pilitin ang kaniyang sarili na pumasok.

Missing Heirs series #6: Kendrix Matthew (Published under TMH Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon